Last Letter

152 2 7
                                    

Zac's POV

Uwian na noon, hinihintay kong lumabas ka sa may gate. Nasa Waiting Shed pa kasi ako at ikaw konting tiis na lang, lalabas ka na.

May usapan kasi tayo na mag uusap tayo kung ano na bang pwedeng mangyari sa atin.

Sumunod naman ako dahil under ako sayo... Oo, under na ko sayo. Natatakot kasi ako baka mawala ka sa kin atsaka isa pa may importante rin akong sasabihin sayo sa date natin...

Hindi ko muna sasabihin kung ano yun, alam kong di mo matatanggap.

Habang naghihintay sa labas ay napapansin kong pakonti na ng pakonti ang tao sa labas at maging sa loob.

Antagal kong naghantay, pero tiniis ko para sa'yo. Mahal na mahal kasi kita.

Akala ko 30 minutes lang ang pinakamatagal na oras na pwede kitang hintay pero bakit 1oras na at wala ka pa?

I stay pa rin ng 10 mins.

Lumapit sa akin ang guard at nagtanong "Ano bang ginagawa mo diyan?".

Sinagot ko siya, "Hinihintay ko pa po kasi yung girlfriend ko sa loob".

"Ha? Wala ng tao sa loob!", nabigla ako sa sinabi niya.

"What do you mean po?", halos mapaiyak nako dahil ang tagal kong naghintay sa paglabas mo pero bakit wala na? Wala na!

"Kanina pa lahat lumabas. Tong, umuwi ka na at baka ano pang mangyari sayo sa daan", at umuwi na lang ako dahil nga wala ka na nga.

Tinext kita pero di ka nagreply.

Pagkauwi ko, iyak ako nang iyak.

Bakit di ka tumupad sa pangako.. May kailangan ka kasing malaman! T.T

---

Rose POV

Alam kong may usapan tayo, alam kong matagal ka nang naghihintay sa labas kanina pero sorry, nakalimutan ko ang lahat.

Umuwi ako nang walang alinlangan at okay lang nang hindi namamalayan ang date natin.

Ang tanga tanga ko! Yan lang ang naiisip ko.

Alam ko sa mga oras ngayon ay umiiyak ka dahil sa kagagawan ko.

Pero bakit ko nga ba nakalimutan?

Naging busy kasi ako sa araw na yon. Ang haggard haggard ko!

Kasalanan mo naman kasi! Kahapon sinabi ko na wag muna pero naging makulit ka. Ang sabi mo kasi may mahalaga kang sasabi.

Sorry kung naging tanga ako!

Sorry talaga.

Zac's POV

Humiga nako sa kama ko, ang bigat ng pakiramdam ko. May lagnat ata ako.

Inaapoy nako sa lagnat pero nagawa ko pa ring magsulat ng sulat para sayo..

Oo na, aaminin ko na, hindi lang to simpleng lagnat.

Suka ako ng suka ng dugo at nararamdaman kong nalalagas na ang mga buhok ko.

Namumutla na rin ako sa lamig..

Naconfine ako ng isang gabi pero...

Rose POV

Nagtext ang mga magulang mo sakin. Ang sabi nila nakahospital ka na daw.

Pilit mo daw na hinahanap ako..

Iyak ka daw ng iyak sa sakit na nararamdaman mo..

Pupunta na sana ako nang tumawag ulit ang mga magulang mo. Ang sabi nila ay wag na lang daw ako pupunta at tiyak na masasaktan lang daw ako sa mga pangyayaring makikita ko.

Nagkulong ako sa kwarto ko at iyak ng iyak. Ipinagdarasal ko na sana walang mangyaring masama sayo. Sa sobrang iyak ko ay di ko namalayang nakatulog nako..

Nanaginip ako ng napakahaba.

Nasa school daw ako at ikaw lang ang kasama ang huling mga salitang naintindihan ko sa panaginip kong iyon ay "Bukas, pagkagising mo, pumunta ka sa bahay. May ibibigay sayo sila papa". Niyakap mo daw ako at iyak daw ikaw nang iyak.

Ewan ko kung bakit parang totoo yun. Mukhang nababangungot na naman ako.

Pagkagising ko ng umaga ay ngalbag na ngalbag ang mata ko kakaiyak kagabi..

May natanggap akong text mula sa mga magulang mo at nagsasabeng "Wag ka nang pumunta nang hospital, sa bahay ka na tumuloy".

Magmadali ako sa kakabihis.

Excited na kong makita kang maayos na kaso pag punta ko sa inyo.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Andaming tao sa labas niyo.

Inisip ko baka may handaan sa inyo pero kung may handaan bakit parang hindi masaya?

Tumuloy ako nang tumuloy sa loob niyo at doon ko napag alamang..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

PATAY KA NA PALA!

Andaya mo! Sabi mo hindi moko iiwan? Sabi mo magiging honest ka sa akin? Pero sabi mo lang iyon.

Lumapit sakin ang papa mo at ibinigay ang isang sobreng naglalaman ng sulat. Ang sabe,

"Dear Rose,

Sorry, hindi ko kaagad nasabi sa iyo na may bone cancer ako at stage 4 na. Nakataning na ang buhay ko. Sorry sa mga maling nagawa ko sayo. Sana mapatawad mo ako sa mga pagkakamaling iyon. Maraming salamat at kahit 2 taon lang tayo nagkasama ay napadama mong mahal mo ako. Happy Last Anniversary na rin sa araw na ito. Di ko inakalang isasakto pa ni Lord na mamatay ako sa 2nd year natin. Sayang! Di pa umabot ng one day noh? Alam ko umiiyak ka ngayong binabasa mo ito. San man ako naroroon ngayon, tandaan mong ikaw lang ang babaeng minahal ko. Huwag kang mag alala, kilala ko naman si Marc eh. Di ba mahal ka non? Pinaparaya na kita. Hindi naman ako magiging selfish eh. Basta tandaan mong itong last letter ko para sayo ay tanda ng last goodbye ko para sayo.. Paalam Rose, Paalam mahal ko.

Your 2-year boyfriend,

Zac".

Iyak ako nang iyak nang mabasa ko ang letter mong iyon.

Gusto kong magpakamatay na lang para makasama ka pero hindi, ang buhay ko ay kadugtong ng huling sulat na ibinigay mo. Kapag namatay ako, mamatay din yun.

Wag kang mag alala Zac, ikaw lang ang lalaking mahal na mahal ko at kahit tumanda ako, di kita ipagpapalit atsaka yung last letter mo? Itatago ko yun. Yun na lang ang alala mo sakin :'(

~JPMengullo!

Lalala xx

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Last LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon