KAT'S POV:
"Kat! Yung boyfriend mo, andyan nanaman sa labas." Sabi ni Julia habang inaayos ko yung gamit ko. Nasa classroom ako ngayon. Dismissal na eh. Kailangan ko nang umuwi.
"Hayaan mo siya diyan. Manigas siya. Hindi ko siya papatawarin. O siya. Julia, Alis na ako."
"O sige. Ingat ka." Palabas na ako ng classroom nang biglang niyang hinarangan yung dadaanan ko.
"Daniel! Ano ba? Aalis na ako oh. Umalis ka nga diyan. A---ano ba! Tumayo ka nga. Nakakahiya eh!!" Naku naman kasi 'to oh. Nakuha panglumuhod. Tsk.
"Hindi ako tatayo dito hanggat hindi mo ako pinapatawad."
"Edi huwag." Bigla akong lumusot dun sa maliit na space. Bahala siya diyan. Basta ako, uuwi na.
"Uy Kat!! Sorry na. Alam mo namang mahal na mahal kita di ba? Sorry na oh."
Hindi ko siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya.
Hanggang sa makauwi ako ng bahay. Nagbihis at nagpahinga. Hay nako. Nakakastress talaga 'tong araw na 'to oh. Lalo naman nung Sabado.
FLASHBACK
Papunta ako dun sa bahay ni Daniel. 2nd anniversary na namin eh. Haha. Di ko nga aakalain na aabot rin kami ng 2 years eh. Ayaw na ayaw ko kasi sa mga lalaking nagdodota. Eh si Daniel. Adik na adik yun sa DOTA. Kaya nga di ko akalain na aabot kami ng 2 years. Pero sabi niya, di na daw siya magdodota para sakin. :D
Pagkadating ko sa bahay nina Daniel, nakita ko yung mommy niya.
"Uhm, good afternoon po. Nandiyan po ba si Daniel? :)"
"Ay naku Kath. Ikaw pala. Si Daniel? Ayun nasa computer shop nanaman yung letsugas na bata na yun. Wala nang ginawa kung hindi magdota." Naku naman. Nasa computer shop nanaman siya? Nagpromise siya sakin na hindi na siya magdodota eh. Nakow!
"Ah sige po. Salamat po."
"Ah sige hija. Ingat ka ah?"
"Sige po."
Pinuntahan ko si Daniel dun sa computer shop na kung saan madalas siya ng naglalaro ng DOTA. At yun, nakita ko ang lalaking yun. Tuwang tuwa sa paglalaro. -_-
"Pre, girlfriend mo oh." Sabi nung lalaking mukhang ilang araw ng hindi naliligo dahil sa kadodota. kaya ayokong naglalaro si Daniel ng DOTA eh. Baka maging kamukha niya 'tong chakang 'to. -_-
"K-Kat. Let me explain!" At tumakbo na ako pauwi.
~END OF FLASHBACK~
At hindi lang yun ah?! Nung 1st anniversary namin, naku! Talaga naman. Paghintayin daw ba naman ako dun sa restaurant ng ilang oras. Inabot na nga ako ng gabi eh. Tapos malalaman ko nagdota pala siya kaya hindi siya nakasipot sa date namin. Muntik na nga kaming magbreak dahil dun eh. Like Duh?! Kaya ayoko sa lalaking nagdodota eh. Nakakalimutan na nila yung gilfriend nila kapag kaharap na nila yung pinakamamahal nilang si DOTA. Mas mahal pa yata nila yung DOTA kaysa sa GF nila eh. Psh.
Ilang minuto lang ay may narinig akong tumutugtog sa labas ng bahay. Pagsilip ko,
Anak ng tokwa't baboy naman?!
"DANIEL?!"
"Kat! Makinig ka!"
Aba't may kasamang banda ang mokong. Kung hindi ako nagkakamali, banda yun nila Katsumi. P5 yata yung name nung band nila? Siya yung best friend ni Daniel. Nako naman. ang daming taong nanunuod. Nakakahiya -.-
BINABASA MO ANG
My DOTA Lover..... Boy! [One Shot]
Teen FictionWALA SIYANG GINAWA KUNDI MAGDOTA!!! SINO BA KASING GUMAWA NG DOTA AT MAPATAY KO YAN! BWISEEEEEET! >:|