MARISSE POV
"Hoy bruha! Anong mukha yan? May nangyari ba na hindi ko alam?" si Dayne. Andito siya sa bahay namin. Tatambay daw siya dito dahil wala ang parents niya. May lakad about sa business daw. Wala kasing pasok dahil saturday ngayon. Sa school kasi namin, Monday hanggang Friday lang ang pasok. So ayun.
Nandito kami ngayon sa sala naka-upo lang ako at si Dayne kumakain ng cookies na gawa ni mommy. Haaaayyst! naalala ko na naman ang nangyari. Grrrr!
One week na ang nakakalipas simula ng mangyari ang di ko inaasahan na mangyayari. Kasi..yung ano ko.. yung. Waaaahhh!
Uie wag kayong berde jan. Yung ano ko kas--Kyaaaaaahh!ANG LIPS KO DI NA VIRGIN. T_T Putek! Nakakainis talaga yung Parke na yun. Hinalikan ba naman ako sa LIPS. Like OMG! It's so yummy. Pero joke lang. Hindi matanggap ng katawang lupa ko na nahalikan ako. Take note! Sa LIPS ko pa. L-I-P-S. Ok lang sana kung sa cheeks lang pero hindi ih. Sa labi niya ko hinalikan.
Huhuhu! Pinangako ko pa sa sarili ko na magpapahalik lang ako sa lips sa taong mahal ko. Wala na! wala na talaga di na virgin lips ko. Gusto niyo ba malaman ang nangyari? Ganito kasi yun.
flashback ...
"A-YO-KO." seryoso na ang mukha niya. Pwes! Kung seryoso siya magseseryoso din muna ako ngayon. Pinapakalma ko muna ang sarili ko at mag-espeech na.
"SABI KONG TABI DIYAN IH. ANO BA! Di ka ba nakakaintindi? Alam mo, punong-puno na ko sayo. Nakakainis ka na! Sobra! Grrrrrr! Tab--aaahhhHHHH!"
Napasigaw ako ng biglang may dumapo sa balikat ko. Waaaah! Butiki! Ayoko sa butiki. huhuhu. T_T At dahil sa katangahan ko, na-out balance ako. Nahawakan pa ako ni Henry pero huli na ang lahat dahil nasama siya sa pagbagsak ko. Kasama sa pagbagsak ko ay ang pag dampi ng labi namin
Dug dug ..
O.O
What was that ???
"Hihiga ka na lang ba jan or rarape-in kita?"
Ayy grasshoper! Napatayo ako agad nung sinabi niyang rarape-in niya ko. Nahalikan na nga niya ko tapos rarape-in pa. Aba! swerte siya! Humarap ako sa kanya at nagsalita.
"Hoy, Parke! ba't mo 'ko hinalikan ha? Binigyan ba kita ng permission para magpahalik ako? ha? Di mo ba alam na first kiss ko yun? My goodness!"
"It was just an accident! Wag ka nga OA jan. Dapat pa nga magpasalamat ka sakin kasi nahalikan kita. First kiss ko din yun. Tch" -_-
=_=
"Hoy, kapal mo din ah! Kailanman di ko pinangarap na mahalikan ako ng isang tulad mong mukhang .."
"Mukhang?"
"Mukhang grasshopper! Grrr! Bawiin mo yung kiss! Huhuhu."
T_T
Nung dumating siya sa buhay ko ang iyakin ko na. Isang salita niya lang na hindi ko gusto ay napapaiyak na lang ako. Dumagdag pa 'tong puso kong lakas kung makatibok.
"A-ah, Marisse okay ka lang ba ?"
So ngayon, concerned siya sakin? ganern? Bulag ba siya para sabihin niyang okay lang ako? E kitang kita naman niya na umiiyak ako dito.
"Magtatanong ka na nga lang obvious pa ang sagot. Alam mo nung dumating ka gumulo buhay at isip ko. Gusto kitang kalbuhin o sabunutan pero di ko magawa."
Tumutulo pa din luha. Di ko na kaya, kaya ilalabas ko na ang galit ko sa kanya.
"Hey, aksidente yun. And beside, it was just a kiss. Hindi yun big deal."