Ang Assumerang si Diana! (yongshin)

330 7 0
                                    

Diana. Da.Ya.Na is the pronunciation.

Maputi. Matangkad. Matalino. at Maganda. Well, ang lahat ng mga yan ay ang mga katangian na WALA ako. Inuulit ko, WALA ako.

Hindi dahil sa pangit ako. Wait, scratch that word. Hindi naman ako pangit eh, hindi lang talaga nagkaka'ugnay ang mga parte ng mukha ko. MISPLACEMENT is the right term. Uulitin ko, HINDI dahil sa may nangyaring misplacement na sa itsura ko eh mahirap na ako. Yun nga eh, sobrang yaman ko pero ewan ko ba kung bakit eto ang mukha ko. Ako lang siguro ang mayaman na may ganitong mukha pero proud naman ako noh? EXCEPTIONAL LOOKS din kaya to. hihihi. Kaya nga nagustuhan ako ni Enzo ko eh. Si Enzo? He's my soon to be boyfriend. Akalain niyo yun may nagkakagusto din pala sa akin? Pero syempre, joke lang yun. Si Enzo Del Valle ay ang lalaking malapit ko nang maangkin. HIHIHI. Kung gusto niyo, ide'describe ko pa siya sa inyo pero WAG na, delikado dahil baka nakawin niyo pa siya sa akin. Hihihi. Pero bibigyan ko kayo ng clue. HE'S PERFECT. HE'S PERFECT FOR ME.

Nag-aaral ako sa International School. Mabuti nga eh at natanggap ako sa school na to. Muntik na kasi akong hindi matanggap. Bakit?

Flashback

“Are you sure that you can afford to study here?”

“Of course. What do you think of me? I’m poor?” sabi ko sa inyo eh, mahina talaga ako sa English.

“Okay. Wait. I’ll just talk to my investigator.” Huh? Hindi naman ako criminal eh.

“Maam, wait. I’m not a shop lifter , kidnapper, or rapist.”

“I mean, I need to get some information about you first before I’ll allow you to enter in this school.” Ah. Ganun naman pala eh. Ganun nga ang nangyari kinausap niya ang kanyang investigator na nandyan lang naman sa anyang opisina.

“Maam, she’s the daughter of the owner of the richest company in the Philippines and some other countries.” Sabi ng investigator.

“really? So how come that uhm. Nevermind. Ok. Ok. I’ll approve you to enter in this school. Welcome Miss Diana Alvarez. I just didn’t expect that you are the daughter of Mister Danilo Alvarez.” Ay nang’insulto pa. Principal ba talaga to? Pigilan niyo ko!!!!

“I said you. Yes thank you maam.” Sabi ko sabay pa’talon talon pa.

“It’s I told you.” Pag-co-correct ni maam.

“uhmmm. Sorry maam.”

“no problem.”

End of flashback.

So yun nga ang nangyari, Ngayon papasok na ako ng school. Using my most expensive car. I’m not the driver. I’m just a sitter here. Pwe, ayoko na nga mag’english. Nakakadiri lang sa akin. To translate, naka’upo lang ako dito sa sasakyan ko. May driver kasi ako. My hands are too malambot para mag’drive mahirap na. Gasgas na nga ang mukha ko tapos gagasgasan ko pa ang mga kamay ko? Hihihi.

“Wow ang ganda ng car.” Girl1

“pero ang pangit ng nakasakay.”Girl2

Pinalalampas ko lang ang mga bagay na yan dahil sobrang yaman ko para pansinin ang mga pinagsasabi nila.  Lakad lang ako ng lakad at hinanap ko na ang classroom ko. Mabuti lang at hindi naman ako late.

Sa classroom.

“oh my God. Sino siya?” Girl 1

“bakit ang pangit pangit niya?” Girl 2

“Paano siya nakapasok sa school na to?” Girl 3

“baka scholar.” Girl 1. Natawa lang ako sa sagot niya. Hahaha. Gaya ulit ng sabi ko, hindi ko na sila pinansin at naghanap nalang ako ng pwede kong maupu-an.

Mabuti nalang at dumating na si maam.

“oh may bago yata kayong classmate. Can you introduce yourself?” sabi ni maam. Sabay turo sa akin. So tumayo naman ako at pumunta sa harapan ng klase. Nagbubulung-bulungan pa yung mga classmates ko.

“Good morning maam, Good morning Clasmates. I’m Diana. 17 years old.”

“I’m sorry maam, I’m late.” Disturbo. Nag’se’speech pa nga ako eh.Tiningnan ko ang nagsasalita at

O______________________O

“You’re my big bad wolf.”

Ang kwento ni DianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon