Panimula

144 40 44
                                    


"Anak?" tinig ng nanay niya habang kumakatok sa kwarto ng kanyang anak.

"Anak?" ulit na sambit nito sabay pasok nalang sa kwarto ng kanyang anak. Lumapit sa binatang naglalaro ng computer sabay tanggal sa headphones nito na nagpapabingi sa tenga ng binata.

"San ka ba talaga mag-aaral?" tanong ni Mama sa akin. Nakakunot ang noo, habang hinihintay ang sagot ko.

"Hindi ko pa alam ang kukuhanin kong course ma, kaya di ko pa alam kung san ba dapat ako mag-aral." sagot ko sakanya.

"Bakit di ka mag business management? Yan ang kursong kinuha ng kinakapatid mo, at ngayon, siya na ang nagpapatakbo sa isa sa mga kumpanya ng ninong mo." tugon niya naman. Di ko talaga ramdam ang business management at di ko rin ramdam ang mga opportunities na nabibigay ng kursong yon.

Napaisip ako kung gusto ko ba talaga ang Media Arts pero sabi nila ay wala daw akong mapapala duon. Di daw ako yayaman duon. Walang sumusuporta sakin kahit kaibigan ko, kaya di ko talaga alam kung dun ba ko sa passion ko, o sa bagay na makakatulong panigurado sa kinabukasan ko.

"Oh, ano nga? Gusto mo?" Tumango nalang ako kay Mama tsaka pumasok na uli sa kwarto ko.

Bumalik nalang ako sa paglalaro ng LoL at iniwan ang pagkakalito sa eskwelahan at kursong papasukin ko. Bahala na nga.

- - -

Nagising ako ng makaamoy ako ng pambabaeng pabango sa loob ng kwarto ko.

Nasilaw ako sa sinag ng araw mula sa bintana sa tapat ng aking kama na nagdulot ng paglingon ko sa kaliwa na nagpakita sakin ng kasalukuyang oras sa umaga na to.

Napatayo ako at nakita ko si Mama sa walk-in closet ko na naglalagay ng damit.

"Anak, gising ka na pala."

"Opo ma, morning." bati ko naman sakanya.

"Bat puro bistida tong damit mo sa haba anak? Ganyan na ba talaga ang uso? Ang panget eh."

"Ma naman, bagay sakin yan." reklamo ko sakanya.

"Eh eto, di ko alam kung san ilalagay tong uniform mo eh. Ikaw na lang ang bahala."

Teka, ano daw uli? Uniform?

"Ma, uniform? Eh di ko na magagamit yan."

"Anak, para to sa university na papasukan mo, inenroll na kita kahapon at nakalista na ang pangalan mo."

"Aling school ba ma?" Bahala na nga, basta makapagtapos.

"Sa Gerardo Business University anak. Kung saan kami nagtapos ng tatay mo ng kolehiyo."

"So kilalang kilala ka don?"

"Hindi gano, pero ang tatay mo, oo. Heartthrob yun dati kaya kilalang kilala, nung nililigawan ako, ayon rami kong haters. Ganda kasi ng mama mo. Yaan mo nasa elite list ka panigurado."

Gerardo Business University. Elite Class. What should I expect? I'M GONNA MAKE THE SCHOOL YEAR AWESOME! Nope, just hoping in it to be awesome.

+ + +

Male POV po ito. But don't worry, iiba-ibahin ko ang point of view, depende sa flow. Enjoy! Don't forget to vote, comment, and share!

thanks to kaikaura for the book cover!

Copyright © 2016 by papertix

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law. 

Ease OffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon