Pasalubong: Bahagi na ng Kulturang Pinoy

175 3 0
                                    

Kapag ang isang Pilipino ay nakakita ng isang kababayang galing sa Abroad, ang unang unang papasok kaagad sa isip niyan ay pasalubong. Kapag naman tinanong kung ano ang gusto, sa una ay tatangi tangi pa. Pero, sa huli, ayun magbibigay na nang kung anu-anonhg ideya. Pakipot lang pala.

Ikaw, bilang isang matanda, bata, teenager, lalaki, babae, bakla, tomboy, o silahis man, kapag tinanong ka ng kung anong pasalubong ang nanaisin mo, karaniwang ibinibigay na pagpipilian ang tsokolate, laruan, gadgets, o kung ano mang makapagpapaligaya sa pisikal at labas na pangangailangan ng isang tao. Pero ni minsan, pumasok ba sa iyong isipan na paano na lamang kung ang pasalubong ni Tatay at Nanaygaling sa ibang bansa ay kabaong,

Magagalak ka pa ba?

Karaniwan na ang salitang "PASALUBONG" sa dilang Pilipino. Lalo na sa mga bata. 

Isa ka bang Bata na iniwan ng mga magulang niya para magtrabaho sa abroad? Para kumita ng pera? Kung Oo, Alam ko ang pakiramdam. Para sa iba, kamuhi muhi ang kanilang mga magulang dahil sa ganitong sitwasyon. Pero mayroon pa ring ibang tao na kahit malayo at walang nag-aalaga sa kanila, ipinagmamalaki pa rin nila ang mga ito. 

Bakit nga ba tuwing natatanggal sa posisyon ang isang Noypi ay ibang bansa ang takbo nito? Parang wala silang tiwala sa kakayahan ng Pilipinas para iahon sila mula sa kahirapang dinaranas nila. Bakit ka pa pupunta ng ibang bansa kung sa gilid gilid eh pupwede ka namang magtayo ng Sari-Sari store, Karinderya, mag Vendor, Tilapia Daing, Ginto Pilak at marami pang iba. Napakarami pa. 

Ngunit bakit nga ba takbo ng takbo si Juan kay Uncle Sam? At bakit sa tuwing tatakbo siya rito ay may dala-dalang problemang popoblemahin naman ngayon ni Uncle Sam?

Ganito kasi yan, Si Juan ay isang sakiting Bata na iniwan ng kanyang mga magulang. Sa Totoo lang, noong una ay napaka-yaman ng pamilya nina Juan. Nagkalat na lamang ang ginto sa paligid kung tutuusin. Ngunit, mahihina sila at walang kakayahang lumaban. Sapagkat Sila Juan ay hindi malakas o matalino. Kung kayat maraming tao ang nagka-interes sa yaman nila. Dumaan sila mula sa mahihigpit na kamay ng kung sino-sino. Sinamsam at kinamkam ang lahat ng kanilang yaman.

Buti na lamang ay dumating si Uncle Sam..

Ang tinuring niyang superhero mula noon..

Dahil sa kahirapan, lumuwas patungong karatig bansa ang mga magulang ni Juan. Noong una ay tanggap nya, pero kalauna, kinamuhian na niya ang mga magulang nya.. Nag-rebelde, naging salot sa lipunan, at kung anu-ano pang masasamang gawaing makasisira ng kaniyang pangalan. Hanggang sa isang araw, tuwang-tuwa syang bumaba ng pintuan upang kuhanin ang ipinadalang package ng mga magulang niya. Pumirma, inayos ang bangkay, binihisan, ini yakan, at inilibing. Isang masaklap na pasalubong ang natanggap niya galing kina Inay at Itay.. na alam niyang pagsisisihan niya, panghabang-buhay.

Hindi lahat ng "pasalubong" ay masarap, maganda at kakaiba porket steystsayd. Pwede rin tong maging mapoot, at yung tipong hindi mo aakalaing sa darating, may mga mawawala.. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pasalubong: Bahagi na ng Kulturang PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon