Kwento ng aming paglalakbay.
Paano ko nga ba sisimulan ang pagku kwento para sa aming dalawa. Ahhh... ok... sisimulan ko sa pagpapakilala muna.
Dumating na Si Rocky.... oo, si Rocky. Yan ang binigay kong pangalan sa kauna-unahang bike na nagka meron ako. Dinala siya sa bahay. Nabili ko siya ng second hand mula sa aking kaibigan na si Laylani Bato-Bato at dahil sa kanyang apelyido kaya naisip kong Rocky ang itawag sa kanya.