Naglalakad tayo, masayang nagkkwentuhan tungkol sa kung anu-ano lang. Nagtatawanan sa mga bagay-bagay.
Tiningnan mo ako bago ka ngumiti ng matamis.
Hinawakan mo ang kamay ko at hinalikan ito. Lumuhod ka at sinabi mo ang mga salitang matagal ko ng gustong marinig mula sa bibig mo.
Sabi mo, mahal mo ako. Sabi mo gusto mong maging tayo.
Tinanong mo ako kung pwede bang manligaw.
Syempre pumayag ako.
May gusto naman kasi ako sayo eh. Noon pa. Kaya nga ako nakipagkaibigan sayo nung una pa lang kitang nakilala eh.
Ilang linggo lang ang lumipas at sinagot na rin kita. Sobrang saya natin nang araw na yun. Binuhat mo pa nga ako inikot-ikot habang isinisigaw mo na mahal na mahal mo ako.
Ang sweet mo parati saken. Di ka nagsasawang sabihin sakin na mahal mo ako. Lagi mo pa akong sinusurprise. Kung ano lang matripan mo, gagawin mo para lang mapasaya ako. Hindi nga uso sayo ang monthsary eh. Gusto mo, weeksary. Weeksary lang, sabi mo kasi mejo mahirap mag-ipon ng pang-surprise kaya hanggang dun lang muna, babawi ka na lang pag nakatapos na tayong pareho at may kanya-kanyang trabaho. Kada may surprise ka, parati mong dinudugtungan yun ng sorry kasi yun lang ang nakayanan mo. Kapag nagtatantrums ako, iniintindi mo pa din kahit na minsan ang childish ko na.
Hindi mo lang alam, sa lahat ng ginagawa mo, sobrang napapasaya mo ako.
Ganyan tayo nagsimula eh.
Sobrang swerte ko sayo. Madami din naman ang nagsabi nun saken. Yung iba nga binibiro pa ako na iseseduce ka pa para lang sila naman daw ang mahalin mo. Tinatawanan ko lang yun dahil alam ko namang biro lang yun eh.
May tiwala naman kasi ako sayo. Alam kong ako lang at hindi mo ako kayang lokohin. Sabi mo kasi, you'll die first before you cheat on me.
Kaya nga sa sobrang kampante ko eh, nawala ka na lang bigla. Di ko alam kung paanong nangyari. Basta na lang nanlamig ka tapos nang makita naman kita, may kahalikan ka ng iba. Take note, ikaw ang nag-initiate ng kiss at alam kong sinadya mo itong ipakita sakin. And worst of all, nalaman kong pinagpustahan nyo lang pala ako. At ang totoo mong mahal ay ang babaeng kahalikan mo.
Nagulat ako at gustong gusto ko ng umalis sa harapan nyo noon dahil naiiyak na ako. But instead, nginitian ko kayong dalawa at sinabing,
"Ganun ba? Mabuti naman. Quits pala tayo. Nagpustahan lang din kasi kami ng mga friends ko eh. Buti na lang sinabi mo, at least, di na ako makokonsensya. So paano, no hard feelings ah? Gotta go. I know you need some privacy." Saka ako ngumiti ulit at umalis na palayo sa inyo.
Akala ko sya yung antagonist, yun pala ako. Ako pala ang epal sa love story nyong dalawa.
Sana hindi mo na lang pinatagal yung kung anumang meron tayo. Ay hindi, pustahan nga lang pala yun. Ako nga lang pala ang naniwalang nagkaroon ng "tayo".
Kung sinabi mo lang sana agad, edi sana hindi ko hinayaang mahulog ako ng sobra sayo. Tinulungan pa kita sa pagpapanggap mo.
Ang sama mo kasi eh. Ginago mo ako para lang sa Php5000. Buti sana kung dollars pa eh, masasabi kong mejo umangat buhay mo dun kaso hindi naman. May pampalubag loob man lang ako sa sarili ko.
Pero shit lang, alam mo yung sinaktan mo na nga akong gago ka tapos sa akin ka pa hihingi ng tulong para sa babaeng totoong mahal mo?!
Masakit yun pare. Wasak na nga, mas wawasakin mo pa. Di ka na naawa eh.
Pero dahil sa tanga ako, tinutulungan kita sa kanya. Syempre kasi nga diba, no hard feelings?
Isang gabi, tumawag ka sakin, umiiyak ka. Tinanong kita kung bakit. Ang sabi mo, nagbreak kasi kayo.
Masama ba ako kung sasabihin kong natuwa ako sa narinig ko?
Hindi dahil gusto kong magkabalikan tayo pero para naman kahit papano maranasan mo ang karma.
Inaamin kong bitter pa ko. Hindi naman kasi ganun kadaling makalimot eh.
Nagpapasama ka sakin sa bar at pinuntahan naman kita. Wala eh, di kita kayang tiisin.
Puro yung babaeng yun lang ang lumalabas sa bibig mo. Sakin mo na na naman nilabas ang mga hinanakit mo. Ako naman, nakikinig lang. Umiiyak ka, yung iba nga sa mga sinasabi mo hindi ko na maintindihan eh, pero hinayaan ko na lang.
Hanggang sa makatulog ka na sa bar counter. Hindi naman kita kayang pabayaan na lang dun sa bar kaya iniuwi kita sa pad mo. Pinunasan muna kita at pinalitan ng damit bago umalis.
Nag-iwan na lang ako ng note sayo..
"This will be the last time. Good bye.
- Aimey"
Yun na ang huli. Ititigil ko na ang matagal na pagpapakatanga ko sayo. Ayoko ng maramdaman ang paulit-ulit na sakit na binibigay mo sakin.
Pero kahit na ganun, nagpapasalamat ako sa lahat ng naranasan ko sayo. Kahit yung sa masakit na part. Natuto naman ako dun eh. At kahit papano naman ay ipinaramdam mo sakin ang pagmamahal-kuno mo.
Hindi mo na ako makikita pang muli. Maging masaya ka sana.
Paalam na sayo, Carl.