Bagong istoryang ito,
Hulaan niyo kung saan tungkol ito.
Obvious naman siguro,
Pag-ibig na ngayo'y nawala na sa dalawang tao.Ipakilala muna natin ang ating mga bida,
Sapagkat sa kanila iikot ang bagong istorya.
Sino nga ba sila, at anong nangyari sa kanila?
Kathryn's POVMagandang umaga sa inyo,
Kathryn pala ang pangalan ko.
Ako'y minsan ng umibig sa isang tao,
Ngunit nasaktan lang nito ang puso ko.Nagtataka nga lang ako,
Bakit kaya'y di pa rin mapakali ang puso ko?
Pag nandyan siya kasama ang bago nito,
Nasasaktan naman ako sa nakikita ko.Naglalakad ako ngayon mag-isa,
Aba makita ko'y andyan na naman sila.
Magkahawak ang mga kamay nila,
Di nila alam nakakasakit sila.Nathan's POV
Nathan pala ang pangalan ko,
Isang lalaking nagmahal at nanloko.
Ang kapal siguro ng mukha ko,
Hinarap ko pa ang mukha ko sa inyo.Hindi ko naman sinasadya,
Ang makasakit ng damdamin ng iba.
Minahal ko naman talaga siya,
May nangyari lang talaga at kailangang saktan siya.Hindi man niya alam,
Pagkat mayroon pa rin akong pakielam.
Siguro ako na'y inyong kinukulam,
Pagkat nagmamahal ng babaeng matagal ko na dapat kinalimutan.Maraming bagay ang nangyari,
Hindi ko na talaga mawari.
Alam ko lang may may nangyari,
At nasira lahat ng sami'y nangyari.Heto na muli ako,
Sinasabi ko lang na si Author na ito.
Bumalik na uli tayo sa pagpapatuloy ng storyang ito,
At subaybayan ang mangyayari sa istoryang ito.Sa pagkikita ng dalawa,
Mayroong kirot sa puso ng dalawa.
Ang pag-ibig na umusbong noon,
Uusbong ba muli ngayon?Si Kathryn ay nasaktan,
Di inaasahan ang nararamdaman.
Ganoon di si Nathan,
Pagkat ang puso ri'y nasaktan.Nagtataka ang dalawa,
Ano bang nangyari at pinaghiwalay sila?
Kailangan ba lahat ng masaya'y matapos ng bigla,
At palitan ng kalungkutan sa mga buhay nila?Sino nga ba ang dapat sisihin?
Sa pag-ibig nilang bigla na lang kung tapusin.
Ay, nagkamali pala ako sa aking sinabi,
Pagkat matagal ng tapos ang kanilang pag-ibig.

BINABASA MO ANG
Tula Chronicles: Ang Pag-Ibig
AléatoireItong istoryang ito, Ay maaring nakakalito, Ngunit intindihin mo lang ito, At makukuha mo ang tunay na kahulugan nito. Nasa anyong tula, Maaring nakakalula, Ngunit pag-ibig sa sinta, Iyong makikita.