Dedicated sa kanya kasi favorite nya ang first short story ko [LUCKY NUMBER]
SALAMAT ^__^v
~~~~
"Hoy nerdy boy!"
Nataranta naman si Jale kaya dali dali nyang pinailalim ang phone nya at binuklat ang book nya at kunway binasa ito.
"asus, tinago mo pa! Alam ko naman na pinapanood mo na naman yung recorded video ng concert ng girlfriend mo! hahaha" sabay kuha ni Blue nung phone ni Jale sa ilalim ng libro nito.
"wahahaha. CONFIRMED!" sabi ulit ni Blue ng makita nyang nagpe-play pa ang video.
"tsk. Panira ka talaga dude!" sabay hatak nya ng cellphone nya kay Blue.
Tumatawa paren si Blue habang nauupo sa tapat ni Jale, nasa library sila, pero since kilala sila ng librarian bilang tropa ni Wave, hindi sila nito sinisita kahit medyo maingay sila, lalo na si Blue.
"langya, kanina ka pa namen hinahanap nila Wave, andito ka lang pala sa lib at pinagpapantasyahan mo na naman yang girlfriend mo! hahaha"
"Lul! dun ka na nga. tatapusin ko pa tong---"
"pagpapantasya kay Melody?! hahaha" putol ni Blue sa sinasabi ni Jale
"Gago, yung reaction paper ang tatapusin ko"
"hahaha. deny ka pa nerdy! bahala ka nga dyan. see you na lang sa classroom mamaya"
Tumayo na si Blue, at naglalakad na ng bigla syang bumalik.
"nga pala Jale, baka gusto mong sumama saken mag mall tayo since mahaba pa ang vacant natin, mag GIRL HUNTING tayo at ng matigil ka na sa pagpapantasya mo! hahaha" pang aasar ni Blue.
Binato naman ni Jale ng libro si Blue kaya nagtatakbo na ito palabas.
Napapailing na lang si Jale sa pang aasar sa kanya ng kaibigan.
Pinagpatuloy nya ang panonood ng video ni Melody.
'hope to see you soon Melo' he thinks while continue watching.
~~~
"Jale?" tanong ni Wave kay Bule ng dumating ito sa cafeteria
"nasa lib, nagpapantasya! hahaha"
"tsk. as always." gets na agad ni Wave ang ibig sabihin ni Blue, dahil lagi namang ganon ang ginagawa ng kaibigan nila
"kunwari lang yon nagaaral sa lib dude. haha. Mabagok sana si nerdy boy at ng matigil sa pagpapantasya kay Melody! haha"
"who's Melody?"
"girlfriend ni Jale yun diba?"
Magkasunod na tanong ni Lara at Sammy ng makarating na sila sa table na pinupwestuhan nila Wave at Blue.
"O andito na pala ang beautiful textmate mo dude, with her pretty bestfriend." sabay wink ni Blue kay Lara.
Nag roll eyes lang si Lara sa inasal ni Blue.
Tumayo si Blue at pinaghila ng ssilya si Lara, pero hindi naupo don si Lara, instead nakipagpalit sya kay Sammy ng pwesto kaya sya ng naupo sa silyang hinila ni Blue.
Nag smirk lang si Blue sa inasal ni Lara.
"Bitter talaga ang bestfriend mo SCY haha" bulong ni Blue kay Sammy, nakasanayan na sila Jale at Blue na SCY ang tawag kay Sammy.
"hindi ka dapat ganyan sa saviour mo Lara." sani ni Sammy sa kaibigan habang naiiling.
"he is not my saviour. Kahit hindi sya dumating don kaya kong lusutan ung guard na yon." mataray na sabi ni Lara.
BINABASA MO ANG
THEIR LOVE STORY [short story]
Short StoryLove story nila Jale at Blue - barkada ni Wave sa LUCKY NUMBER.