Si Maria'y nagulat sa kanyang narinig,
Totoo nga ba ang narinig mula sa mga sinabi ng tinig?
Nagulat ang babae sa mga sinabi ng lalaki,
At di na napansin siya'y nakita na ng nalulungkot na lalaki.Nilapitan siya nito
Kitang-kita ang pagkagulat sa mukha nito.
Nagkakatitigan ang mga mata nito,
At umiwas din at ang mukha'y namula ng husto."Narinig mo ba ang aking mga sinabi?"
Tanong ng lalaki sa babae.
"Hindi ko sinasadya pero oo, narinig ko ang iyong mga sinabi."
Ano pa bang sasabihin,
dahil walang salitang lumalabas sa mga labi.Nahihiya pa rin ang dalawa, di na alam kung anong sasabihin pa.
Basta't iisa lang ang totoo na,
Magkabati na sila.Nagkatinginan na lang ang dalawa,
At hindi napigilan ang pagtawa.
Hindi maintindihan kung anong nangyari sa kanila,
Basta't ang mahalaga'y masaya na sila.Dumating na ang sumunod na araw,
At ang dalawa'y iyong laging matatanaw.
Hindi mo makakaila pag sa'y iyong natanaw,
Ang pag-ibig sa kanilang dalawa'y talagang nakakatunaw.

BINABASA MO ANG
Tula Chronicles: Ang Pag-Ibig
RandomItong istoryang ito, Ay maaring nakakalito, Ngunit intindihin mo lang ito, At makukuha mo ang tunay na kahulugan nito. Nasa anyong tula, Maaring nakakalula, Ngunit pag-ibig sa sinta, Iyong makikita.