A PAGE OF RIZAL’S DIARY
By Joyz Cabañero
HISTORICAL FICTION
Copyright © 2013
All rights reserved.
---------------------------------------
Malakas na hangin ang umihip na siyang nagpagulo sa buhok ko.
“ARGH! Asar!” Tumingala ako sa pagkakasubsob ko sa aking worksheet, journal at libro na kanina ko pa dinidibdib. Inayos ko ang mahaba kong buhok at ipinusod ko na lang.
Kanina pa ako dito sa Rizal Park, nasa ilalim ng isa sa mga puno doon, at nag-aaral. Dapat magkakasama kami ng mga kaibigan ko dito para mag-group study ngayong hapon, kaya lang nagbago ang isip nila at magmo-mall na lang daw sila sa SM Manila at sa bahay na lang sila mag-aaral. WAAA! Ayoko naman sumama kahit gusto ko! =___= Gusto kong ma-retain sa scholarship ko at ayokong matanggal sa Accounting! Kailangan kasi 2.00 ang pinakamababang grade mo sa subject na yun. Mahirap mag-aral sa bahay kasi madaming distraction! Internet, anime DVDs na hindi ko pa napapanood, TV, at wattpad sa cellphone na iniwan ko sa bahay. >O<
“Tae! Bakit ba ayaw ma-balance nitong Bank Reconciliation na ito! Ang dami pa kasing eche bureche!” maktol ko at napakamot pa ako sa ulo ko. =_____=++
Umihip na naman ang malakas na hangin,
“GRRR! Buset na hangin! Makalayas na nga lang!” Sinimulan ko nang iligpit ang mga gamit ko. Hindi din naman ako makapag-concentrate! Pipilitin ko na lang ang sarili ko na huwag lapitan ng tukso. >O<
Nang ilalagay ko na lang ang libro ay mas lumakas ang ihip ng hangin at bigla ay isang papel ang tumakip sa mukha ko!
“Hmpppf!”Marahas na kinuha ko ang papel na dumikit sa mukha ko. “Waaa ano ba naman ‘to! Ano bang kamalasan ang dumapo sa akin ngayooown?” Tiningnan ko ang pape;. Isang page ng Cattleyang malaki ang size, at punong-puno ng sulat. BACK TO BACK!
“Aba! Sipag magsulat ah! Mabasa nga.”
August 17, 2013
Ah, page ng isang diary.
Galing ako ngayon sa isang lugar na tinatawag na salon. Nagpabago ako ng style ng buhok na siyang uso ngayon. Ano nga ulit iyon? Ah, KPOP. KPOP daw, galing sa bansang Korea na siyang mahal na mahal ng halos lahat ng kabataang Pilipino ngayon. Sabi ng naggupit sa akin, dapat lang daw na nagpagupit ako. Sa edad ko ay makakakuha pa daw ako ng mapapangasawa, ngunit hindi rin kung ang style ng buhok ko ay padapa’t may hati sa gitna, katulad nang kay Jose Rizal.