CHAPTER 1- OUTREACH

1 0 0
                                    

LIZZY's POV

Hi! Hello! Im lizzy hernandez. 17 year old at nag iisa. Well, not exactly nag iisa. Andyan pa naman mga parents ko pero mas prefer kung manirahan sa condo kesa sa makisama sa kanila sa iisang bubong. Kung pwede lang, ayokong makasama sila kasi feeling ko nadedemonyo ako eh. Sinunod ko na ang gusto nilang course na para sakin. Accountancy. I take up that course para payagan nila akong mag condo nalang. Umuuwi lang ako ng bahay kapag nasabi na ni yaya lorna na nag out of town nanaman sina mama't papa. Ganyan naman palagi ang mga yan eh! Palaging kung saan saan pumupunta para padamihin ang pera nila. Feeling mu naman madadala nila yan kapag namatay sila?

"Liz! Sama tayo kina vabes! Punta daw silang ilo ilo! " pagkasabi ni yams nun ay biglang umangat ang gilid ng labi ko. Game ako sa twing mag o-out of town. Gusto kung libutin ang buong pilipinas hanggang mag 20 ako. Para buong mundo naman pag 21 na ako. Ako yung uubos ng pera nina mama't papa! Hihihi!!

"Sure! Kailan daw yan?" Balik tanong ko kay yams. Sya yung isa sa mga kaibigan ko dito sa school.

Bali pito kaming magkakaibigan na mahilig mag adventure. Si gersha or sha sha na mahilig mag alam alam ng ibat ibang langguage dito sa pilipinas. Parang si jose rizal din yan eh. Si angel naman ay yung mahilig mag kanta twing magbabyahe kami. Dream ata nyangaging singer eh! Pero infairness! Maganda boses nyan. Si vabes naman. Sya yung palaging leader kung saang distinasyon kami pupunta. At ngayun nga! Ilo ilo naman napagtripan nya. Haaay! Mga ilonggo! Si rusty naman! Sya yung mahilig mag take ng mga magagandang view. Uy! Hindi sya lalaki huh! May babae ding rusty ang pangalan nuh! At sya yung shy type slash mataray type of girl. Ingat ingat ka lang sa mga words na bibitawan mo sa harap nya. Baka mabatukan o makurot ka nun. Si meriam or yams naman. Sya yung maingay- oh! Silang dalawa ni elsie yung maingay. Yung tipong gusto mo nalang tumalon sa pinakamalapit na bangin sa sobrang kahihiyan kapag sila ang nakasama mo. Peru enjoy naman. Useful din naman ang pagiging makulit nila. At ako namam. Silent lang pero love ko mag adventure. Yung tipong kapag sinabi nilang 'uy! Wag dyan! Dilikado' psh! Go parin! Kaya nga adventurous diba?

" bukas na daw! Tara nat mag impake!"

O_O

"Agad agad? Di ba pweding next week pa?" Ang bilis kasi eh! Di pa nga kami nag paplano kung saan kaming part ng iloilo pupunta eh!

"Ano kaba? Ok na yung bukas! Excited nako eh! Hihihi!! Makakapunta nanaman ako sa ibang lugar! Woooh!! Ubos nanaman pera ng mga magulang ko!"

Pffftttt! Hahahahah!! Muntanga tong si elsie! Pero infairness sa kanya huh! Pareho kaming mag isip. Pareho naming gusto na maglagala para maubos ang kayamanan ng mga magulang namin. Lahat naman kaming magkakaibigan ganyan eh. Gumagawa kami ng paraan para maubos ang pera ng mga magulang namin. Ng sa ganun kami naman ang intindihin nila. Hindi yung kung paano magpaparami ng pera lang.

"Sige! Sabihan mo si vabes sasama ako huh!" Utos ko kay yams na ngayun ay naglalaro nanaman ng POU sa tablet nya! Adik talaga sa POU! tsk! Tsk! Nagpapasalamat nalang ako kasi sila yung naging mga kaibigan ko. Kahit na wierd. Atleast masasaya silang anim na kasama.


Hay! tatawagan ko nanaman ang mga financer ko ng pera na walang iba kundi ang mga magulang ko. Mabuti nalang talaga at summer ngayun. Di na nila tatanungin kung aanhin ko ang pera. Nakatatak na kasi sa mga isip nila na kapag summer, nag lalagala ako kung saan saan para ipagkalat ang kagandahan ko. Hahaha!! Char lang!

**************************

Yan! First palang po yan ng adventurous mind ko. Hihihihi! Niyog kasi ngayun ang iniisip ko eh!

Love TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon