Savannah's POV
Aw ang sakit ata ng katawan ko. Pag dilat ko ang liwanag ng paningin ko
Nasa langit na ba ako? Nakakasilaw ang sakit sa mata
"Hi" may boses ng isang babae
"Okay ka lang ba?" Ramdam ko na katabi ko lang yung nag salita kaya tumingin ako sa gilid ko.
Nakita ko yung isang babae na maiksing buhok na napaka amo ang mukha.
Napaupo ako
"A-aaaaw"
Sabi ko pag kaupo ko.
Napahawak ako sa tiyan ko."Wag ka muna gumalaw, may tahin ka sa tiyan"
Ngumiti naman ako sa kanya
"Totoo nga sinabi sayo ng kapatid ko, napaka ganda mo"
Tumingin ako sa kanya na parang nag sasabing 'sinong kapatid' look.
"Si adam kapatid ko, bumili sya sa grocery ng makakain, alam mo nung natutulog ka di sya mapakali, panay hawi sa buhok mo. Ngayon ko lang sya nakitang ganun. Alam mo ang ganda ganda ganda mo para kang prinsesa kanina habang natutulog ka"
Napangiti ako sa sinabi nya
"Sorry ah kung madldal ako, gusto mo bang mag pahinga?"
Umiling ako
"Gusto ko po sana pumunta sa garden"
"Samahan na kita?"
"Hindi na po, kaya ko na naman eh. Syaka baka mag alala si adam pag balik dito na walang tao"
"Oh edi sige, basta bumalik ka kaagad ah?"
"Opo"
Sabay ngumiti ako sa kanya
"Katomboy naman, tara tulungan na kita tumayo"
Natawa kaming dalawa sa sinabi nya at tinulungan akong tumayo.
Nang maka labas na ako sa kwarto ko nag elevator ako dala dala yung nakatusok sa kamay ko na may tubig, pati yung bakal dala ko pa hahaha.
Nakarating ako sa playground may mga bata na nag lalaro dun.
Umupo ako sa bench, inamoy yung sariwang hangin
"Hi po ate"
May batang lalaki na tumabi sa akin
"Hello ang cute mo naman"
"Thank you po, ang ganda mo naman ate"Sabay hawak sa mukha ko
"Sino kasama mo dito?"
Tanong ko sa kanya ng mapansin kong wala syang kasama
"Wala po, bumili ng pag kain si mama sabi nya dito daw muna ako"
"Aaah, bat ayaw mo makipag laro sa kanila?"
"Bawal po akong mapagod eh, sa susunod na linggo na po yung operasyon ko ate. Mapapalitan na yung puso ko"
"Oh yun naman pala eh, lumaban ka ha? Mag pagaling ka kaagad"
"Opo ate tapos hahanapin kita tapos yayayain kita mag pakasal"
"Hahaha, Oh sige ah. Basta mag pagaling ka. Promise?"
"Promise po ate"
Tapos nag pinky promise kaming dalawa.
"Rolly tara na"
Sigaw ng babae sa kanya na may dalang plastic
"Ayan na pala si mama, alis na ako ate ah bye po"
"Byeeee" sabi ko sa kanya na naka ngiti.
Binuhat naman sya ng mama nya.
Ang cute nila tignan :)
BINABASA MO ANG
My One And Only You (MOAOO)
RandomHi guys wooooh medyo kabado lang hahaha this is the first time na gagawa ako ng story. So sana suportahan nyo ako :) Mahilig ako mag basa ng mga libro syaka mga iba ibang story. (Wala share ko lang) XD hindi ako magaling mag english. Basta sanaagust...