And we're down to the last chapter before the ending chapter. Hooooh, achievement talaga sakin na natapos ko to. To be honest, noong mga nakaraang araw akala ko di ko siya matatapos. Nahirapan akong iexecute bawat chapters, medyo nawala kasi ako sa plot ko. Share ko na rin na dapat nasa 20 chapters lang 'to. Hindi ko alam kung bakit umabot tayo sa 50 lol.
Yun lang, and basahin niyo na 'to. Mababasa niyo na ang POV ni Vic!!! :)
------
KIEFER
Ilang araw na ang lumipas nang tinawagan ako ni Mika para kunin ang gamit ni Ara sa dorm nila. Yun yung araw after nilang magchampion nung Finals nila.
Kinausap niya ako sa mga balak niya in the future. Sa nakikita ko, she's getting better na ulit. I think she's moving on na. Bihira na niyang mabanggit si Vic twing nag-uusap kami. Pero one time napakwento siya na nakita niya si Vic noon na may kasamang babae.
Yes, I know who's that girl. She's Shiela Pineda. Ewan ko kung saan nakilala ni Vic yun, nagulat na lang ako ng minsan lumabas kami ay sinama niya yun. Pero hindi ko yun sinabi kay Mika, dahil alam kong poproblemahin na naman niya yun.
Masaya ako para kay Mika lalo na't noong nabalitaan kong tatanggapin niya ang recruitment sa kanya from U.S. Agad ko siyang tinawagan noon at nagcongrats syempre. Inivite nga niya ako sa padespidida niya at ngayon yun kaya pupunta ako.
"Kiefer, saan lakad natin?" Nagulat akong biglang sumulpot si Ara sa kwarto ko.
"Ah, may pupuntahan lang akong despidida party." Sagot ko habang nagsusuklay ng buhok ko.
"Talaga, pajoin naman." Sabi nito.
Napatingin naman ako dito.
"Baliw, mamaya magalit sakin 'yun kasi may dala akong gatecrasher." Sagot ko at kinuha ko naman ang gagamitin kong sapatos.
"Joke lang. Ano ka ba naman!"
"Wala ka bang lakad ngayon?"
"Wala naman. Bakit?"
"Ayun, ikaw muna bahala dito."
"Sige sige. I'm Victonara the yaya of the day." Sabi niya na parang bata.
"Baliw." Sabay facepalm ko sa mukha niya. "Oy, aalis na ako ah. Ingat ka dito."
"Yes sir!" Tugon ni Ara at lumabas na ako ng pinto.
.
.
.
.
.
.VIC
Okay, naiwan na naman ako sa mansion ng mga Ravena. Actually, ang laki na ng utang na loob ko kina Kiefer, talagang alaga nila ko dito sa bahay nila. Kaya naman pag ako ang mag-isa dito naglilinis talaga ako.
Pumasok akong muli sa kwarto ni Kiefer. Yun ang una kong lilinisin kasi ang gulo talaga. Sabog kung sabog lagi ang kwarto niya.
"Hay Kiefer.." sabi ko at nagsimula na kong mag-ayos sa kwarto niya.
Inuna kong tanggalin ang bedsheets niya. Ilang linggo na 'to eh, sinabihan ko na siya dito pero di talaga nakikinig. Sarap upakan haha. Sunod ay yung mga punda ng unan.
Lahat ng mga lalabhan ay nilagay ko sa dala kong basket kanina. Mga damit na nakakalat ni Kiefer ay nilagay ko na rin doon. Mga towels, sandos buti naman at walang nakakalat na brief dito, kung meron.. sasabunutan ko talaga siya.
"Ay miss Ara, ako na lang po maglilinis dito." Napatingin ako sa may pinto at si Manang Bets pala yun.
"Hindi na Manang Bets, ako na dito. Marami pa kayong linisin dyan sa may garden eh." Sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
ФанфикDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...