Last Dance

691 19 5
                                    

      Matagal ng may gusto si Cassandra kay Leonard. Pero alam niyang hindi siya magugustuhan nito, pagka't hindi ang katulad niya ang tipo nito.

     Ako nga pala si Cassandra Bermudez, 17 y/o at simpleng babae lamang. Hindi naman ako panget, pero hindi rin ganoon kaganda. Hindi naman sa pagyayabang, pero matalino rin ako, naging top 1ako mula pa noong kinder ako.  Kinahiligan ko na kasi ang palagiang magbasa, may exam man o wala. Nagsimula akong magkagusto kay Leonard noong kami ay nasa elementay pa. Gwapo kasi ito at may dating, marami nga ang nagkakagusto rin dito. Nagkakilala kami ni Leonard ng minsang mag-seat siya sa klase namin. Pagpasok pa lang niya sa room, napapatingin na ang mga classmate kong babae at kinikilig. Nilapitan niya ako at dun siya tumabi sa tabi ko. Nagkakwentuhan kami ng kaunti bago matapos ang klase. Nalaman ko ang mga ilang bagay tungkol sa kanya. Naging mabait naman siya sa akin.  At simula nga noon nagkaroon na ko ng crush sa kanya.

      Ako si Leonard Delmundo, 18 y/o, at campus hearthrob. :) Mrami kasi ang nagkakagusto sa akin. Marami na rin akong naging girlfriends simula pa noong HS ako. Pero, sasabihin ko sa inyo, iisang babae lang ang gusto ng puso ko. Nakilala ko siya noong elem ako. hindi ko nga lang masabi na gusto ko siya kasi, aamini ko sa inyo, isa akong torpe. Simple lang kasi siya at walang arte sa katawan. Gusto kong pumorma sa kanya pero hindi ko magaw. Baket? Ang dami kayang girls na nakapaligid sa akin.  Paano pa ko poporma sa mahal ko? Nagtataka siguro kayo kung bakit madami akong naging GF, kung torpe ako. Sila kasi ang nanligaw sa akin. :)

      18th birthday ko na. Wala pa rin akong maisip kung sino ang magiging escort ko. Gusto ko sana si Leonard pero nahihiya naman ako magsabi sa kanya. Baka ireject ako. Pero ang hindi ko alam, kinausap na pala ng mga friends ko si Leonard. Yun nga lang, hindi ko alam ang isinagot ni Leonard. Ayaw kasi sabihin sa akin eh.

         Laking tuwa ko ng yayain ako ng mga kaibigan ng mahal ko ng maging escort nito sa debut nito. At syempre, pumayag ako. Aba. Debut kaya yun ng mahal ko. :0 Paghahandaan ko ang araw na yon. At dahil magdedebut na siya. Siguro, ito na rin yong tamang panahon para ipagtapat ko sa kanya na mahal ko siya.

        Eto na. Debut ko na. Naghihintay na ang mga bisita ko. Pero hindi ko alam kung sino escort ko. surprise daw sabi ng mga kaibigan ko. Kinakabahan tuloy ako. Natapos ang 18 gift, candles at patapos na rin ang roses mula sa mga Papa ko at  mga pinsan at kaibigang lalaki. Malapit na ang last dance ko, pero wala pa rin ang surprise na sinasabi ng kaibigan ko.

        Last dance na, namatay ang mga ilaw, kaya nagtaka ako. Spotlight lang na nakatutok sa akin ang ilaw. Isa pang spotlight ang bumukas sa tapat na entrance ng hall. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki.

      SI LEONARD.

      Lumapit si Leonard sa akin at niyaya akong sumaway, may ibinigay din itong pulang rosas. Nanlalamig ako habang isinasayaw niya ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. NAgsalita si Leonard.

      "May sasabihin ako sa'yo."

      "A...a..ano yon?

      "Wag ka sana mabibigla."

      "Ano ba kasi yun?"

      "MAHAL KITA."

      Ano raw? Tama ba ang nadinig ko? Mahal ako ni Leonard? Naghahallucinate lang ata ako.

      "I said, MAHAL KITA. NArinig mo ba ako? Bakit wala ka  imik dyan?, sabi ni Leonard.

      "Weh? Toto ba yan? Baka ginugudtaym mo lang ako."

      "Totoo. Mahal kita. Elemantary pa lang tayo."

      "Talaga?"

      "Talagang talaga.", sabi nito sa akin.

      "May sasabihin din ako sayo.", sabi ko sa kanya.

      "Ano yun? Basted ba ako?"

      "Mahal din kita."

      "Huh?"

      "Ay, bingi. Sabi ko MA-HAL-DIN-KITA."

      "Talaga? Ibig bang sabihin nito? TAYO NA?"

      "Oo.", nakangiti kong sagot.

      "YES!", bigla niya akong binuhat at inikot-ikot.

      "I LOVE YOU!...", sigaw pa ni Leonard.

      Tinginan tuloy sa amin ang ibang mga bisita. "Ibaba mo na ko", sabi ko sa kanya.

      Ibinaba nga niya ako, ngunit hinalikan naman ako sa labi.. Ako naman, kilig na kilig.

        Naging masaya ang pagsasama naming dalawa. Ikinasal  kami 2 years after we garduated at biniyayan kami ng dalawang supling. :)

                                                                  _END_

Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon