CHAPTER 14
I open my eyes and I found myself on my bed at biglang pumatak ang aking mga luha . Bigla akong tumakbo papunta sa sala at nadatnan ko roon ang pamilya ko na nakaupo sa sala na nag-uusap .
"Ma, Pa nasaan si Kevin . Hindi siya pwedeng maagaw sakin ." Sabi kong umiiyak sa harap nila . They just gave me a strange look . "Hindi niyo ba siya hinabol para sakin ?" Tuluy-tuloy sa pagtulo ang aking mga luha .
"A-anak, ano bang pinagsasabi mo ?" Nag-aalalang tanong sakin ni Mama .
"Ma, yung kasal...kailangang matuloy yun ."
"Anak, kagigising mo lang at mukhang pinag-alala ka ng masama mong panaginip ." Tugon ni Mama .
"P-panaginip ? I-ibig sabihin...HAHAHAHAHA !" Bigla akong natawa sa sarili ko dahil panaginip lang pala ang lahat . "Hindi pa po nag-uumpisa ang kasalan ?"
"Oo, anak ." Sagot ni Papa .
"Sigurado po kayo ?" Paninigurado ko .
"Oo nga, Ate . Kung ano man yang napanaginipan mong hindi maganda, hindi yun magkakatotoo ." Sabat naman ni Dereck . Bigla naman akong napaiyak .
"Sht !" Sambit ko habang umiiyak . Para kasing totoo yung panaginip ko, kaya kahit narealize ko na panaginip lang pala iyon parang hindi ako makamove on .
"Wag ka nang umiyak, Tintin . Panaginip lang iyon ." Sabi ni Papa . "Mamaya na ang kasal niyo ni Kevin at matutuloy iyon . Wag mong pag-alalahanin ang sarili mo . Tahana ." Niyakap ako ni Papa . Sumunod si Mama at si Dereck .
Oo, tama . Panaginip lang iyon at hindi iyon mangyayari mamaya . Kung mangyari man iyon lalaban talaga . Pero malayo ang panaginip sa katotohanan kaya hindi talaga iyon mangyayari . Mahal ako ni Kevin at ako lang ang mahal niya, wala nang iba .
Pumunta ako sa aking kwarto at tinawagan si Kevin .
"Hello, babe." Sagot ni Kevin sa tawag ko .
"Babe...I love you ."
"I love you, too, Babe . Napatawag ka ?"
"Babe, wag kang uurong sa kasal natin mamaya, ha ?" Natawa siya sa sinabi ko .
"Oo naman, babe . Bakit mo naman nasabi yan ? Are you doubting me ?"
"No, babe . Nanaginip lang kasi ako ng hindi maganda kaya sinisigurado ko lang na hindi yun mangyayari ." Paliwanag ko sa kaniya .
"Ano ba ang napanaginipan mo ?"
"Iniwan mo raw ako sa kalagitnaan ng kasal natin at sumama ka kay Suzzeth ." Muli na naman siyang tumawa ng mahina .
"Don't worry, babe . That won't happen . I love you at matutuloy ang kasalan . Ikaw lang ang babaeng mahal ko at walang sinuman ang makakapigil sa kasal natin ."
"Mas mabuti na yung malinaw ."
"Wag mo na lang isipin yang napanaginipan mo . It was just a nightmare at hindi yun mangyayari . I love you, babe ."
"I love you, too, babe . Bye ." Our call ended .
* * *
While wearing my beautiful and glamorous white wedding gown, holding a bouquet of flowers, naririnig ko na ang kampana ng simbahan na siyang naghuhudyat na magsisimula na ang kasal . Nasa harapan ko na ang mga abay at nasa aking tabi ang aking Papa na siyang maghahatid sakin sa aking mapapangasawa . Gusto kong maiyak dahil sa tuwa sa mga oras na ito ngunit pinipigilan ko lang . Dapat ngiti ang ipapakita ko sa oras na ito .
Heart beats fast colors and promises how to be brave . How can I love when I'm afraid to fall~
Nagsimula nang magsilakad ang mga abay at mga eskorte sa harapan .
BINABASA MO ANG
True Man 2: MY MR. RIGHT
RomanceMula 1st year college ay miserable ang buhay ni Christine, magulo ang pamilya niya. Laging nag-aaway ang kaniyang mga magulang at upang matakasan ang mga problema sa kaniyang buhay ay lagi siyang pumupunta sa bar upang uminom at makipaghalikan sa ku...