...lalo na kung sa tanang buhay mo wala ka pang nabe-bake bukod sa hotcake dahil wala kang oven.
Napakasimple at napakadali, pramis. Subukan niyo.
Kailangan lang ng rice cooker. At ingredients siyempre. Chocolate Cake ang una kong ginawa:
1 1/2 cups hotcake mix
4 tbsp cacao powder
4 tbsp oil
1 cup water
1/2 cup brown sugar
1 tbsp vinegar
1/2 tbsp salt
1/2 tbsp vanilla
1/2 tbsp cinnamonO kung ayaw na mag-effort talaga, may nga ready cake mix din na mabibili (tipong tubig na lang ang idadagdag minsan). Siguraduhin lang na bago ilagay ang batter, pahiran ng oil o butter o margarine ang rice cooker para hindi dumikit ang cake. Dalawang beses ko pinipindot ang 'cook' kapag basa-basa pa (tusukin ng toothpick ang gitna, kapag lumabas ng malinis, luto na). Palamigin saka ibaliktad sa platong gagamitin.
Pwedeng as is, lagyan ng anumang syrup, budburan ng powdered sugar, lagyan ng fruits, royal icing, frosting, ganache, MnM, marshmallow, nuts --- kahit anong trip mo.
□ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □ ■ □
Please VOTE if you like what you are reading so far
COMMENTS are very much welcome - do be kind
And SHARING is awesome and much appreciatedSalamat sa matiyagang pagbabasa!
BINABASA MO ANG
Bilog na ang Pancit Canton
Non-FictionBilog na ang Pancit Canton at iba pang bagay-bagay na baka hindi mo pa alam.