MIKA
"Guys, attend lahat sa Animo Night later okay?" Sigaw ni Ate Moks. Sumang-ayon naman ang lahat kaya go kami syempre.
"Congrats na rin natin si Yeye. Graduation na niya next week. Taray naman!" Sabi naman ni Ate Cyd sa lahat kaya nagsi-congrats ang mga teammate ko sakin.
"Uy salamat ah. Namention pa ko dito." Sabi ko naman.
"Wala bang libre dyan Ye? Kahit Joliibee lang?" Sabi naman ni Kim.
"Hoy, di porket endorser ako. Ililibre ko na kayo." Sagot ko naman. "Pag may trabaho na tayo. Dun ko na kayo ililibre." At nagsitawanan naman ang lahat.
Masaya ang team namin ngayon. Yung parang normal lang. Malungkot na gagraduate na ako dito sa La Salle pero masaya dahil iiwan ko silang masaya. Nagkaroon man ng mga problema, nasolusyunan naman namin agad yun. Yung pagkawala ni Vic sa team, oo sobrang nakakalungkot pero habang tumatagal nakakarecover kami.
Hindi naman sa kinalimutan na namin si Vic, parte na siya ng buhay namin at may lugar na siya sa bawat puso namin. Lalo na sa akin. Sobrang importante sakin si Vic. Siya ang nagturo ng lahat-lahat. She's my everything na nga eh pero nawala siya. Nang dahil sa isang aksidente, nakalimutan niya kami. Masakit pero kailangang tanggapin, ganun talaga eh.
Feelings ko para kay Vic? Sa totoo lang, hindi ko alam pero sabi ko nga may parte na siya sa puso. Habang tumatagal, ayaw ko ng umasa na maaalala niya kami. Ilang oras, araw, buwan, taon ba dapat namin siyang hintayin? Hindi namin alam, walang nakakaalam.
Minsan, nung lumabas kami ng barkada. Nakita namin si Vic at nakita niya kami. Akala namin maaalala na niya kami pero hindi pa rin. Actually may kasama siyang babae nun, hindi namin sure kung sino siya at ano siya ni Vic. Nung time na yun nasaktan ako ng bahagya and natuwa rin ako na kung yung kasama niyang babae ay yun ang nagpapasaya sa kanya, edi go.
Sa lahat ng nangyari samin ni Vic, hindi ko na dapat isipin ang sarili ko dahil alam ko naman ang nangyayare. Si Vic, di niya alam. Kaya ako na dapat ang unang umintindi sa nangyari.
"Mika, kakausapin ka raw ni Coach Ramil." Tawag sakin ni Camille at tumayo na ako para pumunta sa office ni Coach.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita kong may mga binabasa papers si Coach.
"Coach." Tawag ko sa kanya.
"Nandyan ka na pala."
Ayy, drawing lang 'to Coach lol. Sarap din minsan pagtripan ni Coach eh kaso medyo seryoso siya ngayon kaya wag muna baka mabadshot pa ko.
"Bakit niyo po ako pinatawag?" Tanong ko at umupo dun sa chair sa harap ng table niya.
"What are your plans pala after the graduation?" Tanong niya habang nagbabasa pa rin ng papers niya.
"To be honest po, hindi ko pa po talaga sure. Kung after netong graduation, maghanap ako ng trabaho or kung may mag-alok na maglaro ako sa professional volleyball league, bakit hindi." Sagot ko.
"Okay. Yesterday kasi may mga kumausap sakin. Hindi ko nga alam kung bakit di pa sila dumirekta sayo." Sabi niya at inabot niya sakin yung mga binabasa niya at inabot ko naman yun.
"Una, may kinausap ako ng coach ng Petron Blazers na kung pwede ka ba nilang kunin sa akin para maglaro sa PSL." Napatingin naman ako kay Coach Ramil.
So, tama nga yung pagkakaintindi ko dito. Gusto akong irecruit ng Petron. Hindi nga lang Petron eh. Army din at PLDT sa VLeague.
"Tapos sunod naman, dito ako nagulat. If I were you, kukunin ko 'to pero it's still your choice." Binasa ko ulit ang sunod na papel.
"A volleyball team in U.S wants to recruit you." Masayang sabi ni Coach at halos mabitawan ko ang papel.
Nakakagulat nga. Wait, never kong inimagine na makakapaglaro ako sa ibang bansa at U.S pa talaga.
"So grabe naman po pala ang isang Mika Reyes. Daming offers! Sa endorsers mo pa lang at recruits. Dagdag mo pang merong offer sayo na mag-artista ka." Natatawang sabi ni Coach. Maski ako natatawa na rin.
Sobrang blessed talaga ko sa lahat ng natatanggap ko ngayon. Sa pagiging endorser at model pa nga lang, tiba-tiba na. Paano pa 'to recruitment ng mga local teams at sa U.S. Nakakagulat lang talaga pati yung pag-aartista.
"Coach, ang dami naman neto." Sabi ko na lang. Hindi kasi talaga ako makapaniwala. Lalo akong naexcite sa graduation ko.
"Sabihin mo 'yan sa parents mo para mapag-usapan niyo kung anong magiging desisyon mo." Sabi ni Coach.
"Sige po coach." Paalam ko at tumungo na ko palabas ng pinto.
"Congrats again Mika." Pahabol ni Coach bago ako makalabas. "Salamat sa paglalaro sa team ko."
Napangiti naman ako doon at hindi ko napigilang di yakapin si Coach.
"Goodluck in the future Yeye. See you in the real world." Sabay pat sakin ni Coach sa ulo.
"Yes coach. Maraming salamat sa lahat." At ayun na nga nagpaalam na ako at lumabas.
Agad akong lumapit sa barkada na naglalakad din papalapit sakin. Nakangiti silang lahat, siguro alam na nila yun. Sinurprise lang talaga ako.
Napagdesisyunan naming tumambay na lang sa dorm bago mag Animo Night. Since graduating na kami, susulitin n a namin yung dorm dito.
Habang nandito kami ay napag-usapan namin ang mga gagawin namin after ng graduation.
Si Kimmy, nakagraduate na before pa magstart ang season namin. Plano niyang magpahinga muna for a while at ipagpapatuloy ang volleyball career niya sa Army.
Si Carol, pass daw muna siya sa Volleyball. Gagamitin daw muna niya yung course na tinapos niya then if ever na may magrecruit muli sa kanya, go na siya.
Ang kambal naman, mukang susunod sa yapak ng ate nilang si Cha Cruz. Si Camille balak yatang magpahinga at magtrabaho muna sa U.S para samahan din ang mommy nila dun. Si Cienne, ipagpapatuloy ang pagiging psych. Magkacourse kami pero sa sa Psych class ko lang siya nakakasama.
At ako naman, hindi pa rin sigurado. Sa dami ng oppurtunities na dumating, hindi ko alam kung anong uunahin. Pero sa ang nangingibabaw sakin ay yung US Recruitment, bihira kasi sa mga tulad naming local volleyball players ang mga ganun bagay.
Ipinaalam ko na rin sa parents ko ang tungkol doon, pumayag naman sila na mapag-usapan desisyon ko.
"Guys, ayoko sanang sirain ang magandang atmosphere dito. Lahat tayo may mga patutunguhan na in the future. Si Vic kaya?" Tanong ni Cienne.
Napatingin naman sakin yung iba. Kaloka talaga sila!
"O bakit sakin kayo nakatingin?" Pagtataray ko at tumawa sila.
Si Vic? Wala na kaming balita. Hindi na rin namin nakakausap si Kiefer tungkol sa kanya dahil busy na rin siya sa PBA.
Ni kahit phone number or social media account ni Vic wala kaming alam kaya hindi wala talaga kaming alam sa kanya.
Sabi ko na nga, kung anuman ang ginagawa niya o nangyayari sa kanya, masaya ako as long na masaya rin siya.
BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
Fiksi PenggemarDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...