Chapter 11

2.4K 45 12
                                    

"UYY, LOVE birds..."

Parehong napangiti sila Lewis at Pearl sa panunukso ng mga kaibigan niya nang makita ng mga ito na magkahawak ang mga kamay nila ng binata. Alam na ng mga ito na magkasintahan na sila at hindi na nagpapanggap. Tuwang-tuwa ang mga ito para sa kanila, kilig na kilig din. Sa wakas daw ay nagkatotoo na ang pagiging mag-"love birds" nila.

Kinausap din ni Lizzy si Pearl tungkol sa pagpapanggap nito bilang si Hollie. Humingi ito nang tawad sa kanya sa ginawa nito at sa mga nasabi nito sa kanya. Tinanggap naman niya ang sorry nito pero sinabi niya rito na kung tutuusin, wala naman talaga itong kasalanan dahil tumulong lang ito kay Lewis. Napag-utusan lang ito. Biniro pa nga niya ito na si Lewis lang ang dapat sisihin dahil ang lalaki ang mastermind. Nagtawanan sila. Masayang-masaya ito para sa kanila ni Lewis. Simula niyon ay naging magkaibigan na rin sila ni Lizzy.

"Ang sweet n'yo namang dalawa. Naging kayo lang, mas lalo pa kayong naging sweet sa isa't isa. Nakakainggit," ani Tiffany.

"Oo nga. Samantalang dati, para kayong aso't pusa. Pero si Pearl lang naman 'yon. Siya lang itong asar na asar sa 'yo, Lewis," natatawang sabi ni May Anne.

Natawa rin si Lewis. "Naamin na rin kasi ni Pearly ko na patay na patay siya sa akin."

Hinampas niya ito sa balikat nang mahina. "Ang kapal mo, ha! Ikaw kaya itong patay na patay sa akin diyan."

Hinapit siya nito. "Patay na patay tayo sa isa't isa."

She giggled.

"Shit, friend. Dito pa talaga sila nagmo-moment sa harapan natin. Iniinggit nila tayo," kapagkuwan ay sabi ni Tiffany.

"Hindi na ako aasa kay Pierre, friend. Hahanap na lang ako ng iba para may moment din ako tulad nila," dagdag ni May Anne.

"Ibig sabihin, ipaparaya mo na sa akin si Pierre?" tanong ni Tiffany dito.

"Oo, friend. Iyo na siya."

"Salamat, friend. Tunay kang kaibigan."

Natawa na lang sila ni sa mga ito.

Humalukipkip si Tiffany. "But seriously speaking," Bumaling ito kay Lewis. "Lewis, ipangako mo sa amin na hinding-hindi mo sasaktan ang kaibigan namin, ha? Kahit botong-botong kami sa 'yo para sa kanya, at kahit gaano ka pa kaguwapo, kapag sinaktan mo siya, hindi kami magdadalawang-isip na kalbuhin ka. Tandaan mo 'yan."

"Mahal na mahal namin si Pearl kaya ayaw lang namin siyang masaktan. Para nang kapatid ang turing namin sa kanya." ani May Anne.

Na-touch si Pearl sa sinabi ng mga ito. Hindi niya inaasahang sasabihin ng mga ito iyon. Masuwerte siyang nagkaroon ng kaibigan na tulad ng mga ito.

"Makakaasa kayo. Isa pa, iyon ang huling bagay na gagawin ko, ang saktan si Pearl. Mas higit akong masasaktan kapag sinaktan ko siya." Lewis said with certainty.

"Ahyeee..." kantiyaw ng mga ito.

"Siya, siya. Gumora na nga kayong dalawa. Alam naming may date pa kayo, eh. Ayaw naming maging third at fourth wheel sa inyo." Tinulak sila ni May Anne para udyuking lumakad na.

Natawa sila at nagpaalam na sa mga ito.

NAG-PICNIC sila Lewis at Pearl sa parke. Memorable para sa kanila ang parkeng iyon dahil doon naganap ang first kiss nila. Masaya silang kumain habang nagkukuwentuhan. They also took pictures together. Pagkatapos ay pagtatawanan kapag mukhang ewan ang mga mukha nila sa litrato.

It was already seven in the evening. Naubos na rin nila ang dala nilang pagkain. Magkatabi silang humiga sa picnic blanket. Pinagmasdan nila ang naggagandahang bituin na nagkalat sa madilim na langit.

"Pearly ko?" tawag pansin ni Lewis sa kanya.

"Hmm?"

"May sasabihin ako sa 'yo."

"Ano 'yon?"

Tumagilid si Lewis sa direksiyon niya. Ganoon din ang ginawa niya para makita niya ito. Tumikhim ito. "There's only one thing to do, three words for you. I love you. There's only one way to say those three words and that's what I'll do. I love you."

Tumawa siya at pagigil na pinisil ang pisngi nito. "Kanta 'yan, eh."

Tumawa rin ito. Pagkatapos ay masuyo siyang tiningnan. Katulad ng mga bituin sa langit, may ningning ding nasasalamin sa mga mata nito. "I've always dream this."

"This?" nakataas ang dalawang kilay na ulit niya.

"To lie on the grass with the girl I love while watching the stars."

She blushed. She was flattered. "M-may sasabihin din ako sa 'yo."

"Ano 'yon, Pearly ko?"

"Natutuwa ako sa British accent mo. Ang sexy pakinggan." Humagikgik siya.

He chuckled, amused. "Really?" anito sa British accent. Tunog "Ri-ley."

Naaaliw na tumawa siya. "Ganyan nga. Lumalabas ang British accent mo kapag nagagalit ka. Kaya nahahati ang atensiyon ko sa accent mo at sa reaksiyon mo, eh."

He laughed. "Hindi ko napipigilan ang sarili ko na mag-British accent kapag galit ako or kapag may bugso ng emosyon. Hindi ko namamalayan. Dito ako sa Pilipinas lumaki at nag-aral. Pero tumira kami sa London for five years kaya naimpluwensiyahan din ako ng culture at dialect nila doon. Sa London din kami nagbabakasyon kapag off school. Ka-hang out ko ang mga pinsan kong British sa father side."

"Nakakatuwa naman. Close ka rin ba sa mga pinsan mo?"

"Oo. They're like brothers and sisters I've never had. Masaya silang kasama. Gusto mo bang makapunta sa London, Pearly ko?" tanong nito.

"Oo naman." aniya.

"Dadalhin kita doon. Ipapasyal kita. Maraming lugar doon na tiyak akong magugustuhan mo. Mag-e-enjoy ka nang husto. Siyempre, ako ang kasama mo, eh." he winked at her.

"Talaga?" excited niyang sabi.

"Oo naman. Kapag natapos ang semester na ito, magbakasyon tayo doon. Ipapakilala kita kay dad at mga pinsan ko. Palagi kasi kitang ikinukuwento kay dad. Gusto ka rin niyang makilala. Ipagpapaalam kita sa parents mo."

"Sige." nakangiting sambit niya. Nai-imagine na niya na nasa London sila at masayang namamasyal. She couldn't wait.

"Excited na ako, Pearly ko." nakangiti ring sabi nito.

"Ako din. Excited na akong makatapak sa London bridge."

Tumawa ito. "London bridge that doesn't fall down." nakangiting bumuntong-hininga ito. "'Lika nga rito. Gusto kong malapit ka sa akin."

Tumalima siya. Inakbayan siya nito at sumuot naman siya sa bisig nito. Yumakap siya sa katawan nito.

"Ah, you fit perfectly inside my arms. Bagay na bagay talaga tayo," nasisiyahang sabi nito.

Kinilig siya. "'Asus." Sinundot niya ang tagiliran nito. Bahagyang napaliyad ito. He chuckled.

Tahimik na pinanood nila ang mga bituin. Ang sarap panoorin ang langit kasama ang taong mahal mo. It was simple but romantic. Kapagkuwan ay biglang inulan ang langit ng shooting stars. Namangha sila. Sinamantala nila iyon para mag-wish. Tahimik na humiling si Pearl. Ang unang naisip niya ay ang siyang w-ini-sh niya. Napangiti siya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When the Love is Real By: Heidi Star (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon