Chapter 29.2 : Ironic

1.7K 69 6
                                    

Chapter 29. 2: Ironic

Chapter Song:  Ironic by Alanis Morisette

----

Jessica Jung's POV

"HOY LALAKI! SAAN MO BA DADALHIN SI SUNKYU!! NAPAKA---"

Hindi ko na natapos ang paghysterical ko dahil sinumpakan na ako ng mga kasama ko ng isang slice ng pizza. Mga bwisit sila.  Paano kung mabulunan ako? Ganon nalang yun? Mamamatay ako ng walang love story?

"Pwede naman kasing magdrama pero mahina lang Jess. Kailangan ba talagang ibroadcast?" Hindi makapaniwalang tanong ni Hyoyeon sa akin. Naririnig ba niya ang sinasabi ko sa isip ko?

Tumawa naman si Lay at D.O sa sinabi niya. Pinaningkitan ko naman si Lay at Hyo ng mata. I smirked. Umirap naman siya. Denial pa kasi eh.

"Maglaro tayo ng taguan. Taguan ng feelings." Pambasag ni Chen. Binato naman siya ng tissue paper ni Yuri pero ang natamaan ay si Suho na nakatulala... Nakatulala kay Tiffany.

Jusko. Ano bang nangyayari sa barkada namin? Masaya naman kami dati. Mas masaya kami ngayon pero dumami naman yung problema namin.

"Jess?" I looked at Kris na nakatingin sa akin ngayon. He held my hand na parang sinasabi na magiging okay ang lahat.

Sana.

"Auction na pala tomorrow. Yoona and Luhan be ready." Tiffany said with a weak smile.

Tumango si Luhan at sumimangot si Yoona na kumakain parin hanggang ngayon. Pareho sila ni Sooyoung na sobrang takaw pero di tumataba.

"Ibebenta kami? The f---" Tinakpan kasi ni Luhan ang bibig niya. Nagsukatan naman sila ng tingin. Buti nalang at kinuha ni BabySeo ang ketchup sa pagitan nila at natigil silang dalawa.

"Jess." Bulong naman ng katabi ko. Isa pa itong nakikisabay. Kita mo ngang nagoobserve ako ng mga kasama ko eh. Tsk. "Pansinin mo naman ako." He said.

Nahipan ko tuloy ang bangs ko ng di oras. Pasalamat at nasa mood ako ngayon kundi ay irap at silent treatment ang aabutin niya sa akin. "Bakit ba?"

Then, he smiled. Yung tipong hanggang bumbunan. "Date tayo."

Halos maibuga ko naman yung iniinom kong tubig. Si Sooyoung nga nabilaukan at kaagad na binigyan ng tubig ng dalawang knight in shining uniform niya.

Naka uniform sila kaya ganun ang tawag ko. Lol.

Hindi naman alam ni Sooyoung ang kukuhanin kaya pareho niyang kinuha at ininom. Hu, buti nalang at malaki ang capacity ng tyan niya dahil kung hindi ay may masasaktan lang.

"Ano kamo?" I said again. Nabingi ata ako bigla at naging slow ang utak ko nang marinig ko ang salitang 'date'.

He chuckled. "Date tayo." Sabi niya ulit. Humarap naman siya sa mga SNSD. "Do you permit Jessica to go out on a date with me?" Paalam niya sa mga barkada ko. Napanganga naman ako sa sinabi niya. Nagcross arms naman sila Yuri.

"No." Boto ni Yuri, Sooyoung at Tiffany.

"Yes." Sabay na sabi ni Hyoyeon at Seo.

"It depends on her decision. But it's a yes. It's a date not a marriage." Yoona said with a shrug.

"Sige na nga." Parang batang sabi ni Yuri dahil sumang-ayon yung kambal niya.

"May magagawa pa ba kami?" Tiffany said in a defeat tone. Alam naman kasi nilang di naging maganda yung past ko.

Wow, may past pala ako.

"Nagdedecide kayo ng hindi ako tinatanong?" Mataray kong sabi sa kanila.

WASMTB || ExoShidaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon