Chapter NINE: HACHI
Habang naglalakad kami ay may kakatwang bagay na pumasok sa isip ko..
"Bakit ka ngumingiti ng mag-isa??!" bulalas sakin ni Bambam.
"Wala naman.." sagot ko pero mukhang nagdududa pa sakin tong' dalawa.
GUSTO NIYO BANG MALAMAN KUNG ANONG NAIISIP KO??
Iniimagine ko lang kasi itong si Fuma, what if magkatuluyan sila ni Bambam. TAPOS BIGLA NA LANG NAGTRANSFORM SI FUMA! Naging kamukha niya na si Kokey o E.T.!! Tapos magkakaanak sila half alien half tiyanak.. DI BA NEW DISCOVERY YUN?!
EHEMM! Imagination ko lang naman.. Wag niyo kong isusumbong ah!
LIBRE LANG NAMAN MANGARAP NG GISING DI BA??
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Uwi na ko guys!" sambit ni Bambam sabay bulong sakin.."Masosolo mo na din siya sa wakas..kik kik kik"
"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo?!!" bulalas ko.
"Anung pinagbubulungan niyo diyan mga kuya??" nagtatakang tanong ni Fuma samin.
"Ah wala! Etoh kasing si Bambam gusto daw muna mag-solo" palusot ko.
"Wagas makalusot??" sambit sakin ni Bambam at binatukan ko siya.."ARAY!!""Mag-ingat ka sa pag-uwi Bambam.." nakangiting sambit ni Fuma't nagyakapan ang dalawa.
ANO BA TALAGANG STATUS NG DALAWANG TOH??!
"Oy flyboy! Ingatan mo si baby ko ah?!" bulalas sakin ni Bambam with matching killer eyes.
"Oo na.." sagot ko sabay takip ng pagmumukha niya.."Uwi na tiyanak!"
"Ang cute ko naman atang tiyanak?!" sagot ni Bambam at inirapan ko lang siya.
LOKO TALAGA TOH?!!
Kaya eto, kami na lang ni Fuma ang naiwan..
"Uwi na tayo kuya.." nakangiting sambit niya at napatango na lamang ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Habang naglalakad kami pauwi..
"Ah may pinagtatakhan lang akong isang bagay.." biglang sambit ni Fuma't napatigil ako sa paglalakad sabay lingon sakanya.
"Ano naman yun?" tanong ko.
"Di ba sabi mo taga-U.S. ka? Tapos si Bambam taga-Thailand ba yun.. Bakit nung nagsisigawan kayo nung sabi niya sabay kayong naliligo tapos sabi mo kinder pa yun??"
"Ah yun ba?? Parehas kasi kaming dinala dito sa Pilipinas ng mga magulang namin nung mga sanggol pa lang kami.." sagot ko."Ah ganun pala.."
"Oo ganun na nga, tapos nagkataon ring magkaibigan ang mga magulang namin.. Kaya ayun pinag-aral kami sa iisang school nung pre-school pero di rin yun nagtagal.."
"Bakit?"
"Kasi dinala na ako ni mama sa U.S. tapos etoh namang si Bambam dinala rin sa Thailand kasi namatay yung lolo niya. Pero nagkita rin naman ulit kami nung high school tapos naging magkaklase ulit, dun rin namin nakilala sina JB at ang iba pa.." sagot ko't napatango na lamang siya.
"Ang galing noh??.." nakangiting sambit ni Fuma.."Napakaliit talaga ng mundo, pagtatagpui't pagtatagpuin talaga kayo ng tadhana"
"Oo nga eh.. Pero kahit ganun si Bambam..loko-loko minsan ewan.. parang kapatid ko na talaga siya.." nakangiting sagot ko.
"Mark.." sambit ni Fuma sabay hawak sa kamay ko.."Napakabuti mong tao kaya ikaw ang pinili kong tumulong sakin."
"AKO MABUTI??! Nagpapatawa ka ba?! Lagi nga kitang binubulyawan eh?!" bulalas ko't bigla niyang hinawakan ang dibdib ko.."OY!! NANTSATSANSING KA NA NAMAN BA?!!""Di ba sabi mo sakin bawal na kitang yakapin?" sagot niya't natigilan ako.
"Sinabi ko nga yun.. PERO WALA KONG SINABING HAWAKAN MO DIBDIB KO OY?!" sigaw ko't bigla siyang tumawa.."Anung nakakatawa??"
"Sino ba satin' ang unang nanghawak ng dibdib ah?!" natatawang tanong niya.
SA BANGIN BA YUNG TINUTUKOY NIYA??!
"Teka?! Hindi ko naman yun sinasadya ah! Na-out balance lang ako!"
NAKAKAHIYA! Naalala niya pa talaga yun??!
"Kuya..kaya ko hinahawakan tong' dibdib mo dahil gusto kong sabihin sayo na may napakabuti kang puso.." nakangiting sagot niya't di ko na napigilang mapangiti.
"GEH' PAGBIBIGYAN KITANG BOLAHIN AKO NGAYON!" sagot ko.
OO NA, PUMALAKPAK TENGA KO DUN?!
"Ang gwapo mo talaga!!" bulalas niya sabay kurot sa pisngi ko.."Sana akin ka na lang!! CUTE!CUTE MO!"
"Anong sabi mo??" tanong ko't bigla na lang namula ang mukha niya.
"WALA PO! Ang sabi ko maglakad na tayo--AAAHH!!"
"FUMA!"
Biglang nahulog si Fuma sa isang manhole!ANYARE?!!
"Hala! Pano' ba toh?!!" tarantang sambit ko.
YOU ARE READING
FUMA027
FantasyFUMA027 by yamadarie Mark Yuan (normal teenage boy) suddenly meets a girl with a very mysterious identity, Fuma (whom he believed is an alien or what he calls UFP: Unknown Foreign Person) in a bridge. He is bound to help her to fixed ten peo...