IKAPITONG KAPITULO

349 26 9
                                    

IKAPITONG KAPITULO

"Good night, guys! Sleep tight!"

Nagsipatayan na sila ng mga flashlights nila. Pero dahil mababait sila, nagsiilawan naman ang mga cellphone nila dahil halata naman sa kanilang wala pa silang balak matulog kaya nagcellphone nalang ang mga ito.

Napailing naman si Angelo at napagpasyahang lumabas ng kwarto para maglakad-lakad. Tutal hindi naman siya makatulog.

Naisipan niyang magpunta sa kwarto ng girls para bisitahin si Smile na nagising na dahil sa ingay nila kanina nang magblack out.

Habang nilalakad niya ang madilim na corridor papunta sa room ng mga girls, ramdam niyang may sumusunod sa kanya.

Napatigil siya at napatingin sa likuran niya. Itinapat niya ang hawak na flashlight doon.

Wala namang tao.

Lumakas ang tibok ng puso niya dahil sa takot. Pinagpapawisan na siya ng malagkit. Binuka niya ang bibig niya para sumigaw o humingi ng tulong pero hindi gumana ang boses niya.

Nang may marinig siyang footsteps na parang tumatakbo palapit sa kanya, tinakbo niya na ang corridor papunta sa kwarto ng girls.

***

"Guys, sorry talaga kanina ah. Sorry dun sa mga nasaktan ko kung meron man." sabi ni Smile sa kanila. Kung sa kwarto ng boys ay madilim dahil nakapatay ang mga flashlights, sa girls naman ay maliwanag na maliwanag dahil nakabukas ang mga ito.

"Ayos lang, Smile."

"Okay lang, Smileee!"

"Ang mahalaga, maayos ka na!"

Sabi ng mga babae.

"Pero wala ka talagang maalala sa nangyari kanina?" tanong ni Lyka.

Tinignan siya ni Smile at napabuntong hininga. "Wala talaga eh. Sorry."

"Wala 'yon, Smile!" singit ni Xian at yinakap si Smile.

Natigil ang pagkukulitan ng girls nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Angelo na tagaktak ng pawis. Mabilis nitong sinara ang pinto.

"Oh? Anong nangyari sayo, be? Bakit ka nandito?" gulat na tanong ni Karen.

"Hey, bawal boys dito!" binato si Angelo ng unan ni Leunize.

"Baka kaya siya nandito kasi girl din siya?" biro ni Quincy na nagkibit-balikat.

"Grabe ka, Quincy! Hahaha!" tawa ni June Alliah.

Kahit na pinagtatawanan na ng girls at binibiro si Angelo ay hindi pa rin niya magawang kumalma. Takot na takot siya.

"Hey, ano bang nangyari?" tanong ni Andrea kay Angelo.

"Mukha siyang nakakita ng multo." bulong ni Chilles kay Jona.

"Baka nakakita?" bulong pabalik ni Jona kaya nakatanggap siya ng hampas mula kay Cynnara na katabi lang nilang dalawa at naririnig sila. "Hindi magandang biro yan, uy! Hahaha!"

"Shhh. Wag kayong maingay." mahinahon na sita ni Alliyah Gaille.

"Kanina k-kasi.." Ikinwento ni Angelo ang nangyari na naging dahilan para manahimik ang girls.

"Guys.." Binasag ni Pauline ang katahimikan. "Hindi kaya may multo dito sa mansion na 'to?"

"Pau.." saway ni Cricel.

"Hindi. Eh kasi una, sinapian si Smile. Tapos ngayon, may sumusunod daw kay Angelo." paliwanag ni Pauline sa naisip niyang konklusyon.

"Mukhang hindi multo kasi first, ghosts don't exist. Second, mas mukhang gawa itong lahat ng bad spirits." kontra ni Smile.

"Tama si Smile. Pero hindi pa rin tayo makasisigurado dyan. Malay niyo, coincidence lang. Tsaka malay niyo si Manang Pasing lang yung sumusunod kay Angelo kanina o kaya yung mga boys na mahilig manloko." opinyon ni Fren.

"Bakit feeling ko may hugot yung sinabi ni Fren?" wala sa sariling sambit ni Chyarrel.

"Ay nako." Inikutan nalang ni Angelika ng mata si Chyarrel.

"Bakit kaya hindi natin 'to sabihin kay kuyang driver?" suhestiyon ni Ronalyn.

Sasagot na sana ang iba nang biglang bumukas na naman ang pintuan at bumulaga sa kanila ang mga boys na hinihingal at pawis na pawis.

"GUYS, PATAY NA SI KUYANG DRIVER!"

+++

Hi! Pa-plug lang. Sino dito ang mahilig magbasa ng fantasy stories? If ever, I recommend you guys to read "Magic", ang isa sa mga ongoing stories ko. Actually, kasabay ng story ko na yun ang story na 'to. Ahue. 😂 Try niyo yun ha!

So, sorry kung sa mga past chapters up to now ay hindi pa naeexpose lahat ng characters. They're 49 characters for goodness' sake! XD Plus pa si Manang Pasing at kuyang driver. Don't worry tho kasi sa future chaps ay magkakaroon lahat ng scene. After all, lahat sila ay bida. :>

MANSION 49 (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon