"Oi bakla, nakatingin ka na naman sa pinsan ko. Hindi ka ba nagsasawa kakatingin sa kanya from afar girl?"
Si Alex bestfriend ko, nagkataong siya ang pinsan ng taong gusto ko. Kapitbahay nga lang din sila eh! Noong isang araw ko pa nalaman. Hindi ko naman siya nakikita pag pumupunta ako kina Alex eh.
Si Alex nga pala yung sinasabihan ko tungkol sa mga kabaliwan ko sa pinsan niya, kung gaano ako kasaya pag nakikita ko ang mga ngiti niya.
"Hindi kahit kelan no! Kung ganyang ngiti ba naman ang makikita mo.. haiist. Ang gwapo niya talaga."
Sana.. sana kahit minsan mapansin niya ko, pero.. malabo! Malabong-malabo. Sa dinami-dami ng babae dito sa skul mapapansin kaya niya ko? Not to mention, ang daming magaganda dito compare sa beauty ko.
"Nakakalurkey! nakaka-stress. Mag-aminan na lang kasi kayo! Haaist!!"
"Mag-aminan??"
"H-huh? I mean, aminin mo na kasi yung feeling mo para sa kanya girl! Malay mo same as yours pala ang nararamdaman niya."
"Malabo.."
I'm just a coward.. afraid of being rejected. I dont want him to know my real feelings for him. Natatakot ako na baka i-reject niya yung feelings ko. Makukuntento na ako sa mga ngiti niya mula sa malayo.
"Nga pala girl! Punta ulit ako sa lunga mo mamaya."
"Kung makalunga ka.. WAGAS??"
"Di nga, gagawa akong assignment. Nasira yung CPU nung unit ko, pinapaayos pa ni mama."
"Ay bongga! Ikeribells mo din gitara mo bakla!"
"Huh? Bakit, tambay ulit tayo sa rooftop niyo??"
"Heller?! gagawa na po tayo ng project! Susyalen nga si prof eh, music video ang drama."
"O sige. Dapat maganda kalabasan nun bakla ah! Sasapakin talaga kita!!"
"Brutal mo Rhea ah! But don't worry dear, I'm sureness naman na maganda ang kalalabasan nun noh! Lucky me pancit canton, partner tayo~! ..at hello?! Sa beautiful voice mong yan, kabog silang lahat sisterette!! apir!"
Beautiful voice nga, Pansin ba niya? siguro hindi.. malabo!
Kulet ng lahi.. Teka may naalala ako.
"Teka nga, may nakuha ka na bang magaling mag-video para sa project na yan?"
"of course sister.. *whispers* kinababaliwan mo nga siya eh.."
May sinabi sya sa huli, di ko lang narinig ang hina!
"Good! So mamaya pagkatapos ng klase ah? Sa rooftop ka na lang maghintay kasama nung video man mo. Kukunin ko pa sa bahay yung gitara ko."
Tumayo na kami ni Alex sa bench kung saan ako nakatingin kay Max kanina na nakikipagtawanan sa mga classmates niya. Kahit di mo na'ko mapansin, basta makita ko lang ngiti mo ok na ako.
(*Fastforward*)
Papunta na ako ngayon sa bahay nila Alex. Buti nga maaga kami pinalabas ng prof naming terror, may meeting daw eh.
*tok tok tok*
"O, iha kanina ka pa hinihintay ni Alex.. Pasok ka."
Nandito pala ngayon mama ni Alex. Gabi na kasi umuwi si tita gawa ng trabaho.
"Ah, sige po."
Umakyat na ko papunta sa rooftop.. Binuksan ko na yung door. (haha! hanep sa discription! LoLx)
"Alex umpisa--- ..asan na yun?"
Kanina pa daw naghihintay. Wala ngang katao-tao dito sa rooftop eh.
BINABASA MO ANG
He's smile [one shot]
Teen FictionHe's smile... I always wanted to see that smile from afar.. A smile of the person I love.. Sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti, sa hindi malamang kadahilanan masaya ako pag nakikita ko yun, gumagaan yung pakiramdam ko. Nawawala yung mga problema...