Irene's POV
Medyo gabi na din nung makarating ako sa bahay. Kumain pa kase kami ni Wendy sa may kanto eh.
Umakyat na ako ng kwarto at binuksan yung laptop ko. K. Wala namang magagawa kaya pinatay ko na lang.
Humiga muna ako at ayoko munang isipin yung bwisit na babaeng yun tyaka si Taehyung.
"Joohyun!"
"OH?!"
"Bumaba ka rito!"
"AYOKO!"
Kainis naman si mama oh. Alam naman nya siguro na badtrip ako tapos pabababain nya ako?!
"WALA KANG BAON BUKAS! INA MO!"
Syempre kumaripas ako pababa.
Oh. May naligaw na alien.
"Naligaw ka ata."
"Nandito ako para manligaw."
Ulol mo Kim Taehyung di mo ko maloloko ina mo.
Inirapan ko sya at aakyat na sana ako pabalik sa kwarto ni hawakan nya yung braso ko.
"Kausapin mo naman ako!"
"Hello."
"It's me."
Pinakyuhan ko na lang sya dahil sa ginawa nyang kagaguhan.
"Sorry na babe. Kelangan lang kase talaga ng tulong ni Aries eh."
"Oo na. Nagtampo lang naman kase ako."
"Bati na tayo?"
"Opo."
Umupo kami sa sala at nanuod ng mga korean novela. Pinapanood nga namin ngayon yung Descendants of the Sun eh. Ang gwapo ni Joongki ehehe.
Umalis si eomma. See iniwan nya ko dito kay Taehyung. Hay nako.
"Alam mo ba babe kapag nag-kaanak tayo papangalan ko sa kanya Taehyun o di kaya Taejoo."
"Ba't naman Taehyun? Taejoo?"
"Taehyun, short for Taehyung and Joohyun ganun din sa Taejoo."
"Wow naman. Ang aga mo magplano."
"Gusto mo ba gawin na natin?"
"GAGO."
"Hehe joke lang babe. I can wait."
Pinakyuhan ko lang sya. Bwiset ah nagpapakalat ng kalibugan si Taehyung. Tumayo muna ako at nagpuntang kusina. Kukuha ako ng cookies.
Nilagay ko yun sa plato at inayos ko pa.
Pabalik na ako ng sala ng marinig kong may kausap si Taehyung sa telepono. At alam kong si Aries yung babaeng yun.Higad talaga.
"Oh? Diba si Aries yung tumawag?"
"Ah oo."
"Anong sabe?"
"Samahan ko raw sya sa bahay nila eh."
Hay bwiset. Panira ng moment yung babaeng yun. Syempre hahayaan ko ba?
"Pupunta ka?"
"Syempre hindi nandito ako tyaka sabi ni mama susunduin nya raw ako dito, may ibibigay daw sya kay tita."
"Sus. Gusto mo naman pumunta eh."
"Ulul. Nandito ka kaya ba't naman ako pupunta dun."
Ayie keleg kepskeps ni Irene oh. HEH TAMA NA TAEHYUNG BUSET.
Nanunod na lang kami at maya-maya ay dumating na si mama at kasunod nya naman si tita Hyunna. Hay nako bff goals daw sila.
Inaya sila ni mama na dito muna mag-dinner tutal mamaya pa uuwi si papa. Ang daldal nila grabe.
Napagtripan pa kami ni Taehyung, kesyo kelan ko daw ba sasagutin si Taehyung. Kelan kasal. Ilan anak.
Kainis eh.
Ngayon, uuwi na sila Taehyung kaya nasa gate kami.
"Babe. Susunduin kita bukas ah?"
"Ikaw bahala."
"Yes! Hahaha. Bye bye babe! Goodnight! Saranghaeyo!"
"Nado."
Ngumiti lang ako pabalik kay Taehyung at bumeso naman ako kay tita Hyunna.
Pumasok na kami ni mama sa loob. Pero kay Taehyung tong phone na to ah? May text pa.
From : Unregistered Number
Hey it's me Aries. Thank you nga pala Taehyung. Naiintindihan ko naman kung bakit di mo ko sasamahan. Sige. Goodnight! :)
ULOL.
Kingina netong babaeng to. Di talaga magaan loob ko sa kanya eh. Wala akong tiwala na mabait sya.
*ding dong*
Ay puta gabi na! Sino ba to?!
"HAPPINESS! LALALALALALA~!" puta sila Wendy nandito.
"Ano bang ginagawa nyo dito? Gabi na oh!"
"Unnie! Mag-s-sleepover kami dito sa inyo!" really Yerim?
Halata naman eh. Lahat sila may dalang unan. Hay don't tell me kasabay ko silang pumasok bukas?
Wala naman akong magagawa kaya pinayagan ko na.
"Alam mo Irene. Feeling ko talaga malandi yung Aries na yun." sabay kuha ng chips ni Wendy.
"Ano ka ba Wendy. Halata naman eh." sabat ni Seulgi.
Ewan ko sa inyo.
"Ansama nyo unnie. Malay nyo naman kase natural yung pagiging malandi nya." napatingin kaming lahat kay Yeri.
"Wow naman Yerim. Babae ka na ba at alam mo yung mga yun?" tanong ni Joy.
"Ano ba kayo. Syempre alam ko yan. Si Jungkook pa. Landi ng ilong nun eh." sawi ata si Yeri.
Kumain na lang ako ng potato chips dahil wala din namang kwenta tong topic namin.
*****