>>>Third Person's POV
10 years after.
"Hello? O ano na Michelle? Nasaan ka na ba? Mag-uumpisa na ang kasal o!",sabi ni Ciero sa telepono.
"Ay nako,ang OA mo Ciero! Bakit nasa altar na ba si Raven?",sabi ni Michelle
"Wala pa. Hahaha!",sabi ni Ciero.
"Excited ka lang eh. Manahimik ka nga dyan!",sabi ni Michelle.
"Ay oo nga noh,may 30 minutes pa pala. Ang OA kasi ni mama e.",sabi ni Ciero.
"Oo at 30 minutes akong matatraffic...Hindi,hinde joke lang! On the way na kami ni Liliane ha? magpaganda ka muna dyan. OA mo talaga,itong bride na ito oh!",sabi ni Michelle.
"Sige,bye!!",sabi naman ni Ciero.
"Sige!!!",sabi naman ni Michelle.
"Ah. Natraffic na talaga tayo.",biglang entra ni Liliane.
"HAH?!!",sabi ni Michelle sabay lingon sa bintana ng kotseng sinasakyan nila.
"Hahahaha. Parang kagaya lang ng dati noh? Nung hinabol natin si Jayson sa airport.",sabi ni Liliane.
Hindi nagsalita si Michelle kaya tinitigan lang siya ni Liliane.
"Ay ang galing! Nice talking! So,ano may LQ kayo?",tanong ni Liliane.
"Ewan ko.",sabi ni Michelle.
"Good! Hindi mo dine-deny na lovers kayo. Therefore,may problema nga talaga...ano yun?",tanong ulit ni Liliane.
"Ang kulit mo!.....H-hindi ko rin nga alam eh! Biruin mo yun,2 buwan na kaming walang contact!",sabi ni Michelle.
"Ah...So ang problema ay: wala kayong contact for 2 months. I see....",sabi ni Liliane.
"Shhh! Wag ka ngang maingay! Wala nga dapat akong pagsasabihan eh!",sabi ni Michelle.
"Hindi kaya may bago na siya?",biglang sabi ni Liliane.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Tumigil ka nga!!!!",sigaw ni Michelle kay Liliane habang akmang hahampasin niya ito.
"Easy! Ah,oo nga pala...Bago umalis si Jayson 10 years ago,inabot niya sakin yung notebook niya...sabi niya ibigay ko daw sayo ito sa tamang panahon. Hahahaha.",sabi ni Liliane.
"Huh? Tamang panahon? So ang naisip mo na tamang panahon ay....10 years after?!! Kapag 26 years old na ako?!!",sabi ni Michelle habang sinasakal niya si Liliane.Oo,ready na siya pumatay ng tao.
"Ah,hindi naman sa ganun,kaso,bakit hindi mo muna basahin yung contents noh?",sabi ni Liliane.
Ini-scan naman ni Michelle yung notebook at nakita niya na ang daming nakasulat dun....
"Ang daming nakasulat...Saka,halos kalahati nito puro solution sa math eh!",sabi ni Michelle.
"Sabagay,halata mo na mathematician talaga siya....oh sige,basahin mo na lang yung may mga check sa bawat date. Yan yung mga feeling ko kailangan mong mabasa e...",sabi ni Liliane.
BINABASA MO ANG
The Notebook of Math Genius
Novela JuvenilIsang normal na highschool life ng isang estudyante na mukhang hindi normal! Hahahaha! Joke lang po. Enjoy po sa pagbabasa!!! ^^