CHAPTER 7

95 6 0
                                    

Is this for real?

Hindi ko lubos akalain na maganda ang magiging resulta ng araw na ito. Though medyo nainis ako dahil sa kulang kulang na impormasyon ni Jad at ang hindi niya biglaang pagdalo, naiintindihan ko naman. Lagi niya talaga ako binibigyan ng challenge.

Bago ako umuwi ng bahay ay bumili muna ako ng Ube Ensaimada sa Hotel, favorite kasi ito ni Joshua. Sure ako matutuwa yon, lalo na pag nalaman niyang may trabaho na ako.

Nang nakarating na ako sa bahay ay Pasado alas tres na, tulog si Joshua. Nag pasalamat ako kay Aling Esther sa pagbabantay at sinabihan ng magandang balita.

"Nako iha wala yon. Masayang masaya ako para sayo! Pagbutihin mong mabuti ha? Siguradong matutuwa ang mga magulang mo nito.", sabay hawak sa kanang balikat ko.

" Siguro nga po", ngiti ko namang sinabi.

"Sige iha. Ako'y uuna na, aasikasuhin ko naman ang Mang Roberto mo. Siguradong nakauwi na yon galing probinsya. Salamat sa iyong pasalubong ha?"

"You're welcome po. Thank you din po, i-kumusta niyo nalang po ako kay Mang Bert. Ingat po kayo."

Nag-mano ako at inihatid si Aling Esther sa labas ng gate. Malapit lang naman ang bahay nila dito pangalwang kanto lang kaya hindi na siya nag pahatid.

Hay. Thank you Lord for a very productive day, kahit nakakapagod.
Umupo ako sa tabi ni Joshua. Sobrang himbing ng tulog niya. Ang gwapo talaga ng batang ito, manag mana sa Papa niya.

"Mama mama mama"

"Hmmn."

"Mama mama"

Nananiginip ba ako? Parang may kamay na tumatapik sa mukha ko.

"Mama. Gising."

Napamulat ako bigla, si Joshua pala.

"Oh bakit?", malumanay kong sinabi habang nagkukusot ng mga mata.

Nang luminaw na ang paningin ko, nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang lalaking nakatayo sa likod ni Joshua.

"Oy Deluna! Anong ginagawa mo dito?!", siga kong sinabi ang mga salita sabay bumangon sa kama.

"Hindi mo ba alam na bawal ang lalaki sa kwarto ko?", sabay tingin sakanya ng masama.

"Eh bakit si Joshua pwede? Eh lalaki siya diba?", sarcastic ang pagkakatanong ni Jad na parang nang-aasar.

"Ano ka ba! Siyempre iba si Josh", sabay bato ng unan sakanya.

Hahaha. Buti nga sapol sa mukha.

"Mama. Wag mo awayin si Tito Jad may pasalubong siya sakin oh", humarang si Joshua sa harap ko at pinakita ang KitKat sa kanyang kamay ng nakangiti.

Tumingin ako ng masama kay Jad, aba nakangisi ang loko. Sabay hawak sa tigkabilang balikat ni Joshua, "Anak, diba sabi ko sayo don't talk to strangers?"

"Mama. Di naman stranger si Tito Jad e."

Napatingin ako kay Jad. Dumidila ka pa ha.

"Sige na anak. Labas ka muna, may pasalubong akong favorite mo nasa lamesa. Kainin mo na kasabay ng KitKat mo."

"Ube Ensaimada po?"

Tumango ako at inayos ang buhok ni Joshua.

"Yey! Thank you po!", nagtatalon si Joshua sa tuwa. Hinalikan ako sa aking pisngi at tumakbo papunta sa kusina.

"Aw. Sweet naman. Ako din pa-kiss. Pero pwede yung sa lips", nakakaasar na pagkakasabi ni Jad sabay siko sa braso ko na naka-upo na sa kama.

"Andyan ka pa pala? Akala ko naglaho ka na.", iniiwas ko ang tingin ko sakanya. Nagpapanggap akong galit.

Somewhat how it Ended is where it all BeganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon