1

8 0 0
                                    

True? Yeah.

-


May 27, 2015

That was the date when I had a crush on him. Yung para bang nagslow motion lahat ng tao, ng bagay. Yung oras na sya lang yung nakita ko, yung naisip ko na "I bet he's the one". Hindi iyon yung una una naming pagkikita pero yon yung unang beses na nakaramdam ako ng ganoon sakanya. Strange feeling.

Being a girl, syempre meron akong hiya sa sarili ko at hindi ko siya kinausap noon kahit na gigil na ako sa kilig kasi sa totoo lang ang gwapo niya talaga, naisip ko nga "nako attracted lang ako dito", kaya ayun idinaan ko na lang sa group message ang kilig na nararamdaman ko. Oo, nagg-m ako. Ayun, nagreply yung barkada ko na si Arjay na barkada din nya. That time, nung nakita ko siya, kasama nya si arjay. Ayun, nakakahiya man aminin pero nagpalakad ako sa kanya. Ewan ko ba kung anong naisip ko non at ginawa ko yun, siguro dahil sa curious din ako sa buhay na meron sya.

Jimuel Vistro. Yan ang pangalan niya, at 15 pa lang siya at 16 ako nung time na yun. Mag fifirst year college palang ako samantalang siyamag second year highschool palang. Nakikita kita ko siya na nagyoyosi, nainom ng alcoholic drinks although nainom din naman ako. At hindi ko naisip na magkacrush ako sa kanya, or should I say na mako-curious ako sa kanya?



The next day, May 28, 2015

That was the day na birthday ng pinsan kong beki. Nahila ako sa ikot, close kame e. So ayun, andun siya, magkatapatan kami ng upuan. Habang may naikot, may naglologic na isa sa barkada ko na barkada nya rin pala. So nasa isang circle of friends lang kame, just wow. At medyo natawa langako kase halos lahat ng sagot ko, sagot nya din ha!Kami lang ang palaging may parehong answer. So, medyo tipsy na ako non, kaya medyo ang lakas na ng loob ko, sabi ko sa kanya "bat ka ba nanggagaya ng sagot? ha?" ang sagot nya sakin? He just smiled at me. Napaka talaga! E di ako naman non, syempre hagikgik at kilig. Feeling ko pa non, ako yung may birthday kase parang ako yung niregaluhan.

Ang saya saya ko nung araw na yon, kait na hindikami nagkausap ng direct talaga. Alam ko na magpagkakaunawaan na namuo sapagitan namin. Assuming ako e. Bakit ba!!



May 29, 2015

Ito yung day na chinat ko siya kase may laban sila bukas ng liga(basketball) So I cheered him by chat. Kase that time wala ako sa barangay na yon, kase sa totoo lang sa katabing barangay ako nakatira pero dati kaming may bahay sa barangay nila jimuel at nandoon padin ang mga tita's and lola ko. Nilakasan ko yung loob ko non, hapon ko siya chinat. Online ako magdamag, at nung gabi si-neen nya yung message ko. Syempre I expected na sasagot sya but.... none. Ni-ha ni-ho WALA! Kaya barinong barino ako non. Kase sating mga girls, effort na yung ikaw yung unang mag-aapproach right?



May 30, 2015

MASAYA. Kase nag reply sya kahit late. Sagot nya ay "Sige ba, basta ikaw." Ayan, ang harot kaya ako, kilig na naman ang tumbong. Hindi makatulog sa gabi sa kaiisip. Pero honestly, ngayon lang ako nagkacrush ng ganoon sa tao. Yung tipong ako talaga yung gagawa ng way para magkalapit kami? Kase most of the time, pag nagkakacrush ako, hinahayaan ko lang. Pero siya?I don't think so na hayaan ko lang ang taong yun.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thoughts..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon