"San kayo galing ..?" tanung ni tita na nakaupo sa couch sa sala, nagkatinginan naman kami ni Ian/James. "..Nagpahangin lang ma .." nilapitan nya si Tita. " Di rin ho ba kayo makatulog..?" tanung nya habang yakap si tita.
"Di ako makakatulog at mapapakali hanggat wala pa si Chen..." paos na boses ni tita, siguro kakaiyak. "Tita, pangako po, babalik si Ian.." sabat ko, at napatingin sya sakin.
Mga ilang segundo nya akong tiningnan at tumayo sya at naglakad palapit sakin.
Pakalapit nya ,hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at mabilis na niyakap..
"Baka nga naglayas talaga sya,*sinok* di ko alam ang gagawin ko.. mis na mis ko na sya" niyakap ko na rin sya, nakita kong umiiyak na rin si Ian/James.
"Dito ka ba matutulog..?" tanung ni tita ng pakawalan nya ako sa mahigpit nyang pagyakap." E ok lang po ba?.." nahihiya kong tanong.
"Oo naman, sege na, matulog kana, bukas ang kwarto ni Chen para sayo. .." Niyakap uli ni Ian/James si Tita. "Magiging ayos ang lahat mey." sabi nya ki tita at niyakap din sya.
Pakaakyat ko ng kwarto ni Ian, napatingin ako sa phone ko.2am , anu na naman kaya ang mangyayari bukas? panu ko matutulongan si Ian kung tanging gabi nya lang sya makakapasok sa katawan ni James??..
Ang gulo ng buhay ko simula kahapon.. di ako makaramdam ng antok...
Ian!! nasaan ba kasi ang katawan mo, at parang di kapani-paniwala ang mga nangyayari .Inopen ko ang phone ko, at nagresearch ako tungkol sa kaluluwang nahiwalay sa katawan, at ngayon di nya mahanap ang sarili nya.
**KINABUKASAN**
"Aaaaaah.." nagulat ako ki Ian , hindi dahil nagulat pala, natakot, kaya napasigaw ako.
"Bat ka ba ng gugulat??.. tsk.. di ka nga pala nagsasalita.. haaay... pagamit ng banyo mo ha." sabi ko sakanya at sa kabilang gilid ng kama ako bumaba, nasa kabilang side kasi sya.
**TOK..TOK..TOK..** (Katok sa pinto).
"Chen!! Chen.. andyan kana ba?" tanung ni Tita, kinuha ko ang towel at inilagay sa balikat ko, bagu pagbuksan si Tita.
Pakabukas ko ng pinto, agad akong niyakap ni Tita,,"O my God.. Chen.. saan ka ba pumunta?..'' tinapik-tapik ko ang likod nya.
"Tita, ako to, si Jack..." sabi ko at agad naman nyang iniharap ang mukha ko sakanya." Sorry Hija.. akala ko .. wala pa pala sya.." umiiyak na naman nyang pagpapasensya.
Pakasabi nya non, lumabas na uli sya ng kwarto, ako nag C.R muna bago umuwi.
"Papasok muna ako sa school, at may bagong naresearch ako kagabi *tingin sakanya* itatry natin mamaya kung gagana." sabi ko sakanya , wala lang syang reaksyon, nakakakilabot ang itshura nya promise, kala mo kakainin ka na..
Haissst. bahala na nga, sunod lng sya ng sunod sakin. "Di ka ba napapagod? o ina-*hikab* inaanto?.." napatingin ako sa dinaraanan ko andito n pala ako sa Campus.
Halos masubsub na ko ng may tumulak sakin.
"Hoy! baliw! kinakausap mo sarili mo ! ha? ha?!" pang iinis ni Geo, ang hari ni satanas.. "O anu, lalaban! papalag?, wala na yong kaybigan mo!! hahaha patay na yon!!..." tumatawa nyang sabi at sinabayan pa ng pagpalakpak.
**Bogsh....
(sound effect ng suntok ko ki Geo).Pakasuntok ko sakanya tumakbo na ko papuntang classroom "Tarantado kang babae ka a...", sigaw nya, di ko na nilingon, pumasok agad ako sa classroom.
Sakto pagpasok ko, sumunod na pumasok si Sir. Si Geo naupo sa tabi ni John.
Bigla ko namang naalala si Curt, malapit na ang Pageant for Mr. High Shool Prince, kilangan ko ng gawin ang mission ko.

BINABASA MO ANG
WHITE ROSE (huling hiling na mahiwaga)
De TodoAng TOTOONG MAGKAKAIBIGAN, nagbabangayan, nagtatampuhan pero nagkakabati, hindi perfect ang kanilang samahan, may isang pangyayari na susubukin ang kanilang matatag pagkakaybigan sa pagkawala ng isa sa LIMANG MAGKAKAYBIGAN, anung mangyayari kung may...