Chapter 15

53 1 0
                                    

A/N: from now on, magiging third person na lahat ng chapters. ^•^
____________________________

Third Person's POV

Hindi alam ni Jamie kung saan pupunta. Kung sa kaliwa o kanan. hinahabol siya ng matandang baliw. Natataranta niyang tinungo ang kaliwang bahagi.

"I need to find Yoshi, Meghan and Scarlet! ako ang pinaka-matanda sa kanila. dapat ako ang pro-protekta sa kanila!" sabi ni Jamie sa isipan niya.

Nagulat na lamang siya n may humila sa kanyang kamay at ipinasok siya sa isang kwarto. sisigaw sana siya ng takpan nito ang bibig niya.

"Masyadong delikado kung mag-isa ka, Jamie. Tsaka, hwag kang sumigaw." Naka-ngisi nitong sambit. inalis ni Jamie ang kamay nito sa bibig niya.

"Pwe!" sabi niya. "Basta-basta ka namang nanghihila, Zared. malay ko ba kung ikaw 'yung matandang baliw." Iritado nitong sambit.

"Shhh. malapit lang siya. halika rito." hinila ni Zared si Jamie sa pinaka-sulok upang kahit papaano ay hindi sila maririnig.

"Bakit mag-isa ka? Asan 'yung tatlo mong kasama?" tanong ni Zared sa kanya.

"E-ewan ko. nagising na lang akong mag-isa." nanginginig na sabi ni Jamie. "i-ikaw? bakit ka m-mag-isa?" Tumawa ng mahina si Zared.

"Ako kasi ang dahilan kung bakit kayo nandito ngayon." at gayon na lamang ang gulat niya sa sunod nitong ginawa.

---

"N-Nikkie....sure ka ba sa tinatahak natin?" tanong ni Kristelle.

"Malamang! kung nagdududa ka, pwes, umalis ka!" maarte nitong tugon.

"S-sorry..." umirap na lamang si Nikkie at nagtatakbo muli silang dalawa.

"Parang kilala ko ang humahabol sa atin." biglang salita ni Lovely.

"At sino naman 'yun?" -Nikkie

"She looks like Chel. pero i'm not sure." tumawa si Nikkie.

"Seriously? paghihinalaan mong si Chel iyon? eh napaka-lampa naman ng bobitang 'yon!" napapahiyang tumabi kay Kristelle si Lovely.

Ito ang ugali ni Nikkie na hindi pa nalalaman ni Derrick. kung lahat alam na ito, si Derrick lang ang hindi.

"I want to see Derrick! grrr. baka kasama 'non si Yoshi. malanding babae. Kaya siguro nangyari ito dahil gusto ni Yoshi na masolo si Derrick." sabi ni Nikkie sa sarili.

"Nikkie, mag-ingat ka. baka may bangi-NIKKIE!!!"

"AHHHHHH!!!" tili ni Nikkie nang mahulog siya sa bangin.

Napapikit siya. This is Yoshi's fault. Tama. kapag ako namatay, mumultuhin ko ang malanding iyon-

BLANK













"Kasalanan mo ito, Kristelle. kung sana mas nilakasan mo ang sabi mo, maririnig niya sana!" singhal ni Lovely sa kaibigan.

"Hindi ako ang may kasalanan Lovely. siya. kung ano-ano kasi ang iniisip niya." kagat labing sabi ni Kristelle.

"Stop this crap! umalis na tayo." bago pa sila makatayo ay bigla na lamang may mga taling humila sa kanilang mga paa paitaas!

"Another stupid girls." wika ng isang tinig. "bakit kasi ang iniisip niyo sa akin ay lampa at bobo? hindi niyo ba alam na ako ang top 1 sa buong campus noon?" nanlaki ang mata ng dalwang dalaga ng makilala ang boses na iyon! it was Chel!

"A-ano ba ang kasalan namin s-sayo ha, C-Chel?" Naiiyak na sabi ni Kristelle.

"Kayo? wala. pero si Nikkie meron. at dahil pinatay niyo si Nikkie. ako ang papatay sa inyo."

Inisip na lamang ng dalwa na talagang katapusan na nila kaya ngumiti sila at nagkatinginan.

"We're ready." matapang nilang sabi.

The Revenge of SlendrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon