Alam mo ba?
Alam mo bang mahal na mahal kita? Alam mo bang nagiging jejemon na ko dahil para saken "ikqaw lhun6 CzapAt nHuh"?
Alam mo bang sa pag gising, pag ligo, pag toothbrush, pag bihis, pag make up ikaw lng lagi nasa isip ko?
Alam mo bang napaka labo ng mata ko pero kahit naka talikod ka, nakayuko, nakatagilod o anumang anggulo malayo o malapit tanaw na tanaw kana kagad ng mata ko?
Alam mo bang ikaw lang lagi bukam bibig ko?
Alam mo bang napapasaya mo ko?Pero
Alam mo rin bang para kang isang bulok sa ngipin ko na kahit ang sakit sakit na mas titiisin ko kase mas natatakot ako sa sakit na mararanasan ko pag binunot ka sa buhay ko?
Alam mo bang para kang major subject ko na kahit alam kong wala ng chance para magbago pa ang grade kong singko dahil finals na eh binibigay ko paren lahat ng effort ko? Buti pa sa minor tinutulugan ko lang pero sure passed nako. Ganyan naman eh, kung saan tayo hindi naglalaan ng effort yun talaga yung umiintindi saten.Pero alam mo, sa lahat ng to alam ko naman eh. Na pinipilit mong maayos tayo. Kaya mahal kita.
Sana ikaw na.
Pero napapagod din ako.