Part 21

58 3 0
                                    

[A/N: Napapadalas at mapapadalas na ang pag-update ko dahil summer na at vacay na namin. Ang happy lang di'ba? Feel free to comment and vote after reading this; and if you also liked this part😊]





***





Part 21





"I'm sorry!" Napasigaw na ako. Kumakabog talaga ang dibdib ko. "I'm sorry, Prince Carlos. Sorry sa inasal ko kanina sa'yo." Paulit-ulit kong sabi.





"Okay."





Nagulantang ako. "O-okay?" Tanong ko. Unti-unti na din ako'ng napangiti. Alam ko naman'g mabait din ito'ng si Prince Car—





"In one condition." Tuluyan nang bumagsak ang dalawa'ng balikat ko habang lumilipad pa din kami.





Lord, ba't po ninyo ako biniyayaan ng dalawa'ng prinsipe'ng humihingi ng kondisyon?





Napabuntong-hininga nalang ako. "Ano'ng kondisyon?" Umay na umay na ako sa kondisyon thingy ng dalawa'ng prinsipe na'to. Pwede ba'ng maiba nalang? Favor?





Huminto siya kaya napahinto din kami'ng lahat. Lumingon siya sa akin habang naka-ngisi. "For now, it's a secret." Ngumisi siya ng mas malaki at kumindat sa akin. And God, why did the situation turned to slow motion? Why are you giving me a smirking slash winking prince? "Malalaman mo rin." Saka tumalikod na siya at nagpatuloy na.





Napatulala nalang ako.





Naramdaman ko naman'g lumapit si Hera sa akin kaya umayo ako ng posture. Bumulong siya sa tenga ko. "Taray mo talaga, 'teh. Dalawa'ng prinsipe-s— with the ezzz— na ang humihingi ng kondisyon sa'yo. Pa-share naman oh." Humagikgik pa siya.





"Sabihin ko nalang kaya sa kanila na sa'yo nalang sila humingi ng kondisyon?" Pabalang na tanong ko. Pabulong rin para 'di kami marinig ni Prince Carlos at Gretel.





Ngumisi siya sa akin, "Sige ba! Kay Gretel 'yung kay Prince Carlos habang sa akin kay Prince Andres para naman makabisita ako kay Caleb!" Masigla'ng sabi niya pero tiningnan ko siya ng matalim. "I mean, doon sa Zaroth. He-he-he!" Napailing nalang ako at nagpatuloy na sa pag-lilipad.





Minsan, naiisip ko, baka mapagod din ang mga pakpak, hindi ba. Pero ito'ng sa akin. Hindi naman 'to mapapagod dahil hindi ito parte ng katawan ko.





Ilan'g sandali lang ay nagsalita si Prince Carlos. "Sa tingin ko, nandito na tayo sa dati'ng dinaanan natin."





Napahinga ako ng maluwag. "Buti naman!" Inilibot ko ang paningin ko sa buong kagubatan. Napangiti ako sa naalala ko. "Dito ko una'ng nakilala si Prince Andres." Hindi ko namalayan na huminto na pala ako.





"Athena! Nagde-daydream ka ba kay Prince Andres?" Natatawang banggit ni Hera. Narinig nina Gretel at Prince Carlos ang sinabi niya kaya lumingon sila'ng lahat sa akin.





"Of course not!" Pagtatanggi ko. "Naalala ko lang na dito natin una'ng nakilala si Prince Andres at Caleb." Umiling nalang ako. Napatingin ako kay Prince Carlos nang muli siya'ng lumipad papalayo sa amin. Wala na kami'ng choice kundi sumunod sa kanya.





Nasa batis na kami kung saan 'pag nilapitan mo ito, napaka-kalmado'ng tingnan. Ang ganda lang pero naalala ko'ng malaki'ng destruction ang mangyayari kung gagambalain natin ito. Kaya minabuti nalang namin na lumayo sa parte'ng iyon.





Habang lumilipad kami, sinusundan naman kami ng napaka-init at tirik na tirik na araw. Ganito din kami ni Hera 'nung papunta palang kami sa Zaroth. At ngayon, kasama na namin sina Gretel at Prince Carlos.





Speaking of Gretel and Prince Carlos, naka-angkla na ang braso ni Gretel sa braso ni Prince Carlos. Nakikita ko'ng gumagalaw-galaw ang bibig niya kaya alam ko'ng may sinasabi siya kay Prince Carlos, at maya-maya lang ay ngumingiti si Gretel na nakatingin kay Prince Carlos. Na para'ng siya lang ang tangi'ng lalaki sa mundo. Siya lang ang pogi, siya lang ang kaya niya'ng tingnan ng ganyan ka-tagal habang naka-ngiti. At maya-maya lang ay wala sa isip niya'ng hinaplos ang mukha ni Prince Carlos kaya napalingon ito sa kanya.





Napalunok ako. Ayoko'ng tingnan sila. Ayoko sa nakikita ko. Pero bakit? Bakit hindi ako makaiwas ng tingin sa kanila. Natanaw ko kung paano hinaplos ng hinaplos ni Gretel ang mukha ni Prince Carlos. Nakikita ko din ang pag-taas baba ng Adam's apple ni Prince Carlos. Kaya tuluyan ko nang inilayo ang tingin ko. Ginawa ko ang lahat para hindi ko sila makita. Iniwas ko ang tingin ko.





Pero maya-maya lang din ay bumalik ang tingin ko sa kanila at nakita ko na ang unti-unti'ng pag-lapit ni Gretel sa mukha ni Prince Carlos. At nararamdaman ko din ang unti-unti'ng pag-tutulak sa isip ko'ng dapat ko sila'ng pigilan. Nararamdaman ko din ang dibdib kong malakas na kumakabog at unti-unti'ng pinipiga ang puso ko, pero hindi ko nalang iyon pinansin.





Namalayan ko na lamang na napalapit na ako sa kanila bago pa mangyari ang dapat mangyari. "Gretel!" I bit my lower lip. Shete, ba't pa ako sumabat? 'Yon na 'yun eh. Matutuloy na ang pag-hahalikan nila pero sumingit pa ako. Ang epal mo, Athena. Alam mo 'yun?





Napalingon sila'ng dalawa sa akin. Si Gretel ay nakakunot ang noo at halata'ng na-bad vibes, habang si Prince Carlos ay tinapunan lang ako ng tingin at bumalik na uli ang tingin niya sa harap niya. "Bakit?" Pag-tatanong ni Gretel sa akin.





Napalunok ako. Bakit? Bakit nga ba? "A-ahh, e-ehh wala." Sabi ko. Pero nakita ko ang mukha niya'ng tuluyan'g napaawang ang bibig. "I mean, ayaw niyo ba'ng bumaba muna para mag-pahinga? Ang init oh." Pag-dadahilan ko. Napakagat ako muli sa ilalim na bahagi ng labi ko. Pakiramdam ko, konti nalang at dudugo na ito dahil sa sobra'ng pag-kagat ko dito. Harujusko, ba't ko tino-torture ang sarili'ng bibig ko?





"Seriously, Athena?" Padabog na tanong sa akin ni Gretel. Muli siya'ng humarap kay Prince Carlos. "Prince Carlos, mag-pahinga raw muna tayo." Napaharap si Prince Carlos sa kanya saka tumango at nauna nang bumaba.





Sumunod nalang din siya habang naiwan kami'ng dalawa ni Hera dito sa himpapawid. "Athena!" Pag-tatawag niya sa akin sabay wagayway pa ng kamay niya sa harapan ko.





Nagising naman ako sa diwa ko dahil sa ginawa niya. Napaharap ako sa kanya. "B-bakit?" Tanong ko sa kanya pero tiningnan lang niya ako. Hindi ko maintindihan ang mga titig niya. "Tara na nga lang. Mag-pahinga muna ta—" hinigit niya ako pabalik sa kanya kaya napatigil ako sa pag-sasalita at muli niya ako'ng tinitigan.





"Tapatin mo nga ako, Athena!" Nagulat ako sa pag-sigaw niya. "May nararamdaman ka ba para kay Prince Carlos?" Kung gaano kalakas ang pag-sigaw niya kanina ay ganoon din kahina ang boses niya ngayon.





Nanlaki ang mata ko at agad umiling. "W-wala!" Sabi ko kaagad. "Wala, Hera. Uy, wala! Ba't ko naman 'yon magugustuhan?" Kung gaano kabilis ang pag-sasalita ko, ganoon din kabilis ang kabog ng dibdib ko.





Pinanlisikan niya ako ng mata. "Oh, ba't masyado ka'ng defensive?" Umiling ulit ako. Nakita ko'ng ngumisi siya. "May gusto ka sa kanya, Athena, 'no?"





"Sino ang gusto ni Athena?" Napalunok ako sa narinig ko'ng boses at unti-unti kami'ng napalingon ni Hera kay Prince Carlos na bigla'ng sumulpot.





Namawis ako bigla. "Mag-pahinga na tayo. Tara, Hera." Pag-aaya ko sa kanila at sumunod naman si Hera.





Susunod na sana ako sa kanya nang bigla ako'ng hinigit ni Prince Carlos sa braso at pinaharap sa kanya. "Bitiwan mo ako, Prince Carlos." Sabi ko nang humigpit ang hawak niya.





"S-Sino ang gusto mo?" Tanong niya sa akin.





And swear to all Gods, bakit ko nakikita ang napaka-hot na lalaki'ng prinsipe na may gold na korona at namamawis na V-line na revealing sa mga mata ko? Vitamins! He-he

One Magical TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon