HAPPY EASTER! Dapat bukas pa ang update pero dahil nasa mood ako advance ko na ito. Bukas na yung susunod. Hope you enjoy it.
-----------------------------------------------
Nadine POV
"Damn it Nadine! Answer me. Anak ko ba siya?" nawawalang pasensyang tanong niya at halata na ang inis at galit niya.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Sa sitwasyon na to. Ayoko parin. Ayoko parin na malaman niya. Oo selfish mang pakinggan pero natatakot ako. Natatakot akong mawala si Jared sa buhay ko. Siya nalang ang meron ako.
Napayuko nalang ako. Naiiyak ako. Kase sa tingin ko kailangan niya namang malaman eh.
Naramdaman ko nalang ang dalawang kamay niya na nakahawak sa mga balikat ko.
"Nadine please. Tell me. Anak ko ba siya?" nagsusumamong tanong niya. Mukhang nabawasan nadin yung galit niya.
Tumingin ako sakanya. Nakakaawa si James sa ngayon. Para siyang batang pinagkaitan ng laruan. Yung mga tingin niyang nagmamakaawa. Hindi ko na kaya. Yumuko ulit ako at tumango nalang sa tanong niya.
Naramdaman ko ang pagbitaw niya sa balikat ko. Kasabay ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "I'm sorry James" umiiyak na hingi ko ng tawad sakanya.
Alam ko naman na nasasaktan siya. Na galit siya sa mga nangyayari. Wala akong narinig mula sakanya kaya naglakas loob akong tumingin sakanya. Nakita ko siyang tulala. Lumapit ako sakanya at hinawakan siya sa balikat niya.
"James" mahinang tawag ko sakanya.
"How can you?" galit ngunit mahinahon na tanong niya habang nakatingin lang saken. "Ito na ba yung paraan mo para maiparamdam saken yung galit at sakit na naramdaman mo? Ito ba yung ganti mo?" nagaakusang sabi niya saken. Nawala naman ang awa at napalitan ng galit ang nararamdaman ko.
"Sa tingin mo yun yun? Hindi mo alam ang pinagdaan ko. Nagparaya ako James. Para sayo. Ayokong lumaki ang anak ko sa pamilyang buwag. Sa mga magulang na hindi nagmamahalan. Tapos ikaw pa ang galit? Wow ha." mapanuyam na sagot ko sakanya.
"Dalawayng taon yun Nadine. Hindi ko man lang nakita nung una siyang matutong maglakad. Nung una siyang magsalita. Unang pagbigkas niya ng Mommy." naluluhang sabi niya. Naawa naman ako bigla kay James. Oo at may parte saken na nagsisi kase pinagkait ko sakanya ang mga bagay nayun.
BINABASA MO ANG
Dealing with My Boss (RE-EDITING)
RomansReally love James and Nadine that's why i wanna use them to portray my character in this story. THIS STORY IS ON PROCESS!!!