Chapter: 1 Curiousity Kills

54 4 0
                                    


BLOODY CAMP
-------------------------------------

Kieffer Vince POV


Kanina pa nagstastart yung klase namin pero nandito pa din ako sa library. Badtrip na Geometry yan. Pinapahirapan talaga ako -_-


"Paano ba yan Kieffer? Una na ko. Mahirap na kasi, baka bweltahan nanaman ako ni Maam"Pagpapaalam ni Steve. Mukhang tapos na sya sa Assignments nya. Takte kasing Math yan. Pahirap talaga sa buhay ng mga estudyante!


"Sige mauna ka na, Ang dami ko pang gagawin e"Sabi ko habang nagsosolve. Mas pinili ko nalang na dito gumawa ng assignment. Pag sa room kasi ako gumawa, paniguradong hindi ako makakapag focus. Hindi din kasi ako sanay na may nanggugulo kapag may ginagawa ako.



Nang makalabas na si Steve ay agad din naman akong bumalik sa ginagawa ko. Takte, Kailangan ko na talagang matapos to ngayon!



***
Nasa kalagitnaan na ko ng ginagawa ko ng marinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto. Pati narin ang boses ng dalawang tao na tila ba nagtatalo.


"Bakit mo ginawa yun?!"Babae? Mukhang sa babae nanggagaling yung boses na yun. Hindi ko din kasi sila makita gawa ng nasa pinakasulok ako ng library naglalagi.


"S-Sorry, Hindi ko naman sinasadya. Narinig nya kasi yung usapan namin ng Daddy mo pati yung tungkol sa palabas na gagawin natin bukas kaya no choice na ko"Base sa tono mukhang sa isang lalaki nangagaling yung boses na yun. Dala narin ng curiousidad. Ay napagpasyahan kong lumapit para mapakinggan ko ng maii yung pinaguusapan nila. Tsismoso na sa tsismoso. May nararamdaman kasi akong hindi maipaliwanag ng marinig ko yung pinaguusapan nila.


"Alam mo bang dahil sa ginawa mong pagpatay pwedeng magulo yung plano? Tangina naman! Dapat kinukunsulta mo muna ako bago ka kumilos!"Sabi nung babae. Naisipan kong magtago sa isa sa mga book shelf dito. Curious talaga ako kung sino yung dalawang to. Marahan kong inusod ang ilan sa mga libro para magkaroon ng awang. Nang sa ganun ay magkaroon ako ng tsansang masilit sila.

Pero takteng yan! 


Hindi ko magawang makita yung mga mukha nila gawa nang nakatalikod yung lalaki sakin. Samantalang natatakpan naman nya yung babae. Badtrip! Pero ano yun? Yung nasa kamay nya?


"D-Dugo?"Hindi ko na pigilan yung sarili ko sa pagsasalita. Takte. Bakit puro dugo yung nasa kamay nung lalaki?


"T-Teka? Narinig mo ba yun?" Shit! Napatakip nalang ako sa bibig ko. Tangina. Ganun ba talaga kalakas yung pagbigkas ko para marinig nila?

"Yung ano?"Tanong nung babae.

"Yung boses. Para kasing may nagsalita e"Kasabay nun ang pagharap nya at ang pagbunot ng kutsilyo sa bulsa nya. Halos manlaki yung dalawang mata ko yung mukha nya. Hindi pwede. 


"Knight ano ba? Napapraning ka nanaman"Narinig kong sabi nung babae. Hindi na ko sumilip ulit sa butas na yun. Tama na. Sapat na yung nakita ko.


"Ssshh!" Yun lang yung tanging response na narinig ko galing sa kanya. And the next thing i notice? Nakakarinig na ko ng mga yabag ng paa na papalapit sa pwesto ko.



Shit! Kailangan ko na talagang makaalis dito!



Dahan dahan akong naglakad papaalis sa bookshelf na yun. Hindi nya ko pwedeng maabutan. Masyadong delikado. Putcha! Para akong tangang ingat na ingat na wag malaglag yung mga libro sa dinadaanan ko. Mahirap na kasi.



Konti pa. Konting hakbang nalang. Takte! Sasabog na ata tong dibdib ko sa sobrang kaba. Yung mga yabag. Nararamdaman kong palapit na ng palapit ang mga ito sa bookshelf na pinagtataguan ko.



Oh shit! Para akong tangang bigla nalang kumaripas ng lakad papunta sa dulo ng library. Actually takbo na nga yung ginawa ko e. At nang makarapiting ako sa dulo. Dali dali kong niligpit yung mga gamit ko pati narin yung bag ko at nagmadaling umalis sa lugar na yun. Takte! Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.



Pero bago pa man ako tuluyang makalabas sa lugar na yun ay may narinig pa kong salita na binitiwan nya.


"MAAARING NAKATAKAS KA NGAYON, BUT YOU CAN'T GET AWAY WITH ME. ILL FIND YOU AND I KILL YOU!" May diin ang bawat salitang binitawan nya. Oh God! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Sobrang kaba yung dinulot ng mga salitang yung sa dibdib ko. Takot? Higit pa dyan yung nararamdaman ko.


But there is one thing that i will assure. Hindi nya ko nakita kaya malaki yung posibilidad na hindi nya ko mahahanap at mapapatay.

Tsk. Kailangan ko na talagang makaalis sa floor na to. Baka kung ano pang mangyari sakin kapag naabutan nya ko.



DEAD END: Bloody CampTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon