This is only a one-shot story. I hope you guys like it.
-
"This is what you want right? A Break Up?" mangiyak-ngiyak na sabi ko sa kaniya. Eto naman talaga yung gusto niya diba?
"If I say yes, what will you do?" nanghihina akong tumingin sa kaniya.
"Lucas" nakatingin pa din ako sa kaniya at siya na yung unang nag-iwas ng tingin.
"Pag-usapan muna natin 'to, ilang beses na tayong nag-away pero hindi naman humantong sa ganito diba? Lucas diba?" hinawakan ko yung kamay niya pero agad niya itong iniwas.
"That's the problem Claire! Ilang beses na tayong nag-aaway! Hindi ka ba napapagod ha?!" nagulat ako ng bigla siyang sumigaw sa akin. Kitang kita ko yung lungkot,galit at confusion sa mata niya.
"Napapagod na din naman ako pero--" yumuko ako dahil unti unti ng tumutulo yung luha ko.
"P-pero i'm not stupid enough to break up with you! B-because I love you,Lucas" halos gumaralgal na yung boses ko nung sinabi ko 'yon.
"So you're saying that i'm stupid huh?" nag-igting yung panga niya.
"I'm sorry" mahinahon niyang sabi at nagbuntong hininga.
"No, don't do this to me please. Don't do this to me, Lucas" tuloy tuloy ng tumulo yung mga luha sa mata ko.
"Claire" tinignan niya ko ng diretso sa mata.
"I'm breaking up with you" halos lumuhod na ko sa sahig at umiyak dahil sa limang salitang iyon.
"Sa limang salitang 'yon mo na lang ba tatapusin ang lahat ng ito?" tumalikod na si Lucas sa akin. Hinawakan ko yung kamay niya pero dahan dahan niyang binitawan yung kamay ko.
"Minahal mo ba talaga ko Lucas?" bulong ko habang unti-unti siyang naglalakad palayo.
"Okay, okay very good guys. Cut na, well done Elliene and Yuan" ngumiti si Ms. Lily sakin at nag-thumbs up.
I'm Elliene Maece Gonzales. Isa akong artista sa isang kilalang kompanya dito sa Pilipinas. Yung scene kanina ay yung break up scene nung character na ginagampanan namin ni Yuan. Hindi ko nga alam kung pano ko nagawa ng maayos yung scene pero ang sabi damdamin lang daw, hindi pa din naman ako nakakaranas ng break up.
"Hey beautiful" napalingon agad ako sa nagsalita.
"Hey handsome" balik kong bati kay Yuan.
"Alam ko na yan, since birth" napa-iling na lang ako sa sinabi niya. Tumawa naman siya sa ginawa ko.
"Dinner tayo? Free ka? O baka naman sunduin ka ng suitor mo ah" natatawa ko sa tuwing naaalala ko yung time na yon. Yung sinasabi niyang suitor ko ay pinsan ko, masyado siyang napaniwala.
"Your treat? Tara!" ginulo niya yung buhok ko at inakbayan habang naglalakad.
"Hindi naman ako pumapayag na babae yung nanlilibre. " napangiti naman ako.
- -
Nang makarating kami sa isang fast food chain ay agad niya kong pinagbuksan ng pinto. Hindi ko maitatangging gusto ko si Yuan, sa ilang taon ba naman ng pagkakaibigan namin.
"Ellie, ano order mo?"
"Yung lagi kong inoorder" ngumiti ako, tumango naman siya.