( Play the Video at the right and listen to the music while reading this story)
I was born na may kumokontrol sa buhay ko.
Bawal dito, bawal diyan. At hindi ako nakakagawa ng paraan it's all because I have my bodyguards na nagsusumbong sa mga pinaggagawa ko.
Mayaman syempre.
Kaya nga when my parents said na I am in a fixed marriage hindi na ako nagulat.
Yeah, you've heard it right.
I am in a fixed marriage with the son of my parent's business partners.
Hindi ko man gustuhin, wala rin naman akong magagawa kasi mangyayari lang rin naman ang lahat... kaya nga fixed diba?
Well, okay narin yun. Atleast makakaalis na ako sa Impyernong bahay na to..
Ang dapat ko nalang gawin ay magpakamaldita sa mapapangasawa ko..
-----
The Engagement party came.
Nakilala ko na ang mapapangasawa ko-----
Si Jaymes.
Wala akong makitang dahilan para hindi sya pakasalan.
Gwapo, Mayaman at higit sa lahat Mabait.
Oh? ano pang idadahilan ko?
Wala na talaga akong nagawa kundi pakasalan sya.
Pero hindi ko kaya dahil hindi ko naman sya MAHAL.
-----
Hanggang sa kinasal nga kami.
Nakatira sa iisang bahay.
Kahit anong gawin kong pang-aaway sa kanya hindi parin sya sumusuko.
I freaken hate it..
Mas lalo syang bumabait..
Kaya ang ginagawa ko nalang ay pumunta ng BAR gabi gabi at magpakalasing.
At hindi na nya ako pinipigilan dahil alam nyang mag-aaway lang din kami...
Yes, I'm a party girl. It's just started when I got MARRIED.
Binabawi ko lang kung ano ang hindi ko naranasan noon.
-----
Ngayon nandito ako sa harap ng dining table. Nakadukmo at naka party dress pa.
Hindi na kasi ako nakapag bihis kaninang madaling araw...
"Hon.. inumin mo muna tong coffee para mawala ang sakit ng ulo mo" sabi nya sabay lahad ng coffee
I just neglect him and face the other side ngunit lumipat na naman sya at vinivideohan ako.
Ewan ko sa taong ito, halos araw araw kinukuhanan ako ng video pati kung ano ang kakainin at pinag-uusapan namin vinivideohan nya..kaya minsan iniisip ko may pagka baliw din tong napangasawa ko..
"Anj, sige na kainin mo na itong pancake just one bite" sabi nya ulit habang sinusubo nya sa akin ang fork na may slice ng pancake.
"Ayaw ko nga..." naiirita kong sabi, at inilipat ang tingin sa other side na naman para hindi ko sya makita..
Pero ang kumag lumipat na naman at vinivideohan parin ako and this time yung coffe na ang pinapainom nya sa akin.
"Kahit itong coffe nalang Anj, basta lang magka laman lang yang tyan mo" at pinapainom nya sa akin ang cup of coffe.

BINABASA MO ANG
The Regret (Short Story)
RomanceNaniniwala ka ba sa kasabihang "Nasa Huli ang Pagsisisi"?? well, ang kwentong ito ay nagpapakita kung paano dapat natin pahalagahan ang ating mga mahal sa buhay dahil hindi natin alam kung hanggang kaylan sila mananatili dito sa mundo..