Bandang alas dos na ng madaling araw nang makauwi sina Mark. Gising pa kami siyempre. Naglalaro kami mg unggoy unggoyan sa kwarto ng mga babae e. Hahaha. Pumasok si Mark at parang basang sisiw lang?Ang dungis.
Binaba ko yung mga cards na hawak hawak ko..
"Teka lang." Sabi ko sa kanila sabay tayo ko at lapit kay Mark.
"Nangyare sayo?"
"Naglinis malamang."
Kumuha ako ng face towel sa hand carry ko at ibinigay ko yun sa kanya.
"Magpalit ka na ng damit mo, uy. Matutuyuan ka niyan."
Nagpunas punas siya ng mukha niya sabay tingin sa akin ng masama.
"Oh bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Tanong ko sa kanya.
Tapos bumulong siya sa hangin..
"Miss you..."
Napapangiti na naman ako nito e.Hahaha. Lantod lang.
"Si Jayem nga pala? Bat di niyo kasama?" Tanong ni Mark sa barkada.
Nagkatinginan tuloy kaming lahat. Tsk.
"Baka tumutulong kay Wendy sa labas.. Alam mo naman.., busy busy." Sagot ni Paul.
"Ganon ba? E kayo? Hindi ba kayo tutulong?"
"Tatapusin nalang namin to. Last na talaga to tas tutulong na kami sa labas." Sagot naman ni Grace.
Tumingin ulit siya sa akin.
"Okay ka lang?"
"Oo naman. Mukhang ikaw nga ang hindi okay."
"Okay lang ako. Kumain ka na?"
"Oo.."
"Ano kinain mo?"
"Marie Biscuits.."
"Biscuit? Nakakabusog ba yun?"
"Eh anong kakainin ko... Tsaka kumain rin naman ako ng mga kakanin kanina.. Kasabay ko sila."
"Gusto mo labas tayo?"
"Hano? Okay ka lang?"
"Ipapasyal lang naman kita."
"Ano ka ba? Tayong dalawa lang?"
"Oo naman. Tayong dalawa lang."
"Pinatulong mo yang mga yan sa labas tapos tayong dalawa, mag eenjoy lang?"
"E isa lang naman kasi yung motor e."
"Motor na ano?"
"May hiniram kasi akong single e. Hiniram ko sa isa sa mga bisita. Tara, JOYRIDE ka na?"
"Marunong ka mag motor?"
Kumindat lang siya sa akin. Eto, buwisit. Dinadaan na naman ako sa pakindat kindat niya. Naiinlove tuloy ako.
"Kailan pa? Bakit hindi ko alam?"
"Tara na? JOYRIDE?"
"Paano si Wendy?"
"Break na kami."
"Huh?"
"In my mind and in my heart."
"Loko loko ka talaga. Magseryoso ka nga."
Inaway kaya ako nun kanina! >.<" Kung sumbungera lang talaga ako, promise, sinumbong ko na si Wendy.
"LET's ESCAPE" pag aaya niya sa akin.
"Paano? Mahahalata nilang tayong dalawa lang ang nawawala."
"Pwede bang wag na lang natin silang isipin? Sige na, Ash please? Tayong dalawa nalang muna. Isip tayo ng isip sa kanila e... Hindi na tayo nagiging masaya.."
"E papaano si Wendy? Ano ka ba? Di ba nga sabi natin, pumunta tayo dito para makiramay?"
"Nakikiramay naman tayo ah. Bakit? Ano bang masama kung mag liwaliw tayo saglit?"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kausap ko.
"Hello?! Ano ka ba? Technically, Girlfriend mo pa si Wendy."
"Matagal ko nang kinalimutan yun."
"Pero siya, hindi pa niya nakaka----"
"Wendy. Wendy. Wendy. E bakit? May magagawa pa ba siya?"
"Huwaw. Tignan mo kung sino tong matapang na kausap ko ngayon? ;) Akala ko ba ayaw mo siyang saktan?"
"Hindi niya ako pinakawalan nung hinihingi ko yung kalayaan ko para makapagisip isip ako. Pinilit niya ako mag stay."
"Nasaan na yung 'Ayokong masaktan si Wendy sa ganung paraan', nasan na yun Mark?"
"Gusto kitang makasama kaya kapalan na ng mukha. Ayoko na muna silang isipin kahit itong gabi lang na ito."
"Pero Mark..."
"Sasama ka o hindi?"
"Ha?"
"One.."
"Seryoso ka ba?"
"TWO..."
"Hoy? Ano ba?!"
"Pagbilang kong tatlo, ayoko na. TH----"
"OO NA! Okay? Oo na." Sabi ko naman sa kanya.
"O-oo rin pala e. Pinagbibilang mo pa ako."
"Sira ulo. Ikaw makakasama ko, palalagpasin ko pa ba yun?"
"Sira ulo ka din."
Binatukan ko nga. Tsk.
"Papalit lang ako damit ane? Antayin mo lang ako."
"Ano pa nga ba?!"
Kumindat uli siya sa akin tas umalis na. Anyare sa mata nun? Hilig kumindat.
Kinikilig na naman ako. Hayyyy. :)
Humarap ako sa barkada ko at lahat sila nakatitig na sa akin.
Awkward.
"Malantod ka, teh." Sabay tawa ni Grace.
"Mahaba ang HAIR." Dagdag ni Paul.
"Rapunzel." Lee
"Ikaw na talaga..." Luis
"The best ka! Ikaw lang ang nagpaganyan kay Mark. Lahat gagawin, makasama ka lang!" Lance
Kailangan sunod sunod mga hirit?
"Di ka naman masyadong kinikilig niyan?" Tanong sa akin ni Lance.
"Obvious ba?" Sagot ko sa kanila.
"Unggoy ka! Halika dito!" Sabay hila sa akin ni Grace at binura nila yung mukha ko ng pulbos. Mga walang hiya!!!
-------------
Ilang minuto lang ay bumalik na ulit si Mark sa kinaroroonan namin. Fresh na fresh ang look niya ;) Gwapings talaga. Naka tshirt siya tas maong pants tas tsinelas lang. Hahaha! Astig na yun. Ako rin naman eh. Namumuti pa nga yung mukha ko sa pulbos na nilagay nila kanina tas yung hair ko, ang gulo gulo na. Parang naka-messy bun. Buihihihi.
"Tara lets?" Tanong ni Grace.
Tumingin muna sa labas ng pinto si Mark bago niya ito isinara at bahagyang lumapit sa amin.
"Guys. Guys.. Ganito ah? Kunyare, tutulong tayo sa labas.. Well, kayo..tutulong talaga kayo.. Pero kami, tatakas lang kami ni Ash."
"HA? Ano? Iiwan niyo kami dito?" Nabiglang tanong ni Grace.
"Oy. Nasan naman ang hustisya diyan? Kami dito, mapapagod tas kayo... Relax Relax lang? Sinuswerte lang?"
"Dapat kami rin." Paul
"Ano ba kayo? Isa lang yung motor na nahiram ko nuh." Sagot naman ni Mark.
"Ano kaya yun? Iwanan lang?" Luis
"STOOOOP. Okay. Tama na." Pag aawat ko sa kanila.
Tumahimik naman silang lahat at nakinig sa akin.
"Lahat tayo, lalabas."
"Ano? Pano yun Ashleen? Tatlong puwet lang ang kaya ng motor na yun. Hindi tayo kasya. Hindi tayo kaya nun." Mark
"Edi maglalakad."
"Wow..." Sabi ni Mark. "Nanghiram nga ako para sa atin tas...paglalakarin mo tayo?"
"Sa tingin mo, makukumbinsi mo mga yan? E bago mo makumbinsi yang mga yan...kokonsensyahin muna tayo." Sagot ko naman.
"Osige! Ganito na lang.. FINE. DEAL na. Maglalakad nalang kami tapos kayo mag motor. I mean.. Sige, lahat tayo magliwaliw... Pero kanya kanyang buhay.." Suggestion ni Lee.
"Ha?" Nagtataka kong tinanong.
"Basta. Yun na yun! Let's go!"
Tumayo nalang kami at sumunod kay Lee. Kanya kanyang buhay? Paano yun?! o.O
-----------
Sa labas.
Sa dami na ng taong nakikiramay, hindi na namin alam kung saan kami lalabas. Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi nila noon na wala silang kamaganak? Ehhh? Dami dami nga uh? Buong barangay lang?
Kinuha ni Mark yung susi sa may ari ng motor tapos lumabas na kami. Magaling rin to e nuh? Nakakahiram ng ganun ganun lang? Kung ako may ari ng motor, NO WAY, bakit ko ipagkakatiwala sa iba nuh? E motor ko yun. Duh. Pero malakas kasi tong si Mark. Madiskarte. Kaya bilib din ako e.
Sumunod na rin sila Grace sa paglabas namin. Maliwanag at maaliwalas naman ang daan dito. Tsaka mukhang malayo naman sa panganib. Okay lang naman siguro kung mamasyal kami kahit gabing gabi na. Mag uumaga na nga, actually. Alas tres na e.
Ini-start ni Mark yung motor saka ako pinasakay.
"Hoy, MARK. Ingatan mo yang best friend ko ha! Nako... Pag nagalusan yan, tsk tsk tsk. Bahala ka.. Di na yan flawless. Tsaka LAGOT ka sa akin." Pagbabanta ni Grace kay Mark.
"Hahaha. OA. Galos agad? Nakapantalon yan uh." Sagot ni Mark.
"Kahit na." Grace
"Oh? Una na kami yah?" Sabi ni Mark.
"Ge tol! Ingat sa daan!"
Pinaandar na niya yung motor kaya napayakap na ako sa kanya. Kinakabahan kaya ako. Hahaha. Ngayon lang ako sumakay sa kanya nuh. Ni hindi ko nga alam kung marunong talaga to o nag aaral palang e?
Sarap ng hangin. ;) Hoo. Ang lamigsh! <3
"San ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Bastaaaa. Kapit ka lang."
Kumapit nalang ko ng mahigpit sa kanya. Yinakap ko siya ng ubod higpit. Wala lang.. Pakiramdam ko kasi nung mga oras na yun, wala kaming problemang iniisip. Kaming dalawa lang. Masaya. Malaya. =)
Tumigil kami sa isang park. Park na medyo madilim pero sa gitna nun, mayroong isang lugar na talagang kumuha ng atensyon ko. Iyon lang kasi yung may liwanag. Pabilog siya tapos napapaligiran yun ng mga bulaklak at mga kandila.
Ang ganda. Ang sarap tignan. Ang sarap sa mata.
"Nagustuhan mo ba!?"
Tumingin ako kay Mark.
"Ikaw ba gumawa nito?"
Sa halip na sagutin ako ay hinawakan nalang niya yung kamay ko.
"Tara..."
Pumunta kami sa bilog na yun at tumungtong. Mas lalo akong namangha at naging sentimental nung nakita ko yung nakasulat sa sahig. Gamit ang iba't ibang kulay ng chalk...
Ang nakalagay..
"Every moment I spent with you is like a beautiful dream come true. "
Inalalayan niya ako sa pagtungtong saka niya ako tinignan sa mga mata ko.
Hindi ako makapagsalita nung mga oras na iyon. Alam niyo yung feeling na.. Kahit alam niyang mahal ko siya, nag eeffort pa rin siya para sa akin? Na kahit ganito yung sitwasyon naming dalawa, kahit mahirap, kahit masyadong challenging, kahit delikado.. Nakukuha pa rin niya akong pangitiin sa mga simpleng paraan... Nakukuha pa rin niya akong sorpresahin... Nakukuha pa rin niyang iparamdam sa akin kung gaano ako kaespesyal sa buhay niya.
Speechless. :">
Ang suwerte ko. AKO NA TALAGA ;)
Pumuwesto kami sa pinakagitna nung bilog. Hindi ko alam gagawin namin? Parang nawala ako sa Pilipinas. Parang nawala ako sa mundo. Hindi ko alam kung nasaan kami... Basta alam ko lang, dinala niya ako sa isang lugar, isang mundong kaming dalawa lang ang nandoon.
Tahimik ang buong paligid. Walang tao. Walang ingay kundi yung ihip lang ng hangin na dumadampi sa amin. Kaming dalawa lang sa ilalim ng buwan at mga bituin at sa kalagitnaan ng kawalan.
Wala pa rin akong masabi.
Tumingin lang ako sa mga mata niya. Nagtutubig na nga yung mga mata ko sa sobrang saya ko. Naluluha luha na rin si Mark nung mga oras na yun... Naiiyak na rin siguro sa ginagawa niya.
Hinawakan niya yung kamay ko at dahan dahan niya akong isinayaw. Sa sobrang pagkabigla ko, hindi na talaga ako makaimik. As in.
"We're the king and queen of hearts..." Pagsisimula niya sa pagkanta.
Natutuwa naman ako. Aweee :">
"Hold me when the music starts..." Garalgal na niyang nasasabi.
"All my dreams come true.. When I dance with you..."
Hindi ko na napigilan yung luha ko na bumagsak. Napakasentimental naman ng pagkakataong to.
"Promise me, you're mine tonight. I won't wait in line tonight... While the lights are low... Never let you go..."
Natatawa nalang kaming dalawa habang sumasayaw e. Wala e. Wala kaming masabi. Ü
Kaya sinabayan ko nalang siya sa chorus mg kanta. :)
"Did I dream that we danced forever
In a wish that we made together
On a night that I prayed would never end?
No it's not my imagination
Or a part of the orchestration
Love was here at the coronation..
I'm the King and
You're the Queen of Hearts"
Romantic ba masyado? Bakit ba? Wala nalang basagan ng trip. Syado na ba kaming cheesy? Hihihi. Ewan. Ganon yata talaga kapag tinamaan ka na ng totoong pana ni Kupido. :') Corny me.
"Bakit mo ginagawa to?" Seryosong tanong ko sa kanya.
Sa halip na sumagot ay ngumiti lang siya sa akin.
"May nagawa ka bang kasalanan?"
"Wala..."
"Bakit ganito? Bakit mo biglang naisipang gawin to?"
"Kasi alam kong nahihirapan ka na. Alam kong naguguluhan ka na... Ayokong nararamdaman mo yung ganun. Ayokong masyado kang nagiisip sa mga bagay bagay na ako naman dapat ang nagiisip."
"Mark naman..."
"Ayokong nararamdaman mong pangalawa ka lang.. Kasi para sa akin, lagi kang una. Lagi ka lang nagiisa. Wala nang iba.."
Awwwwwww. :">
"Tsaka isa pa..hindi kasi ikaw yung nakasayaw ko nung prom nung Junior high..."
Ako nga, hindi pumunta nung JS prom namin. Hahaha! :D
"Sino bang nakasayaw mo? Siya?!"
"Sinong siya?"
"Si Wendy...?"
Ngumiti lang siya sa akin kaya alam kong 'OO' ang sagot niya.
"Pakiramdam ko nga nun, ikaw yung kasayaw ko. Naalala ko tuloy nung Valentine's Day. Nung naging tayo.. Nung sinagot mo ko? :)"
"Parang kailan lang nuh.."
"Wala pa ring nagbabago.."
"Salamat kamo ah.."
Tumingin ulit siya sa mata ko saka ngumiti..
"Mahal na mahal kita, Ash."
"Mahal na mahal din kita.."
------------
Bandang alas kwatro medya ng umaga nung naisipan na naming umalis sa lugar na iyon. Tinulungan ko siyang hipan at damputin isa isa yung katorseng sosyal na kandila na nasa glass pa na binili niya daw kanina sa bayan. Ito talagang si Mark.. Kung anong maisipan eh. :) Pero sweet naman. :"> Hinayaan na namin yung nakasulat dun saka yung mga bulaklak. Sabi ko nga e, dalhin namin sa libing. Sagot ba naman sa akin, nagpapatawa daw ba ako? To talaga.
Nung paalis na kami, ibang daan yung dinaanan namin. Akala ko uuwi na kami? Jusko. Gusto ko nang magpahingaaaa. Wala pa akong tulog. Ano na kaya nangyare sa mga alay-lakaders na yun? Sigurado ako, umuwi na yun. PLAKDA na siguro. Hahaha.
"San tayo pupunta? San mo na naman ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya.
"Bibigyan kita ng energy."
"Energy?!"
"May gotohan dito e. Masarap yung goto nila, promise."
"Bukas na ba yun?!"
"Of course. :)"
------------
Masarap naman yung goto. Lasang goto talaga. Hahaha. Meron bang gotong lasang noodles? Loko rin ako e nuh. Masarap akong batukan. Lol. Ano ba yan? Hyper na naman ako. Pero promise, gusto ko ng matulog. Hahaha. Kaya pagkatapos na pagkatapos naming kumain, inaya ko na si Mark umuwi.
5:30 na nung umuwi kaming dalawa. Loko loko to e? Talagang pinuyat ako todamax. Kung di pa ako mag aaya, wala talaga siyang balak magpahinga e. Hindi ba to inaantok?
Pagdating namin sa bahay nila Wendy, kaunti nalang yung mga bisita. Nagliligpit na rin si Wendy. Pinagpapatong patong na niya yung mga upuan tsaka nilinisan na rin niya yung mga mesang nagamit. Hindi namin alam kung paano kami papasok ni Mark? Sabay ba kami?
"Pano to.. Mark?"
"Relax lang. Tara.. Pasok na tayo."
Huh? Hindi ba to kinakabahan? Bakit ang lakas ng loob nito?
Pagpasok namin, napatigil si Wendy sa ginagawa niya at tinignan kaming dalawa. Sinauli ni Mark yung susi sa may ari ng motor tapos inaya na ako sa loob. Pero yung tingin ni Wendy sakin...parang isinusumpa na niya ako.
Dahan dahan akong pumasok sa kuwarto. Tulog na si Grace at si Tita Lorie kaya dahan dahan rin akong tumabi sa tabi nila. Mamayang alas otso yung libing... Isang oras na lang tulog ko :( Tsk.
Pero okay lang... Jahahaha! Kilig na kilig din kaya ako kanina. Ü
Iniisip ko nga ulit e. Lalo na nung bigla siyang kumanta.. "We're the King and Queen of hearts... Hold me when the music starts... All my dreams come true... When I dance with you." Ang cute cute niya.
Asige. Pahinga muna ako saglit ha. BRB :)
-----------
25. 8K reads! :D Thank you ho! :*
---> Chapter 124
Abangan ang mangyayari dito! =) Ililibing na ang pumanaw na ina ni Wendy. Paano kaya makakatulong si Ashleen para gumaan ang pakiramdam ng kaibigan niya? Lalapit ba siya para kausapin ito o mamabutihin nalang niyang lumayo muna para hindi magkaroon ng gulo? :)
Simula na ng pagtatapos!
ABANGAN! =)
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Teen FictionLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?