Prologue

37 3 0
                                    



Prologue

Etoh ako ngayon nasa gilid ng tulay ng kawalan at sa totoo lang nabibwisit ako. Nabibwisit ako na walang magawa habang pinagmamasdan ang isang uhuging babaeng bigla na lang sumulpot sa kung saang lupalop ng mundo. Napakahaba ng buhok niya abot lagpas tuhod, hindi naman nagsusuklay?! Napakaputi ng balat pero punong-puno ng chocolate ice-cream ang mukha at sa maniwala kayo't hindi pagapang siyang lumapit sakin..

"Ayos ka rin noh?tss!" inis na sambit ko habang pinagmamasdan ko siyang himbing na himbing na natutulog sa kanang balikat ko.

..
...

"YUCK!!" bulalas ko nang mapansin kong tumutulo na ang laway niya!

Gusto kong tumayo pero di ko magawa! BWISIT TALAGANG BUHAY TOH O'!

Umalis nga ako samin para makalanghap ng sariwang hangin tapos ganito pa ang mangyayari?! Ang lupet naman tol!

Kanina pa ako dada ng dada dito, di pa pala ako nagpapakilala. Mark Yuan, nakabeast mode ako ngayon para magpakilala sa sarili ko..kaya wag niyo muna akong tanungin, okay?

At etoh namang babaeng kasama ko, wala akong kaide-ideya kung sino nga ba siya! Ganito kasi yung nangyari kanina..

WIKIWIKIWIKIWIKIWIKIWIKI (tunog ng flashback mode)
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Banas na banas na ako sa pagsesermon sakin ni dad. "Matalino ka naman sanang bata ka pero bakit ang hilig mong lumiban sa klase??", yan ang paulit-ulit na sermon niya sakin.. Actually, ang sarap niyang sagutin ng "at least sa COC madami akong katropang mga baliw (SOLID TOL!) pero sa school?? GOODLUCK! Puros mga walking dictionary ang mga makikila mo dun..

Kaya etoh nagpapahangin na lang ako sa gilid ng tuloy..

"Teka.." sambit ko sabay kuha ng cellphone sa bulsa.. "Kailangan ko ng background music"

Iniskrol ko music playlist ko, may isang folder kasi ako dun na tinawag kong "Iyak na Pre' ". Mga compiled songs yun ng kantang tagos sa puso mga tol, trust me mag-eemote ka talaga. Ginawa ko yun just in gusto kong magdrama, JUST IN CASE lang naman. At sa tingin ko etoh na ang tamang oras para magdrama..

SAKLAP TOL!!


"BWISSSKKIIIT!!" inis na sigaw ko sabay emote sa gilid ng tulay.

Actually, hinihintay ko na ngang tumulo yung luha ko..TAGAL BUMAGSAK PRE'?!

Nang bigla na lang akong nakarinig ng kaluskos mula sa likod ng bush, (malay ko ba kung anung tagalog ng bush?!)..

"SINONG NANDYAN'?!" matapang na sigaw ko, lalaki toh tol!

"AAAWWOOOO.." narinig kong tunog at bigla kong natawa.

"Awu talaga?? Di mo man lang ginawang katunog ni the Grudge? Hindi ka convincing kaya lumabas ka na dyan' dude!" inis na sagot ko.

..
...

"Ganun ba?.."

Boses ng babae ba yung narinig ko??
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
NANLAKI ANG MGA MATA KO NANG MAY PAGAPANG NA LUMABAS!! (Naka-capslock nga yung letters di ba?!)

"S--SSA--SADAKO!" nanginginig na sambit ko.

Di ako naniniwala sa multo pero nakakatakot ang hitsura niya! Napakarungis ng kasuotan niya (nakz! lalim ng tagalog ko dun ah?!), natatakpan ng sobrang haba niyang buhok ang kanyang mukha!

"Lumayo ka sakin masamang espirito!!" paulit-ulit na sigaw ko pero lalo siyang lumalapit!


"Our father in heaven holy be your name your kingdom come--"

"Anung ginagawa mo??!" biglang tanong niya sabay tayo ng maayos.

"ANAK NG TIPAKLONG! Bakit ka ba kasi gumagapang?!!" naiinis na tanong ko matapos mahimasmasan.

"Buong araw na kong nakatayo't naglalakad kung saan-saan.. Kaya gumapang na lang ako.." sagot niya.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakapaa lamang siya't may suot na puting bestida, lagpas tuhod na kulot na buhok.. SINO NAMANG HINDI MAG-IISIP NA MULTO SIYA NOH?!! Pero sobrang puti niya yun nga lang ang dumi-dumi ng mukha!

"Naglayas ka ba sainyo??" tanong ko sabay turo sa mukha niya.. "At ano ba yang nasa mukha mo? Talo mo pa ang mga batang yagit?!"

Hindi siya umimik at sa halip bigla kong niyakap. Demanding rin toh ah?! Kahit lalaki ako, hindi ako easy to get noh! Kaya agad kong inalis ang mga kamay niya na nakapulupot sa bewang ko..

"Di tayo close noh?! Get lost!" sigaw ko pero bigla niyang niyakap ang braso ko.

"Sama mo na ko pauwi!!"

"ANO??! ADIK KA BA?!!"

"Pwede mo naman akong gawing guardian angel mo eh.." nakangiting sagot niya.

"Heheh.. IN YOUR DREAMS!" sumbat ko sabay lakad pero niyakap na naman niya ko.. "Hoy nakadrugs ka ba o nakatakas sa mental hospital?!"

Pinipilit kong alisin ang pagkakapulot niya sakin pero para siyang pinaglihi sa linta! Sino ba tong' babaeng to't masyado akong kinukulit?!

"Miss naman! Hindi ka ba talaga titigil?!" reklamo ko.

"Naniniwala akong mabuti kang tao.. kaya isama mo na ko sayo!" pangungulit niya sabay hila sa kamay ko.

"Adik ka?! Gusto mo ba talagang mapagalitan ako ng mga magulang ko!" sigaw ko't saglit akong natigilan.. "Napagalitan na nga pala ko..TEKA NGA!"

Halatang nagulat siya't bigla kong natawa sa paglaki ng mga mata niya. Para siyang bata!

"Uy ngumiti na siya.." nakangiting sambit niya't napataas lang ako ng kilay. Di ako bakla ah?!

"Tigil-tigilan mo nga ko!" sagot ko sabay kuha ng wallet sa bulsa ko.. "Magkano bang kailangan mong pamasahe pauwi sainyo?"

"Hindi pa ako pwedeng umuwi kuya.."

"Ano ba talaga kasing nangyari sayo?" seryosong tanong ko't bigla na naman niya kong niyakap.. "Etoh na naman tayo.."

Bigla niya akong hinila sa isang sulok..

"Upo ka muna.." sambit niya't inirapan ko lang siya.

"Pasalamat ka't gentleman akong tao.." sagot ko sabay upo "Okay, magkwento ka na't makikinig na ko"

Umupo siya sa tabi ko't sa halip na magkwento'y sumandal siya sa balikat ko. Ano bang ginagawa ng babaeng toh?! Inaakit niya ba ko or what??!

"Hoy miss, wag mo nga kong dikit-dikitan ng ganyan! May girlfriend na ko.." masungit na sambit bigla na lang siyang parang batang kinikilig na nagtakip ng mukha. ANYARE DITO?

"Mapupungay na mga mata na tila nangungusap, matangos na ilong na nagbibigay na nagbibigay hulma sa maamong mukha, mapupulang labi na simpula ng hinog na mansanas.." sambit niya't bigla siyang pumikit.. "Napakaperpektong nilalang.."

"Hoy wag mong sabihin saking sinasapian ka na?!" bulalas ko.

"Sssshh..matutulog muna ako kuya..tahimik.." mahinahong sambit niya.

"Wow??!"

Hiyang-hiya naman ako sa babaeng toh, pasalamat siya sa isip lang ako madaldal..

"Teka nga, ano bang nangyari dyan' sa mukha mo?" tanong ko sabay kapa ng bulsa.. "Ay malas, naiwan ko pa yung panyo ko sa bahay..tss!"

"Chocolate ice-cream lang yan, binigyan kasi ako ng bata kanina sa park.." sagot niya't pumikit na naman.. "Matutulog muna kasi ako, please.."

Napabuntong hininga na lamang ako sa mga nangyayari, yari ako kay Sonia nito eh?!!

"Geh.. bibigyan kita ng 15 minutes para matulog sa balikat ko" mahinahong sambit ko.

Napatitig ako sa mukha niya't mukha nga talaga siyang pagod. Tsaka ang dumi pa niya, ilang araw na kaya tong' di naliligo??!

Sininghut ko siya ng bahagya pero ang weird, ang bango niya pa rin?! WEIRD YUN DI BA?!

"Kawawang nilalang..tsk.tsk.tsk" bulong ko na may halong awa naman talaga.

Napatingala na lamang ako sa langit. Nakalimutan ko nga palang mag-emote sa sarili kong problema kaya pinatugtog ko ulit ang pamatay kong "Iyak na Pre' " compiled songs..
MAY UMEPAL KASI!

FUMA027Where stories live. Discover now