LYZA's POV
Sunday ngayon at kailangang magsimba. Though ngayon, iba naman. Back to normal life. :(
Bumalik na kasi sila mommy at daddy sa UK. Babalik daw sila soon rito sa Pilipinas at itutuloy na namin mga plano namin as a family.
Sabi kasi nila babalikan nila ako ng pasko pero hindi na natuloy kasi kailangan na sila dun. Mahirap daw basta bastang umalis, magleave or mag absent. Lalo na't kinakailangan talaga sila dun.
Hay. Huminga ako ng malalim at inilabas lahat ng negative energy sa katawan ko. "Hay, mag-isa ko nanaman."
*calling PANGET*..
..
..
..
"The number you just dialed cannot be reached. Please try again later."
Sinubukan kong tawagan si Ralph. Tumawag ako sakanya para magpasama, gusto ko rin kumain sa labas kaya yayayain ko sana sya. Tagal na din since nung last date namin.
Pero hindi sumagot. Tatlong tries na yun eh. Baka na-lowbat yung cellphone nya kaya di sumasagot. Ayos lang, kahit pumunta nalang ako mag-isa.
Pagkatapos ng mass, hindi parin sya matawagan. Cannot be reached parin. Dito ako nagsimulang kabahan.
Nagdrive na ako papunta sa mall. Mag-isa ko paring umiikot. Bakit kaya ganun? Lagi nalang ako naiiwan. Joke hahahahahaha sinubukan kong tawagan si Ralph. Buti nalang!
Naalis kaba ko nung narinig kong nagriring na yung phone. Nagring yun ng ilang beses hanggang sa hindi parin sumasagot.
Buong araw ko ginawa yun. Wala akong sagot na natatanggap galing sakanya.
Naulit yun the following day. Pumasok ako pero wala sya. Absent. Bakit kaya yung abnormal na yun? Ano kaya ginagawa?
Napaisip ako, hindi pa naman umuuwi parents nya? At wala syang nababanggit saakin na lakad.
Hanggang hapon, tumatawag ako. Napuno na ako nung hindi na talaga sya matawagan. Pinatay nya na phone nya.
Wala palang pakielamanan ha? Sige.
Ilang messages at tawag na yun. May kasalanan ba ako dun? Wala naman ah?
SA ARAW NA YAN NAGSIMULANG MAGBAGO ANG LAHAT.
Simula nung araw na yun, nakakalimot na si Ralph kapag kasama nya na mga kaibigan nya, minsan, di nya na ako masamahan sa mga pupuntahan ko.
Minsan, wala na syang paramdam. Gabi nalang sya nakakaalala. Hindi na sya nagtetext sa araw, tsaka ko nalang mababasa yung mga goodnight nya kapag nagising ako ng madaling araw.
Yung mga text ny, "goodnight" "kakauwi ko" "tulog ka na?" Ganyan nalang. Para bang gabi nya nalang ako kakausapin at bukas wala na. Aantayin ko nalang sya. Halos di ko maramdaman kung boyfriend ko nga ba sya.
Minsan, kapag tatawagan ko sya, hindi nya sasagutin. Minsan naman, sasagutin nya nga pero di sya nagsasalita. O yung katulong ang sasagot sasabihing tulog pa sya.
- CHRISTMAS
Pinalipad ako nila mommy papunta sa US. Pumunta naman kami sa New York at namasyal ng tatlong araw. Then umuwi din ako ng Pilipinas.
- NEW YEAR
Dun ako nagcelebrate ng New Year kila Lola. Kasama yung mga pinsan ko sa La Union. Sinamahan ako ni Ralph papunta dun at nagstay sya for a day, pero nauna sya na umuwi. Okay lang naman kami that time at magkaayos pa naman kami. At alam nyo kung ano reaction ng mga pinsan ko?
"Ate Ly! Boyfriend mo siya? Gwapoooooo!"
"OMGG ATE LY ILANG MONTHS NA KAYO??"
*JANUARY 15, 2013.*
Monthsary? 15? Sa tingin nyo, nagcelebrate kami? Sweet sya? Sagot ko?
HINDI.
Natulog ako sa bahay ni Ralph ngayon. Pagkagising ko ng umaga, wala na si Ralph. At ang bumulaga sakin nung umaga? Cellphone nya.
CELLPHONE NA NAGLALAMAN NG LAHAT NG KASAGUTAN NA GUSTO KO MALAMAN.
Lumabas ako ng kwarto nya at tinanong yung katulong. Sabi, umalis sya dala yung kotse nya. San naman daw tong lalaking 'to? "Mukha pong nagmamadali si sir eh." pahabol ng helper.
Bumalik na ako sa kwarto at humiga ulit.
* 1 new text message.*
From: Angelica
Asan ka na?
Oy
SAN NA
I miss youuuu
SAN KA NATULOG?
HOY
Nanigas yung kamay ko at di naiwasang ibaba nalang yung cellphone ko.
Tang*na.
P*ta.
Ang sakit pala. Yung puso ko ngayon feeling ko malalaglag na.
"Happy 1st Monthsary, Ralph Aguilar. I love youu baby."
REPLY NYA:
"Happy 1st baby! <3"
*open door*
Si... RALPH.
KINUHA KO NA YUNG GAMIT KO AT UMALIS NA. HABANG PABABA NG HAGDAN, WALA AKONG NARINIG NA SUMUSUNOD SAAKIN. TANG*INA ANG SAKIT PALA TALAGA.
Hindi nya ako sinundan.
Ang sakit pala ng feeling ng ganon. Akalain mo yun, may iba na pala. Ang sakit. Ang sakit sobra.
..
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ♥ (EDITING)
Teen FictionSabi nga nila, "We trust the liars, curse the innocent, and FALL for the HEARTBREAKERS." Naniniwala ka ba jan? Naexperience or nadaanan mo na ba ang love? Nainlove ka na ba? Minsan, dumadating yan sa mga panahon na hindi mo inaasahan. Minsan nga eh...