Tambay 101 [ONE SHOT]

370 9 8
                                    

Minsan may mga bagay na kala mo umalis na yun pala andyan pa.  May mga bagay na kung kailan mo na tinanggap na hindi talga para sa’yo e, para sa’yo pala. May mga maling akala tayo sa buhay. Mga mali, na tama pala, mga tama, na mali pala. Magulo? Hindi, maayos.

Ako si Lester Agoncillo. Les nalang. Ako yung taong gigising lang para sabihing nagising nga ako. Tambay lang ako, tamad nga kasi. Pero galing ako sa mayamang pamilya. Sabi nga nila, sa isang perpektong pamilya laging may black sheep, at sa tingin ko ako yun.

Ok. So, umalis nanaman sina dad. Wala nanaman akong kasama kundi ang mga katulong. Wala naman silang pakialam sakin e. Dahil sa yaman namin, kahit apo ng apo ko may pera na. Oo, ganun kami kayaman.

Mayaman man ako, wala rin akong mapagmalaki. Tambay lang ako e. Walang kwenta. Palamunin. Basagulero. Walang ginawa kundi kumain. Ayun.

Ganyan na talga ako e. Patapon ang buhay. Walang ginagawa. Kulang nalang ay itakwil na ko ni dad, pero syempre hindi nya magagawa yon. Haay.

~

Umaga nanaman pala. Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Kinuha ang tuwalya ko, nagtoothbrush, naligo, at nanatili sa kwarto ko.

“Oh Shit sorry.” pumasok si Grace sa kwarto ko. Saktuhan nagbibihis pa lang ako.

“Ok lang oi, lumabas ka muna.” sabi ko naman, habang nang aasar pa ako at humarap pa talga ko sa kanya.

Si Grace yung anak ng maid namin. Pinapa-aral sya ng dad ko. Matalino kasi. Ayos naman sya, pero manang. Mahaba yung buhok nya. May salamin. Makapal yung kilay. At higit sa lahat ang baduy manamit.

Kadiri talaga.

“Oi Grace, ano bang sasabihin mo at pumunta ka pa sa kwarto ko?” bumaba ako at umupo sa sofa. nag on ng tv. Sus, ilang oras nanaman akong ganito. Nakahilata.

“Eh Les, bakasyon na raw kasi sabi ni sir.”

“So?”

“So uuwi kami ng Sorsogon.”

“Then?”

“Teka bat mo ba ko binabara?!”

“Ben 10 na kasi. Favorite ko to dude.”

Pinatay ni Grace ang tv naming malaki pa sa bintana. Flatscreen. Susyal!

“So, as I was saying-“

“Hoy bastos ka!” sigaw ko.

“Ako? Bastos?”

“Yes.”

“At bakit?”

“Pinatay mo yung tv, kitang nanonood ako.

“Well Les, bastos ka din!”

“At bakit?”

“Nanonood ka ng tv, kitang kinakausap kita.”

“Ok whatever. Say it straight to the point na kasi.”

“Gusto kang pasamahin ni sir samin. Nang magtanda ka daw.”

“Like seriously?”

“Seriously.”

What the. Anak ng tatlong tipaklong. Ano to? Torture? Isang buong bakasyon kasama ‘tong manang na ‘to? No way.

Sabi ko sa isip ko. Iniwan na ko ni Grace at tinuloy ko ang panunuod ng Ben 10. Astig talaga.

“Good Morning, son.”

“Dad?!” nagulat ako.

“Yes?”

Tambay 101 [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon