Secret Agent / Secret wife

269 4 1
                                    

Robert a prince everyone thought was dead is now the famous Lian Gale. What would he do if his secret bodyguard disguise as his PA is none other than his wife?

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lian !!!...

Nabigla siya sa tilian ng mga babaeng nasa waiting area ng airport. May kung sinong pinagkakaguluhan ang mga ito. Nang lingonin niya ay may isang matangkad na lalaking nakasumbrero ang pinalilibutan ng mga lalaking tila security ng airport

Ano kayang meron? Naitanong na lang niya sa sarili.

Di naglaon ay medyo natahimik na rin ang paligid dahil ang mga babaeng kaninang nagtitilian ay nakasunod na dun sa direksyong tinahak ng kung sino mang pinagkakaguluhan nila.

Saka niya lang napagmasdan ang paligid. Tulad pa rin ng dati, wala pa ring pinagbago ang bansang sinilangan niya. Limang taon na nga pala ano? Limang taon na ang lumipas mula ng huli siyang nakaapak sa lupaing ito. At limang taon na rin ang lumipas mula nang mamatay ang mga magulang niya para sa ikabubuti ng bansa. Ngunit walang sino man ang nakaaalam sa bagay na iyon. Maging sa kanya ay may malaking katanungang hindi niya masagot. Ano nga ba ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng mga magulang niya?

Labing tatlong taong gulang pa lamang siya noon nang masaksihan kung paanong pinatay ng mga di kilalang lalaki ang kaniyang mga magulang. Nang siya na ang nakatakdang patayin ng mga ito ay isang misteryosang babae ang dumating at iniligtas siya. Napakahusay nitong lumaban, dahilan kung kayat ninais niyang maging tulad nito. Tulad nito na lumalaban sa mga taong may masasamang loob.

Nag-iisa lang siyang anak. Wala rin siyang kilalang mga kamag-anak. Tanging ang abogado lang ng kaniyang pamilya ang nag-asikaso ng lahat. At dahil menor de edad pa, hindi pa raw siya maaaring mag-isa kung kayat ng hilingin niyang maging guardian ang babaeng nagligtas sa buhay niya ay ikinabigla niya ang hindi pagtutol nito. Tila ba inaasahan na nito iyon. Pumayag ito na isama siya ni Ashley sa ibang bansa at doon pag-aralin. Ngunit hindi lang sa isang high school siya pinag-aral ni Ashley, maging sa karate class ay in-enroll din siya nito. Nang tumuntong siya sa edad na labing lima ay ipinagtapat na ni Ashley ang totoo nitong hanap-buhay. Isa pala itong secret agent na nangangalaga sa ikabubuti ng kanilang bansa. At ang pagdating nito ng gabing iligtas siya ay isa sa mga nabigo nitong misyon. Nabigo dahil hindi nito nagawang iligtas ang mga magulang niya. Mula noon ay mas lalong lumaki ang paghanga niya kay Ashley at ninais niyang maging tulad nito.

Ngayon nga, pagkatapos ng limang taon ay nagbalik siya para sa isang misyon.

Nagulat siya sa biglang pagtunog ng phone niya. Tiyak na may kinalaman iyon sa misyon niya. Wala naman ibang tatawag sa kanya maliban kung may kinalaman sa misyon. Wala siyang ibang kakilala o kaibigan man lang maliban sa mga miyembro ng samahan nila.

"Hello" Tugon niya sa nasa kabilang linya.

"Zayne"

"Elli" Nakilala niya ito kaagad pagkarinig pa lang ng tinig nito. Ngunit hindi nito iyon tunay na pangalan. Code name niya lamang iyon at kung tatanungin siya sa tunay nitong pangalan ay hindi niya rin talaga alam. Kung kayat hindi niya rin talaga masasabing malapit na kaibigan ang mga ito, Sapagkat hanggat maaari ay itinatago nila ang personal na buhay sa isa't isa, upang maprotektahan ang mga mahal nila sa buhay. Pero kung tutuusin wala naman kaso sa kanya ang bagay na iyon dahil ulila na siyang lubos.

"Zayne, sabihin mong nasa airport ka na sa mga oras na ito!" Natatarantang saad nito as kanya na tila walang nais sayangin na sandali.

"Oo, nasa lobby ng airport na 'ko. Bakit may problema ba?" alertong tugon niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret Agent / Secret wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon