Chapter 36: We Meet Again

103 4 0
                                    

Emerald's POV

Ang dami na naming nabili at ang saya nga talaga nilang kasama.

"Kumain na muna tayo. Gutom na ako." Jennifer

"Pizza Hut!" Becca

Sumang-ayon naman kaming anim.

"Iwan na muna natin tong pinamili natin." Becca

Pagkatapos naming kumain, pumunta kami WOF.

"Anong una nating lalaruin?" Ako

"Yun!" Jennifer

"Wag yan! Yun muna!" Hyacinth

Tinuro nila lahat.

Nakakatawa sila.

"Unahin na natin tong malapit sa entrance." Queenie

Sinimulan na namin ang paglalaro.

Ayaw magpatalo ni Nicole pati si Hyacinth. Mali! Kaming lahat pala ang ayaw magpatalo.

Nung nasa Just Dance na kami, silang lima lang yung sumayaw at nanood lang kami ni Lou. Nahihiya kasi akong sumayaw kasi maraming nanonood, si Lou naman hindi niya daw hilig ang pagsasayaw. Silang lima, sanay na daw sila sabi ni Lou kasi performer sila nung nag-aaral pa lang sila.

Ang daming humanga sa pagsasayaw nila at maraming nagcheer at pumalakpak.

Pagkatapos nilang sumayaw, lumapit na sila sa amin.

"Ang saya nun!" Becca

"Sinabi mo pa!" Queenie

"Tarang sa CR." Jennifer

"Okay." Sila

"Kayo na lang. Hihintayin ko na lang kayo dun." Ako

Tinuro ko ang isang seat.

"Hindi naman ako naiihi eh." Ako

"Okay." Sila

Pumunta na sila sa CR. Naisipan ko namang manood sa mga naglalaro. I'm sure mag-aayos pa sila sa sarili nila kasi pinagpawisan sila kakasayaw at kakalaro.

Nalibot ko naman ulit ang WOF.

Pumunta na ako sa seat na tinuro ko sa kanila. Baka tapos na silang magCR o lalabas pa lang.

Umupo ako.

Nagulat naman ako sa lalaking nakatayo sa harap ko.

"San sila?" Tanong niya sakin

Tinignan ko siya.

He looks familiar. Sa likod naman niya ay may mga lalaki rin na sa tingin ko ay barkada niya.

"Ikaw yung bumangga sakin without even saying sorry." Ako

Siya talaga yun! Hindi ako nagkakamali.

Nagulat naman siya sinabi ko at nag-isip.

"Yeah! I remembered! Sorry miss. Nagmamadali talaga kasi ako kanina. Ah miss. San sila?" Siya

"Sino?" Ako

Ricco's POV

"No chance!" Kim

"Nalibot na natin ang buong mall. Naghintay pa tayo sa labas ng CR ng mga babae. Hindi pa rin natin sila mahanap." Ako

"Malas naman oh!" Alex

"Nilapitan mo na lang sana sila kanina bro." Christopher

"Nagulat rin kasi ako. Syempre hindi ko rin kayang lumapit sa kanila kasi alam niyo naman ang nangyari noon. Baka galit pa sila sa atin. Bugbugin pa nila ako pag nilapitan ko sila. Wala akong back up." Ako

He's Mine. She's Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon