PROLOGUE
Sa buhay natin, bihira lang ang nakakahanap ng kanilang true love...
Minsan kasi nakita mo na siya kaso lang napalingon ka sa tao sa likod mo.
Minsan napayuko ka sa daan dahil nagsisintas ka.
Minsan nakilala at nakausap mo na siya pero may nauna na pala sayo.
O di kaya ay naging kayo ngunit naghiwalay din kayo.
Kung kayo talaga, kayo.
Ang gasgas na linya na pinaniniwalaan parin nang maraming tao.
Pero paano kung pumapel si tadhana sa storya niyo at pinagulo ang mga buhay, isip at puso niyo?
Susugal ka ba para lang makita at makilala siya?
O magpapakatanga ka sa taong alam mong mahal mo?
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Tunghayan ang kwento ni Oli! :)
© 2013