[si Josh ay nag-ii-skateboard.... nang may babae syang natamaan...]
Josh: hoy tabi!!
Bambi: aaaaahhhhhhhh...!!!!!!!
[tumayo na silang dalawa... inalok ni Josh ang babae ng tulong para makatayo... but she refuse it]
Bambi: ano ba ha??!! di ba bawal gumamit nyan dito? [kinuha ang kanyang mga gamit...]
Ate ni Josh: Josh!... ano ka ba?? halika na... aalis na si dad!!
[kinuha na ni Josh ang skateboard nya at umalis... habang si Bambi naman ay inis na inis..]
[may dumating a kotse at may bumabang babae...]
Mom ni Bambi: Bambi??.. (pabulong) Bambi!!..
[tumingin si Bambi sa likod at nakita nya ang mommy nya..]
*habang sa byahe*
Mom: napagod ka ba sa byahe mo??.. masyado kasing maaga noh.. ? tsaka baka gutom ka na...?? (may kinuha sa paper bag) dinalhan kita ng ensaymada at saka juice..
Bambi: (smile)
Mom: sorry ah.. makulit ako noh.. masaya lang kasi ako eh.. dahil magkasama na tayo.. finally nak...
*Flashback*
Bambi: tay, kailangan ko ba talagang umalis??..
Tay: anak, napag-usapan na natin to.. kailangan, dun ka naman sa mommy mo..
Bambi: pero tay, ayaw ko kayong iwan... sino mag-aalaga sa inyo, sino magtitimpla ng kape nyo tuwing umaga, o kaya magpla-plantsa ng polo nyo.... saka magmamasahe sa inyo pag-uwi nyo... ??
Tay: anak, wag mo akong alalahanin.. ang importante, ang kinabukasan mo.. naghiwalay kami, matagal kong tiniis ang mommy mo.. nagmatigas ako, hindi ako humingi o tumanggap ng kahit alinmang tulong para sa pagpapalaki sayo.. pero, wala akong trabaho.. nagipit ako.. ayoko namang isakripisyo ang kapakanan mo anak... anak, mahal na mahal kita, mahal na mahal anak...
*End of Flashback*
Mom: bakit ka umiiyak??..
Bambi: (iling- means wala)
[niyakap sya ng mommy nya..]
*sa bahay*
[pumasok si Bambi sa kusina... nandon ang kanilang yaya..]
Yaya: uy! baka mamaya pasukan ng langaw yang bibig mo... ikaw naka-nganga ka ha..
Bambi: naninibago lang po kasi ako eh.. kasi alam nyo, ung kusinang to, mas malaki pa sa bahay namin sa Cagayan..
Yaya: ganon ba??.. bakit, ngayon ka lang nakapunta dito sa bahay ng mommy mo??..
Bambi: hmm.. matagal na rin po kasi naghiwalay sila itay eh.. kaya, naiwan po ako sa kanya... tapos si ate Belinda lang po ang knuha ni mommy..
Yaya: eh ung ate Belinda mo, hindi mo pa rin nakikita?..
Bambi: si ate Belinda po??..
Yaya: oo
Bambi: matagal na po silang nag-abroad ni mommy... dati, kahit gustuhin man ni itay eh, wala sya paraan para matawagan non si ate.. kaya yon, lumaki po ako ng walang koneksyon sa kanila ni mommy.. pero kelan lang, kinausap na po ni itay si mommy eh.. na papuntahin na daw po ako dito..
Yaya: ganon ba??
[biglang dumating si Belinda..]
Belinda: hi Barbara!!.. (kuha ng juice sa ref..)
Bambi: Bambi, Bambi na ang tawag sakin..
[dumating na ang mommy nila..]
Mommy: Belinda, Bambi.. ah napag-isip-isip ko na kasi na dapat siguro magkasama kayong magkapatid sa isang kwarto muna.. kaya ung room mo nak (reffering to Belinda) pina-ayos ko na sa maid ah.. tas ikaw na ang gagamit don sa full-out bed ng kapatid mo (reffering to Bambi) hmmm... para makapag-bonding din naman kayong dalawa..
Belinda: what?!!.. we're sharing a room??.. mom naman, sa dinami-dami po ng room dito sa bahay na to, bakit kailangan pa naming magshare sa isang room?...
Mommy: Belinda?..
Bambi: ay hindi, ayos lang po sakin kahit saan.. kahit po sa maid's room na lang..
Belinda: maid's room?!!.. (lapit kay Bambi) am, Bambi, don't get me wrong ha.. i mean, kung gusto mo lang sumiksik sa room ko, ok lang.. no problem, no worries naman eh.. i just saying the fact na, we have lots of space naman in this house and hindi naman natin kailangan na magkasama 24:7 di ba??
(a/n - guys sorry ah... di ko alam kung ano ung sinabi ni Belinda... 24 7 na lang ang nilagay ko.. di ko ma-gets eh.. kung gets nyo, comment na lang kung ano ung tama...)
Bambi: siguro po mas komportable kung sa ibang kwarto na lang po ako..
Mom: yaya, dalhin mo na tong si Bambi don sa guest room.. ung malapit sa kwarto ko ha..
Yaya: ay, opo mam.. naku ang laki-laki ng t.v don.. ang ganda ng guest room.. halika dali..
[umalis na sila yaya at bambi... naiwan sila mommy at Belinda]
Belinda: mom, anong ibig-sabihin ng tingin na yan??.. (sabay kuha ng saging at umupo..)
Mom: you promise di ba?.. na magiging nice at welcoming ka sa bunso mong kapatid??.. anong nangyari??..
Belinda: mom, you can't expect me to be warm and could be right away.. sila rin po naman ang may kasalanan nito di ba??.. ilang beses ka nang nag-attemp na bisitahin si Barbara, si Bambi sa Cagayan de Oro.. pero ayaw ng daddy nya..
Mom: Belinda, daddy mo rin sya..
Belinda: daddy ko nga sya, pero wala naman tayong communication sa kanya..
Mom: nak, kasalanan ko rin yon.. di ba ang tagal na nating nagluwas sa States.. i lost touch!.
Belinda: hindi mom.. kasalanan nya yon dahil hinayaan nya akong lumaki ng malayo sa kapatid ko.. kaya mom, please.. wag kayong magtaka na di kami close.. and i think mom, your being too nice.. ikaw na nga po ung palaging nire-reject, ikaw pa tong nagwo-worry sa feelings nila..
[umalis na ang mommy nya.... sumubo na lang sya ang saging..]
*sa kwarto ni Bambi*
Mom: Bambi, pasensya ka na sa ate Belinda mo ha... hindi palang kasi sya sanay na nandito ka na..
Bambi: ako din naman po naninibago pa eh... pero tulad po ng sinabi ko sa inyo, kahit saan nyo po ako ilagay, ok na ok po yun sakin.. baka nga po mas komportable dun po muna ako sa kwarto nila yaya Pipay... wag po kayong mag-alala.. alam ko naman po ung lugar ko eh.. sa totoo lang po, masaya na po ako sa barong-barong namin ni itay.. dun naman po ako sanay eh.. sa simpleng buhay lang...
Mom: Bambi, i want the best for you... and tagal nating nagkahiwalay.. hindi kita naalagaan.. so now it's my time to spoill you.. okay??..
BINABASA MO ANG
Tween Hearts [Real Story-----Tweens]
Fanfiction__________________________________________________________ This story revolves around teenagers: Bambi (Barbie Forteza), Josh (Joshua Dionisio), Belinda (Bea Binene), Jacob (Jake Vargas), Aya (Joyce Ching), Kris (Kristoffer Martin), Leslie (Lexi Fer...