------
"Bakit ba kasi ulan ng ulan ngayon?! Tapos ang lamig-lamig pa wala tuloy akong mayakap." Bigla sabi nitong lalaking katapat ko sa couch na prenteng nakaupo at nanonood lang ng basketball game sa TV.
"Hayun! Medyo mainit pa ung plantsa yakapin mo." Biro ko sa kanya. Tinignan niya lang ako ng masama saglit at itinuon muli ang sarili niya sa panonood. Hindi naman siguro masamang magbigay ng komento diba?
"Mag girlfriend ka na kasi." Biro ko pa. Tinignan niya langulit ako pero hindi siya umimik. Okay, kunwari di ako nagsalita, kunwari wala akong sinabi. Deadma lang ang peg ni Koya.
"ANG BOBO! NASA KANYA NA UNG BOLA PINASA PA! AYUN NAAGAWAN TULOY ANG GAGO! TANGA!"
Hindi ako makapagreview nang maayos dahil sa bukod ang lakas ng boses niya at mukhang affected siya sa game na pinapanood niya eh nagcu-cuss pa siya. Napaka-banal na tao. Turn ko naman ngayong ang bigyan siya ng masamanag tingin. Nakipagtitigan siya sa akin at laking gulat ko ng nginisian niya ko at dahilan iyon para lumubog ang dimple niya sa kaliwang pisngi.
"Pakihinaan naman ng boses Yuji, nakakahiya sa nagrereview." Pairap kong sabi sa kanya. Ang hirap pa naman nitong subject namin na Human Anatomy at Physiology ang daming kakabisaduhin maging ang bawat lamang-loob ng katawan ng tao ay malapit ko ng mamemorize. Tatlong major ang exam namin bukas at pakiramdam ko ay piniga na ang brain cells ko.
"Pakisabi sa nagrereview, doon siya sa kwarto niya mag-aral." Pabalang na sagot niya. Nakakaloko talaga tong si Yuji kahit kailan. Minsan kapag hindi ako lumalabas nang kwarto pagsasabihan niya ko na lumabas naman ako at baka doon na daw ako mamatay sa loob. Ni hindi ko man lang daw in-appreciate ang ganda ng mundo.
Kung di ko lang kailangan magboarding house para malapit sa university na pinapasukan ko at para makaiwas sa nangyari noon sa amin ni Matthew, di ako magtitiis ng ganito eh. Oo dati umaasa pa ako na magkakabalikan pa kami ni Matthew pero siguro tama na un. Tama na ung nagpakatanga ako noon. Tama na ung mag-antay ako ng explanation na halos umabot na ng isang taon pero di naman nangyari. Umaasa na mageexplain siya kaso wala talaga. Iba talaga pag mahal mo lalo na at naging bestfriend mo pa.
"Sigurado ka bang mahal mo siya?" Tumango ako.
"No. You dont. Nasanay lang kayo ng palaging magkasama at pakiramdam mo mahal mo na siya. Pero magkaiba ung pagmamahal sa bestfriend at lover. You care for him coz he was your childhood bestfriend."
Sana sinabi ni Matthew na ayaw na niya. Na hindi na magwowork kung anong meron kami. Tanggap ko naman un. Hindi ung habang kami pa ay may kasabay kami at isang patunay non ang picture na nasa account niya. Di naman ako bitter para i-block siya sa social media accounts na meron kami.