sana, ako nalang (one shot)

17 0 0
                                    

Sumisigaw ako pero walang boses na lumalabas.
Takot, kaba at hindi alam ang gagawin habang nakatingin sa dugong nagkalat sa loob ng jeep. Ala una ng hapon patungo kami sa aming paaralan upang umatend ng graduation ceremony.
Luha, napakaraming luha ang lumalabas sa aking mga mata habang nakatingin sa lalaking lubos kong minamahal, nakahandusay, walang malay at parang patay.
Habang tulalang nakatingin sa kanya, biglang pumasok ang mga ala-ala na pinagsamahan naming dalawa.

"Oy best! Anong ginagawa mo?"

Andito siya ngayon sa garden ng skwelahan namin, kanina ko pa siya hinahanap andito lang pala siya. Ako nga pala si Abby, bestfriend ko ang napakabait at napakagwapong lalaki sa tabi ko, siya si Jake. Magkaibigan na kami simula ng highschool pa lang at maging sa nagkolehiyo.

"Gumagawa lang ng thesis, ikaw ba tapos na?"

"Hindi pa nga eh pero malapit na, di bale, kaya natin to at gagraduate din tayo"

Nakalipas ang mga araw, natapos din namin ang napakaraming requirements para lang makagraduate. Hindi madali ang buhay ng isang graduating student, gawa nito, gawa nun, pasa dito, pasa dun at hindi rin mawawala ang napakaraming bayarin. Mahirap man, ngunit kailangan para sa ikagiginhawa ng aking pamilya at sa aking magiging pamilya kasama run ang aking bestfriend. Oo mahal ko siya matagal na ngunit hindi ko alam kung ganun din ba nararamdaman niya sa akin, siguro bestfriend lang talaga papel ko sa buhay niya.

"Hoy! Ba't natulala ka?"

"Ah......eh.....wala! Ang panget mo!"

"Ganun? Panget pala ah.... eto sayo!"

"Ano ba! Nakikiliti ako haha..aha..ahaha!"

Kaya ako in love sa kanya, masarap siyang kasama kahit ako palagi agrabyado. Tsk tsk.
Naglalakad kami ngayon patungo sa sakayan ng jeep nang bigla siyang nagsalita.

"Abby, may gagawin ka ba bukas pagkatapos ng ensayo natin? Mamamasyal sana tayo, alam mo na gagraduate na tayo"

"Ha?..... oh sige ba basta libre mo"

Naku, may nararamdaman ako dito eh. Patay ka sakin bukas dahil mamumulubi ka sa dami ng kakainin ko.
Kinabukasan, pumunta agad kami sa park kung saan kami mamamasyal pagkatapos ng ensayo namin. Kumain kami sa may nagtitinda ng fishball, at ang loko dalawang stick lang binili sa akin! Kaasar! Paborito ko pa naman ang fishball. Kaya pagkatapos kong kumain ay pumunta agad ako sa may swing at umupo. Pabebe mode ako ngayon. Kaya linapitab niya ako at binigay ang dalawa pang stick ng fishball. Edi bumigay ka rin!

"Hindi naman kasi kita matitiis. Mahal kasi kita"

Bigla akong napatigil sa pagkain sa sinabi niya. Tama ba yung rinig ko? Mahal niya ako? Sana totoo to. Lord please!!!!

"Joke lang! Hahahahahaha! Tingnan mo nga yang mukha mo, nakakatawa hahahahahaha!!!!"

"Tse" nakakainis tong lalaki to. Ang saya na sana eh binawi pa. Binatukan ko nga ng matigil na sa kakatawa niya.

"Aray naman!..... di nga, seryoso to, mahal kita hindi bilang kaibigan o kapamilya. Mahal kita matagal na, simula palang ng una kitang makita."

"To naman! Nagjojoke ka na naman eh tigilan mo nga ako baka maniwala pa ako sayo"

Bigla niya ako niyakap at bakas sa aking mukha ang pagkagulat. May binulong siya sa akin; 'minsan lang ako maging seryoso, kaya sinasabi ko sayo ngayon seryoso ako'. Napahampas ako bigla sa kanya pero mahina lang, pinaparamdam na kinikilig at masaya ako.

"Mahal din kita Jake, matagal na rin"

"Ibig sabihin...... tayo na?"

".........oo"

Niyakap niya muli ako at inikot-ikot sa ere sa sobrang saya. Matapos ang mga pangyayari hinatid na niya ako sa bahay namin, magkalapit lang kasi kami ng subdibisyon kaya madalas kami magkasama pauwi.

"Bukas ah, sabay tayo pumunta sa graduation ceremony, susunduin kita"

Bakas pa sa akina ang saya sa mga pangyayari maging sa aking pagtulog.
Kinabukasan, mga alas onse ng umaga siya dumating dahil ala una magsisimula ang graduation namin. Sinalubong ko siya ng napakatamis na ngiti at niyakap siya ng mahigpit.

"Talikod ka muna"

Naguguluhan man ay tumalikod din ako tsaka siya may sinabit sa leeg ko.

"Suotin mo yan ngayon sa graduation natin"

"Naku Jake! Ang ganda nito, salamat ah! I love you! I love you! I love you!"

Sumakay na kami ng jeep papuntang skwelahan. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman, may halong kaba at takot kaya mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Jake.
Biglang nagreroute ang sinasakyan naming jeep at doon dumaan sa kabilang kanto na tahimik. Huminto muna ang jeep dahil nasiraan ito ng gulong.
May biglang humablot sa kwintas ko at pilit ko itong inaagaw hangang sa nag-agawan na kami. Naglabas ng kutsilyo ang kawatan at biglang sinaksak sa may likuran ko. Kumaripas ng takbo ang salarin, ngunit hindi niya nakuha ang kwintas ko.
Sinubukan akong tulungan ni Jake ngunit huli na ang lahat. Tumingin ako sa mga mata niya na puno ng pag-aalala at sakit sa nakikita.

"M..a..h..a..l k..i..t..a"

Sumisigaw ako pero walang boses na lumalabas. Takot, kaba at hindi alam ang gagawin habang nakatingin sa dugong nagkalat sa loob ng jeep. Luha, napakaraming luha ang lumalabas sa aking mga mata habang nakatingin sa lalaking lubos kong minamahal, nakahandusay, walang malay at parang patay. Habang tulalang nakatingin sa kanya, biglang pumasok ang mga ala-ala na pinagsamahan naming dalawa.

Tahimik sa loob ng kanyang kwarto. Maginaw, ngunit patuloy na dumadaloy ang mga pawis sa kanyang katawan. Palagi siyang nakararanas ng ganitong panaginip simula noong araw na nangyari iyon. Napapanaginipan niya na sana siya na lang, sana siya na lang ang nawala, sana natulungan niya ito, sana hindi niya binigay ang bagay na magpapahamak sa babaeng mahal niya. Dali-dali siyang bumangon mula sa pagkakahiga at pumunta sa sala, nagsindi ng kandila para sa kanya. Unang anibersaryo ng pagkamatay ngayon ni Abby. Isang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin niya mapatawad ang kanyang sarili sa pagkawala niya, maaaring makalimutan ng isip niya ngunit hindi ng kanyang puso.

The end
-----------------------------------------------------

Thanks for reading :)

Sana, Ako NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon