Extra Chapter

32.6K 713 116
                                    

Chapter 17.5

"Kuya, do I really have to attend school wearing this outfit?" Nahihiyang tanong ko kay Kuya Dark na nagda-drive ngayon papuntang school. "Baka hindi bagay sa'kin." Dagdag ko pa at tiningnan ang suot kong off-shoulder dress na above knee ang haba.

Tinapunan naman ako ni Kuya ng tingin at agad ding binalik ang mata nya sa daan, "Hikari, have faith in your self. You look stunning today." Pagpuri sa akin ni Kuya Dark dahilan para mamula ako. Hindi kasi ako sanay na pinupuri ako ng tao, kung kutya siguro baka kasanayan ko pa.

Napakagat ako sa labi ko, "Hindi ba malaswang tingnan?" Paninigurado ko pa.

E

h kasi naman, medyo labas ang hita at balikat ko sa suot ko. Nakakailang talaga para sa akin.

Nagulat ako nang tumawa nang malakas si Kuya, "Patawa ka, 'neng!" Sabi nya. "Ikumpara mo naman 'yang sa mga suot ng kaklase mo na halos labas na 'yung kuyukot at hinaharap nila, di hamak na disente kang tingnan." Sabi nya na naiiling-iling pa.

"Kuya naman, eh!" Ungot ko sa kanya. Kinakabahan na nga ako eh, nalalaman pa nya magbiro.

Inirapan nya ako, "Ano ka ba, Hikari? Wala ka bang tiwala sa akin? Isa ka sa mga master piece ko kaya dapat confident ka!" Nagmamayabang na namang sabi nito.

"Di naman ikaw ang nag-ayos sa'kin, eh!" Mahinang bulong ko pero mukhang narinig nya dahil hinila nya 'yung buhok ko pababa. "Aray!" Sigaw ko pa.

"Hoy, gusto mong pabayaran ko sa'yo lahat ng ginastos ko para mapaganda ka?" Sabi nya at tinapunan ako ng masamang tingin.

Dumila naman ako sa kanya,"Kunwari ka pa, gusto mo lang makadate si Carlo, eh!" Sabi ko sa kanya dahilan para bigla syang natahimik. "Uy, aminin!" Asar ko sa kanya.

Nagsisi naman ako bigla sa mga nasabi ko nang hindi sya sumagot pabalik. Natahimik sya sa pagd-drive at sumeryoso ang mukha nya.

Mukhang naiilang pa sya sa'kin kapag inuumpisahan ko ang ganitong topic. Malungkot na sabi ko sa utak ko. Masakit lang kasing isipin na hanggang ngayon hindi parin sya ganoon ka-open sa'min ni Mommy pagkatapos namin malaman ang lahat.

Nahalata nya siguro ang lungkot sa mukha ko kaya't inihilamos nya ang kamay nya sa mukha ko. Dahil sa hindi ko inaasahan na gagawin nya iyon, hindi tuloy ako nakailag at kumalat ang lipstick sa mukha ko.

"Kuya!!!" Sigaw ko habang binigyan sya ng nakamamatay na tingin. Humagalpak naman sya ng tawa dahil sa reaksyon pati narin sa itsura ko ngayon.

Ngunit sa kabila ng sobrang inis, nandun parin 'yung relief sa dibdib ko na bumalik na ulit sa sarili nya si Kuya.

----------------------

"Kuya, may kayat pa, eh!" Sabi ko kay kuya na may hawak na tissue sa kamay at pilit na tinatanggal 'yung kumalat na lipstick sa mukha ko.

"Wala na naman, maarte ka lang!" Sabi nya at binato 'yung tissue sa mukha ko. Mabilis syang lumabas sa kotse para pagbuksan ako ng pinto. "Labas na dyan, malelate na tayo!" Sigaw pa nya sa'kin.

Inirapan ko naman sya pero ginawa din 'yung inuutos nya. "Napakabossy!" Bulong ko pa.

"Hundred thousand," biglang sabi nya sa'kin nang nilagpasan ko sya, "kasama na dun 'yung mga damit, sapatos at accessories na binili ko sa'yo. You owe me a hundred thousand kaya kung ayaw mong pabayaran ko sa'yo 'yun, wag mo kong artehan." Pananakot nya sa'kin.

My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon