Chapter 15
I'm walking alone...
with my head on the phone.
ECHOS>>>
Alam niyo bang ang lungkot lungkot ng buhay ko ngayon?
Kasi naman, parang kailan lang, ang saya kong naglalaro sa arcade kasama ang nag-iisang si Joshua.
At ngayon?
PARANG DI NA AKO KILALA T.T
2 weeks na mula nung last kaming nagsama. at alam niyo?
Ang lungkot,
yung wala pa kayong nasimulan, matatapos na? T_T
After kasi ng fair, back to normal na kami nitong si Joshua, as if di kami magkakilala.
Minsan nga eh, dahan-dahan akong tumatawid sa kalsada nag-aassume na baka muntik na naman akong masagasaan
pero ala eh.
Minsan nga nagpapapansin na ako kunwari dadaan sa tabi niya para pansinin
WA EPEK PA RIN!
Ang lungkot ng dalawang linggo ko.
Inaliw-aliw ko na lang ang sarili ko at dapat ko nang tanggapin na wala talaga akong pag-asa sa puso ni Joshua.
Nasa may veranda ako ngayon, nakatayo lang. Mula dito, tanaw mo yung buong ground pati na yung mini forest.
Break din kasi kaya dito na lang muna ako.
</3
Kaya ba siya lumayo sakin dahil may girlfriend na siya? :(
Mula dito, tanaw ko si Joshua papalapit sa barkada niya
May kasamang babae.
Wala akong panlaban dito,
maputi, matangkad, maganda.
Ito ata ang mga type ni Joshua
At malamang siya ang rason kung bakit niya ako iniiwasan.
Pumasok ako sa loob ng classroom since nakakainggit lang yung nakikita ko sa labas.
Boring ng araw.
Since cleaners kami ngayon hindi muna ako maka-uwi ng maaga.
"Ok na to, uwi na tayo"
Sabi nung classmate ko.
Habang nagliligpit ako ng gamit, di parin ako makamove sa hindi pagpansin sakin ni Joshua. Sana palagi na lang may fair para naman palagi niya akong pansinin. Haaay
Akala ko pa naman magiging close na kami. Siguro nga yun na yung pinakamasayang araw ko at di na ako mangangarap na may susunod pa.
Sakto paglabas ko ng classroom namin, bigla namang bumuhos ang ulan.
Malas naman oh! Wala pa yung payong ko.
Ay bahala na nga!
Dahil feel kong maglakad, maliligo na lang rin ako ng ulan since friday naman bukas.
Nilagay ko yung mga gamit ko sa locker at naglakad na palabas ng school.
Ang lakas ng ulan grabe,
Lumabas na ako ng school at nagsimula ng maglakad pauwi.
Ang alam ko ang lakas ng ulan ngunit parang di ata ako nababasa?
Tumingala ako para tingnan kung bakit di ako nababasa. Baka waterproof na ako ngayon. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Valley of Lost Love (On-going)
Fiksi RemajaTransferee, that's what she is, lumipat ng school and met there his ultimate crush, which is super turned off sa kanya, but we don't know what will happened to the two of them. :)