Tanong nang Tanong (One Shot)

6.6K 165 55
                                    

Eto, matagal ko nang sinulat. Hindi ko lang pinupublish. XD. Uhm enjoy?

Credits to the owner of the picture used in the cover. xx.

☆.。.:*・°☆.。.:*・°☆.。.:*・°☆.。.:*・°☆ ☆.。.:*・°☆.。.:*・°☆.。.:*・°☆.。

"Uy! Uy! Uy! HOY!"

Napakamot ako ng ulo at binilisan ang paglakad. Eto nanaman po siya.

"HOOOOY!" sigaw niya sabay hawak sa kamay ko. Aish. Naabutan ako.

"Bakit ang gwapo mo?" tanong niya. Pinisil niya yung magkabilang cheeks ko at lumayas na, kumaway-kaway pa. Hayy bwiset. Hindi ko naiwasan.

'Wag na kayong magtaka. Ganyan ang eksena bawat umaga. ARAW-ARAW tuwing may pasok. Trip ako nun eh. Ewan ko kung may sayad ba yun o ano. Basta ganun talaga siya.

Seatmate ko rin siya. Lahat ng subjects. Oha. San ka pa?

Andito na ako sa classroom. Nakita ko nanaman siya. Titig na titig sakin. Psh. Umupo na lang ako sa upuan KO na katabi nung upuan NIYA. Kabwisit. Ayaw naman akong palipatin ni Ma'am. Tss..

Dumating na yung teacher. Mag-uumpisa na yung klase. Siya nga pala. 4th year high school na kami. Graduating na. Dalawang buwan na lang. At oo, walong buwan ko nang tinitiis ang kakulitan niya. Everyday yun ha. Hanep!

"Hoy Gwapong Seatmate na Zack! "

"Nagets mo sinasabi ni ma'am? "

"Pwede paturo? "

"Ano daw gagawin sa X?"

" Saka dun sa Y?"

"Saka nagawa mo yung assignment sa science?"

" Pwede pacopy?"

" Pwede pahiram notebook mo sa Filipino?"

"Sige na please?"

"Uy, bakit hindi mo ako sinasagot?"

"Bakit kasi ang gwapo gwapo mo?"

"Bakit--"

Blah blah blah! Blah blah blah! Nagtakip na lang ako ng tenga. Marami pa siyang tinatanong pero hindi ko na maintindihan. Nagsimula nanamang magdaldal si Natashang daldalera. Sarap lagyan ng panyo sa bunganga. Utang na loob, patahimikin niyo please, ako'y nagmamakaawa. Parang awa niyo na! Pakisaksakan naman ho ng panyo sa bunganga! Shutengene.

Matalino naman siya eh tapos sakin pa nagtatanong, wala naman akong alam jan. Tch. Oy wag kayo, gwapo naman ako. Pero seryoso, matalino talaga siya. Kaya lang, ako lang ang lagi niyang binubwisit. Bwiset!

Tanong nang Tanong (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon