3 ~ Smack & Torrid

239K 6.6K 269
                                    

CHAPTER THREE

"CHARLTON!" Nagmulat sya ng mata ng marinig ang matinis na boses na tumawag sa pangalan nya. Napahaba yata ang tulog nya hindi nya tuloy na-enjoy ang road trip pero she will make sure na maeenjoy nya ang nagkikislapan na buhangin at asul na asul na dagat na natatanaw nya.

"Saleen ang ingay mo naman." Reklamo nya habang pupungas-pungas. Hihikab pa sana sya kaya lang parang nakaramdam sya ng hiya ng makita nyang nakatitig sa kanya si Ryxer. Ito kasi ang kasama nila ni Saleen sa sasakyan, ito ang driver nila at kasalukuyan syang nakaupo sa backseat.

Gusto nya sana ang kuya Cassidy nya ang kasama nya sa sasakyan kaso nagpalabunutan sila at ang pangalan nilang tatlo ang nabunot nila kaya sila ang magkakasama ngayon. So wala syang choice kundi makasama ang maingay na si Saleen at ang lalaking sana ay balak nyang iwasan kaya lang hindi nangyari, pinaglapit pa talaga sila.

"May problema ba Ryxer? Kanina ka pa nakatingin sakin hindi naman ako 'yung maingay." Umiling lang ito at lumabas na ng sasakyan, maya-maya lang ay may nagbukas na din ng pinto sa gilid nya. "Thanks, pakidala na lang 'yung mga gamit ko sa loob ha?" Tumango lang ito. Sya naman ay nagtatakbo na kasabay ng mga kaibigan nya.

"Charlton tara dito." Tawag sa kanya ni Liberty na nasa dalampasigan at kinakanaw ang tubig doon. Nakabihis na ito ng panligo samantalang sya ay hindi pa, naka floral dress lang sya above her knees and flat sandals.

"Bakit ang bilis mo naman magbihis, kararating lang natin ah."

"Kanina pa kaya tayo dito kagigising mo lang kasi kaya akala mo kararating lang natin."

"Ibig sabihin hindi nila ako ginising?"

"Ayaw ka ipagising ni kuya Ryxer kanina kasi baka napagod ka daw sa byahe kaya lang hindi na napigilan ni Saleen ang sarili nya kaya ginising ka na." Nagkibit-balikat ito at nagpatuloy na sa paglalaro ng tubig sa paa nito.

"O-okey magbibihis lang ako."

"Sa second floor ang room natin Charlton nandoon na din ang mga gamit mo dinala ni kuya kanina pagdating natin." Napaisip lang sya saglit tapos ay pumasok na sa isang bahay bakasyunan.

Tinakpan nya ang kanyang mata ng makitang naka-topless ang kuya Cassidy nya, si Aeon and Ether pati na din si Ryxer. Makakasalubong nya ito sa pinto palabas na ang mga ito.

"Kuya bilis alis na kayo magkakasala ang mata ko sa inyo." Nanatili lang syang nakapikit at nakatakip ang dalawang palad sa mata nya.

"Hindi ka ba nagagandahan sa katawan namin Charlton? Hindi mo ba alam na madami ng naglaway sa mga abs at—."

"Shut up Ether." Putol ng isang boses sa sinasabi ni Von Ether.

"Alis na kayo." Sabi nya na lang hanggang sa naramdaman nya na may dumadaan na sa magkabilang gilid nya at ingat na ingat na hindi sya masagi.

Tinanggal nya ang dalawang palad sa mata nya nang masiguradong hindi na magkakasala ang mata nya. Ilalabas nya na sana ang hangin na kanina nya pa pinipigil sa loob ng katawan nya nang makakita na naman ng tatlong babae na pababa sa hagdan, agad syang nagtakip ulit ng mata dahil naka two piece ang mga ito.

"Charlton nakakainsulto ka na ha. Hindi mo man lang ba susulyapan ang sexy body namin?" Kay ate Stella ang boses na iyon. Umiling-iling sya bilang sagot.

"Ayoko ate Stella labas na kayo kasi sila kuya nasa labas na nakahubad din."

"Talaga nakahubad ang kuya mo?" Tila namamanghang tanong sa kanya nito. She nod her head. "Sige lalabas na din ako gusto ko na din kasi magswimming."

"Ang sabihin mo gusto mo lang pagpantasyahan si Cassidy." Boses naman iyon ni Lexus.

"Grabe ka naman sakin Lexy gano'n na ba talaga ako ka-obvious?"

RACE 1: Left Behind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon